CHAPTER 10

1.2K 17 3
                                    


Rence P.O.V.

Labis nanghina ang buo kong katawan dahil sa nagdurugo kong sugat. Pagod na pagod ako at halos mawalan na ako ng malay. Sa mapuno at madamong lugar ako nagtago para hindi mahanap nina Angel. Ang hirap ng ganito na nakikipaghabulan ka kay kamatayan.
"Huhuhu..Humanda kayong lahat.. Pagbabayaran nyo to.. Pagbabayaraaaaannn nyo to.. Ahhhhkk... ahhhkk..!!!! ang sakit ng katawan ko... Sinusumpa ko, gaganti ako sa lahat na ng api sa akin..!!! Huhuhuhu!!!"
Nang biglang bibigay ang katawan ko ay may sumalo sa akin. Sobrang bilis ng pangyayari..

"Nasaan po ako... sino kayo?? Anong nangyari..??  where am i??? please... ahhh.. ahhhkkk.. ang sakit.. bakit nakabenda ako..??"
"Iho... huminahon ka.. ako si Lola sita... Nakita kita na duguan at walang saplot doon sa puno ng akasya.. Dinala kaagad kita dito at ginamot.. Dito ka sa tirahan ko.. halos magdadalawang araw na wala kang malay iho kaya sigurado akong gutom ka na.. Ipagluluto lang kita iho ng lugaw..."
"lola, salamat po.. sino po ang kasama nyo dito lola??"
"ako lang iho.. patay na ang asawa ko.. wala kaming anak iho kaya ako nalang ang namumuhay dito sa munti kong tirahan.. pasensya na iho kung maliit lang ang bahay ko.."

Si lola sita ang nagligtas ng buhay ko.. Byuda sya at walang anak. Pagbebenta ng gulay ang kanyang kinabubuhay kaya tuwing araw ay wala sya dito at halos abutin sya ng hating gabi para maubos lang ang kanyang paninda.. Sobrang luma ng kanyang bahay na kulang nalang ay pahirin ng malakas ng hangin para magiba eto.. Ganun pa man ay labis akong nagpapasalamat kay lola sita sa pag.aalaga nya sa akin.. Nagpagaling ako sa loob ng isang buwan sa tirahan ni lola sita. Pagkatapos non ay tumulong ako sa kanya sa pagbebenta ng gulay. Napakapayak ng buhay ni lola sita.. Kaya kahit konting pagkain lang ang aming pinagsasaluhan ay masaya kami.. Di tulad sa nakasanayan kong buhay na halos mapuno ang mesa ng pagkain na konte lang naman kami sa bahay.. Dito ko natutunan na ang bawat kitang sentemo ay pinaghihirapan at pinapahalagaan.. Napamahal na sa akin si lola sita dahil sa pag.aalaga nya sa akin at tinuring nya akong anak..

Makalipas ang Tatlong Buwan kasama si Lola Sita

Rence P.O.V.

"Lola, okay lang ba kayo??"
"Okay lang ako iho.. atchuuuu... atchuuu... atchuuu...!!! Huwag ka ng mag..... Atchu.. atchuuu..!!! mag.alala sa akin iho..."
"Naku Lola, inuubo po kayo... atttt.... Mainit po ang katawan nyo.. flu na yan lola... magpacheck up tayo sa center lola..."
"Salamat iho, hulog ka talaga ng langit..."

Pumunta kami ng center para I pa check up si Lola sita. Sabi ng health care officer doon ay may flu si lola.. Bukod pa dun ay mababa ang blood sugar nya.. Kailangan daw I pa check up sa doctor para malaman ang tunay na kalagayan ni lola dahil na din sa kanyang edad.. Tiningnan ko ang aming kita at kulang eto pambayad ng Doktor. Kahit ilang araw pa akong magtinda ng gulay para kumita ay hindi sapat iyon at ayaw kong patagalin ang kalagayan ni lola.. Lubhang nag.alala ako kay lola sita dahil sa kanyang kalagayan. Parte na sya ng aking buhay at ayaw ko pa syang mawala sa akin.. Nag.isip ako kung ano ba ang dapat na gawin.. Naalala ko..
"Si mama... si Papa.. dati pala akong mayaman.. Tama! Eto na ang tamang oras para magparamdam ako sa kanila.."
Naalala ko si mama at papa kaya nagpaalam ako kay lola na aalis muna saglit. Pumunta ako sa bahay namin sa Quezon. Nakatsinelas lang ako, nakashort, tshirt ng asawa ni lola ang gamit ko,medyo mahaba na ang buhok, medyo payat ng konte.. dahil sa village ang bahay namin ay mahirap makapasok dahil my guard na nakabantay at mukhang bago eto. Ang mahirap nito ay wala akong id..
"Sir, saan po kayo?"
"Guard, papasok lang ako sa bahay namin.. I'm Rence Tan.."
"Wait lang sir.. Tatawag lang ako for verification."

"sir, I'm sorry pero matagal nang patay si rence tan.."
"ako nga yun at di ako patay.. Nagbabalik ako.."
"Bawal sir talagang pumasok dahil walang permission po kayo.."
"I need to enter.. Please guard.."
"Di pwede sir.. Baka nagpapanggap lang kayo sir dahil batay sa sinabi sa akin ay patay na si sir Rence Tan"
"That's me.."
"Di nga pwede sir.. Ang kulit mo.. alis ka na dito."
"I'm not going anywhere except to my house.."
"Sabing di nga pwede.."
"You will regret this later guard.."

MARITIME HUNKWhere stories live. Discover now