Ikadalawampu't tatlong Kabanata

Start from the beginning
                                    

"Weh? Baka may gusto ka lang tanungin?" Sabat ni Leila.

Umirap ako dahil totoo naman iyon. Napakagat na lang ako sa labi ko.

"Luh, landi. May pakagat labi pa." Ani Amarie na ang lapit ng mukha sa camera.

"Pakyu. Buti nga labi ko kinakagat ko, ikaw labi ng iba." Pambabara ko sa kanya kaya nanlaki ang mata niya at pinakyuhan ako. Natawa ako at nagulat naman sina Zil doon.

"Hoy! Anong nangyari kagabi na 'di namin alam?!" Sigaw ni Zil.

"Hunarot 'yung mga 'yan, oh. Si Max at Leila hinarot ibang kabanda ni Vin, si Bianca nakipagharutan sa bartender, si Amarie naman biglang nawala." Pambubuking ko sa ginagawa nila kagabi. Nalasing ako pero hindi sobra na nakalimutan ko kung ano ang mga nangyari.

"Ang lalandi niyo naman." Sabat ni Ivy na nakasimangot sa camera. Natawa sila at hindi na iyon dineny dahil totoo naman.

"Hindi ka lang nakalandi, eh." Bara ni Bianca. Umirap na lang siya.

"Oy, Jana. Ano ba 'yon? Ba't ka tumawag?" Takang tanong ni Zil.

"Wala lang. Pupunta si Vin dito sa bahay mamaya." Kalmadong sagot ko pero napatili ang iba. Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa lakas no'n.

"Hala, pokpok! 'Wag ka bibigay agad!"
Sabi naman ni Bria na nagpapacute pa sa camera.

"Luh, parang ikaw..."

"Hoy, shh. Manahimik ka diyan." Putol niya agad sa'kin kaya natawa ako.

"Magmemed school ka pa, oy. 'Wag ka muna pabuntis." Sabat ni Max kaya nandidiri ko siyang tinignan. Natawa naman sila lahat.

"Dudumi ng utak niyo!" Sigaw ko sa kanila kaya natawa sila ulit.

Ilang saglit pa kami nag-usap at puro kalokohan ang sinasabi nila sa'kin. Nagbigay pa ng tips si Bria kung paano humalik ng maayos habang si Zil ay nandidiri lang doon. Tinawanan ko lang 'yon dahil mukhang si Zil na lang ang walang first kiss sa amin. Hindi ko lang alam sa iba.

Nagpaalam na ako nang magtext sa'kin si Vin na nasa labas na raw siya ng bahay namin. Natawa pa ako dahil sinabihan pa nila ako ng goodluck. 'Kala mo naman kung anong gagawin namin.

Sinuot ko na ang tsinelas ko at nagtali ng messy bun dahil bigla akong nainitan. Lumabas ako ng bahay at hinanap pa siya na naroon pala sa kanto. Naglakad ako papunta sa kanya at lumingon pa sa paligid para tignan kung may nakatingin. Nang wala ay agad akong tumakbo para yakapin siya.

"Miss na miss mo naman ako." Bulong ni Vin sa tenga ko. Bumitaw ako sa kanya at sumimangot.

"Medyo lang." Sagot ko at pinangunahan na siya sa paglalakad. Napatigil ako nang mapansin na wala siyang dalang motor o kotse niya. May nakasabit din na gitara sa likod niya.

"Sa'n kotse mo? Motor?" Tanong ko nang makarating sa harap ng bahay.

Sinuklay niya ang buhok niya. "Motor dala ko, nakapark doon sa bahay ng kaibigan ko na malapit dito." Sagot niya sa'kin. Tumango ako at napansin ang suot niya. Nakawhite siyang vneck at black na shorts. Nakaslip ons lang din siya at suot niya ang binigay kong singsing sa kanya, may suot din siyang chain na necklace. Simple lang naman iyong suot niya pero ang pogi niya pa rin doon.

Pinaupo ko siya sa sofa at umupo rin ako. Sinandal niya ang gitara niya sa pader kaya kinuha ko iyon at tinanggal sa lalagyan.

"Para sa'n 'to?" Takang tanong ko at sinabit pa ang strap no'n sa sarili ko. Napangiwi ako nang matanto na mabigat pala ito.

"Dahan-dahan." Napatayo si Vin at inalalayan ako. Ngumuso ako dahil do'n.

"Turuan sana kita." Napakamot siya sa batok niya at tumingin sa akin. Napangiti ako at hinalikan ang pisngi niya. Ngumisi siya kaya nakita ko ulit iyong dimple niya.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Where stories live. Discover now