CHAPTER 01

9.3K 67 2
                                    

Hello, I'm Rence. 17 years old.5'8" in height. Maganda ang katawan. Masasabi ko namang matatanggap ako bilang modelo pero di ako showy na tao. Katamtaman lang ang kulay ko, di ako gaanong kaputi at di naman ako maiitim.. Masasabi kong fair complexion... Nasasabi ko namang gwapo ako dahil madaming nagkakagusto sa akin. Madami ding nagsasabi na cute ako. Katamtaman lang ang tangos ng ilong ko. Di masyadong matangos pero di pango ito. Graduate ako nung high school na Valedictorian. Di ko naman akalaing gragraduate ako na may karangalan dahil medyo bad boy ako nung High School days ko pero I don't have any vices na makakasira ng sarili ko like I don't drink liquors and I don't smoke either. Nag.aaral lang ako the day before ng exam. Minsan natutulog ako sa class dahil nga dala sa kalalaro ng COC gabi-gabi kaya parati akong inaantok. Grabe.. TH level 7 palang ako and I need upgrading ng mga troops ko. .. Adik na adik ako sa games na to.. Pero di ko naman napapabayaan ang pag.aaral ko. Kaya nga graduate ako as Valedictorian which is very surprising sa part ko. Sabi ng teacher ko, spoiled brat ako ng magulang ko.. Sobrang kampante ako daw sa sarili ko dahil nagagawa ko daw matulog sa class.. It's a genius thing daw.. Mabait naman ako.. May kaya naman ang pamilya ko. My mother is a supervisor sa BPI. Ang father ko naman ay seaman"international" . Capitan sa barko. I'm the only child.

Pakiramdam ko wala akong pamilya because both of my parents are busy and we don't have time to do bonding. My mother live in Pasig, while me.. Nagstastay sa condominium ko sa Makati. During my graduation, walang umatend kina papa o mama.. So I'm all alone. It's okay because I'm used to be alone. I'm a loner person which is I really admit. I don't talk to anyone because I'm tired in talking. After ng graduation ko, I've decided to take a Maritime course. I know na mahirap ang kukunin kong major pero I want to travel the world for free. Ayaw ko nanggaling ang panggastos ko kina papa at mama. Since wala naman silang paki sa akin, di ko na pinaalam sa kanila kung saan ako mag.aaral at anuong course ang kukunin ko. Kumuha ako ng entrance examination sa MAAP . Nakapasa ako at nakakuha ng isang scholarship. I'm very happy because I've passed the examination. Since, natanggap ako sa isang scholarship, I need to stay in a dormitory. We only have Saturday and Sunday na pwedeng lumabas ng school pero yung remaining days, stay in kami sa school kung saan ang Dormitory namin. But one thing I need to pass is the Midship Man Orientation which means kailangan kong dumaan sa isang pagsubok for 5 days. This is to test my physical strength and determination to continue this Maritime schooling.

Rence P.O.V.

Eto na nga. Nag.iimpake ako. Nilagay ko na mga damit ko, pantalon, tooth brush, sabon, shampoo, libro, pabango, at iba pang mga gagamitin ko sa maleta. Dinala ko na rin ang touch screen laptop, pocket wifi ko para makapag internet na din ako dun for my research, cp, charger at iba ko pang mga gadgets. Since , alas tres ng hapon ang flight ko going to Baguio nagmamadali ako dahil malapit nang mag ala una ng hapon. Agad agad kong nilock ang condominium ko at nagbantay na ng taxi papuntang airport. "Manong, sa NAIA Terminal 1 po ako. Pakidali lang po manong kasi late na ako at may naghihintay pa sa akin doon." "cge sir, mamadaliin ko papuntang Terminal 1. Mabuti nalang sir, di masyadong traffic ngaun dahil sabado at walang klase pa. " "Salamat manong."

Yun na nga, nakarating ako sa Terminal 1 mga 1:30pm. Nung pagpasok ko, may nakita akong naka longsleeve na lalake at may hawak na karton at nakalagay dun ang pangalan ko. "Rence Tan". Tantya ko mga 5'10" ang height nya, may itsura naman sya. Agad akong lumapit sa kanya habang hila hila ko ang maleta ko. "Sir, ako po si Rence Tan." "Ganun ba sir Rence, wait lang sir at hihintayin natin ang lima mo pang kasamahan since maaga kang nakarating ng 30 minutes." "ganun ba sir, sige sir uupo lang ako dun."

"okay sir Rence." Maya maya may nakita akong tatlong lalaki na lumapit sa kanya at sigurado ako na yun ay ang iba ko pang kasamahan na sinabi nyang di pa nakarating. Kasunod naman nito ang dalawang lalaki. Mag 2:00 pm na at kumpleto na kami since ito naman daw ang oras ang start ng orientation namin sa airport. Tinawag kami ng lalaking naka long sleeve kanina na may hawak na karton na may nakasulat na pangalan namin. Nag assemble kami malapit sa entrance ng eroplano sa Gate 5. "Mga sir, wala pong special treatment kayo starting sa mga oras na ito dahil ang orientation nyo ay mag.uumpisa dito pa lang sa airport para makapag decide kayo kaagad kung tutuloy kayo. Kailangan nyong mag squat hanggang mag go signal na ang mga steward na pwede na kayong pumasok sa eroplano at dun pa lang kayo pwedeng umalis sa kinanalagyan nyo." Yun na nga, wala kaming nagawa at nilagay lahat ng bagahe namin sa gilid at nag squatting position sa tabi ng entrance sa eroplano. 10 minutes pa lang ay nanginginig na ang mga paa ko at pumapatak na ang pawis ko sa mga pisnge ko. Pero kaya pa naman.Ang tagal ng boarding na halos ikatumba ko sa sobrang pagod. "Tsssst..." "tsssssttt'' sabi ng isang boses pero di ko pinansin dahil nagcoconcentrate ako sa kasqusquatting.. "tsssst" di ko pa din pinansin.. "Ako nga pala si Rey.." rinig ko na sabi ng katabi ko sa bandang kanan since ako ang nasa dulo. Di ko ito pinansin dahil baka di ako ang kinakausap nya kaya diretso lang ang tingin ng mga mata ko. "suplado mo Mr. Rence.." nagulat ako nang binanggit nya ang pangalan ko. Lumingon ako baka kasi may iba pa kaming Rence na kasamahan dito na kinakausap nya at baka di ako kinakausap nya.. Mapahiya pa ako.. "Hoy, Rence.. Sumagot ka naman.." Napalingon ako ulit sa kanya. "Ahhh.. ehh.. ako ba boss kausap mo?" "ikaw lang naman ang rence sa atin dito.. anyway, im Rey." sabi nya.. "Okay" ang maikli kong tugon at binalik ulit ang mata ko sa harapan. D ko masyadong Makita mukha nya dahil mata lang naman ang ginalaw ko baka pagalitan kami ng nagbabantay.. "nakakapagod nohhh... pero okay lang, malapit na ang boarding.." ang sabi ulit nya.. "oo" ang maikli kong tugon. "Rence, since magiging classmate kita.. friends tayo since ikaw ang una mong nakilalang kaibigan dito at sa ganitong pagkakaTaon pa.'' "Okay" ang maikli kong tugon.. "mukhang pinapawisan ka na yata" sabi nya.. "okay lang yan, maya maya mapapahiran mo din ng panyo ang pawis mo.." tumango nalang ako bilang pagsang.ayon..  di ko namalayan ang oras at tamang tama lang na halos di na makakaya ng tuhod ko sa kakasquat.. sa wakas boarding na.. lahat kami nakapasa sa unang patikim pa lang.. at dali dali naming kinuha ang mga maleta namin at pumasok na sa eroplano.. NAuna akong napaupo sa bandang likuran, economy class sa tabi mismo ng binta.. "hay,, mahirap na nga ang squatting,, pano pa kaya kapag dating namin dun mismo.. For sure, mas mahirap ang ipapagawa sa amin dun.. tsk tskk.." ang bulong ko sa sarili ko habang tumitingin sa mga kaulapan.. "okay lang yan.. atleast may kasama ka na sa hirap. You're not alone Rence." Biglang sabi ng katabi ko.. nagulat ako at napalingon ako.. Si Rey pala. Di ko napansin na magkatabi pala kami sa upuan sa pagmamadali ko kaninang umupo. Feeling close lang ang mokong.. pero naagaw ang aking atensyon ng Makita ko na mukha nya.Mukha syang half blooded. Parang PhilAm, matangos ang ilong at pink ang mukha. Red lips at parang nangungusap ang mga mata. Tantya ko mga 5'10'' sya. Matangkad konte sa akin. Mistisong mistiso ang dating nya sa akin at mukhang sanay din syang gumamit ng engish dahil sa kakataglish nya sa akin. "oo".. maikli kong tugon ulit.. "mas cute at gwapo ka pala sa malapitan noh.. Ang kinis ng mukha mo. If I'm not mistaken mayaman ka siguro. Walang ginagawa sa bahay nyo" Bigla akong nag blush at nahiya dahil sa sinabi nyang gwapo at cute raw ako at feeling nya na close na kaagad kami. "di ako mayaman" ang tugon ko ulit." Tumingin ulit ako sa bintana para umiwas sa pagtingin sa kanya  kasi titig na titig sya sa akin. "tagasaan ka Rence?" "Manila" maikli kong tugon ulit.Talagang ang daldal ni Rey. Di kasi ako sanay na may kausap because I'm lazy in talking. Since alam ko naman na communication is very important in this field.. I've tried my best to respond.. "May gf ka na ba Rence" "wala na" tugon ko.. "bakit naman kayo naghiwalay?'' "mahabang estorya" sabi ko. "wait lang.. bakit mo naman pala nalaman pangalan ko?" "ahh .. yun ba.. tinanong ko kanina sa nag.orient sa atin kung ano pangalan mo. Ganun kasi ako, inaalam ko kung sino ang magiging classmate ko" sabi nya.. "ahh.. okay" maikli kong tugon. "teka nga pala, bakit kayo naghiwalay ng gf mo? Ano ba ang nangyari Rence?" sabi ulit nya. "ayaw nya na eh. Basta, mahabang estorya." Sabi ko. "sama tayo sa isang kwarto rence since tig dadalawa ang tao sa isang kwarto doon sa dormitory at since magclassmate tayo then magkaibigan tayo at ikaw ang una kong friend?" sabi nya. "okay" sabi ko. "tALaga?" "okay" "huwag kang mag.alala, hati tayo sa paglilinis ng room natin. "may kapatid ka ba rence?" tanong nya. "wala" sagot ko. "Parehas pala tayo, the only child. My mother is a Pilipina, and my father is a british" , "okay" sabi ko since I'm not interested to know his story. "Rence, nakailang gf ka na?" "apat" tugon ko.. Medyo malapit na talaga akong mapikon dahil tanong ng tanong ang mokong na to sa personal kong buhay pero I'm trying to be nice dahil sabi daw nila importante ang pagiging sociable sa field na to. "hehehe,makulit ba ako Rence? Pasensya na.. I'm just happy kasi may kaibigan na ako.. Hopefully, we will be like twin brother." Nang gusto ko na sana syang sabihan na ang daldal nya at lumingon sa kanya naagaw ang atensyon ko ng nangungusap ang mga mata nya na seryoso sya sa sinabi nyang gusto nya akong maging twin brother. Lalong lalo na nang inangat nya ang dalawang braso na nagsasabi na inaantok na din sya, nakikita ko ang namumutok nyang bisep since fitted talaga ang damit nya at mukhang may mga abs din sya kagaya ko. Mapupula din lips nya at makinis din yung pisnge nya. "tulog muna tayo rence. Nakapagod kasi kanina ginawa natin" "okay" yun na nga natulog ang mokong. Nang matulog etong si Rey, napansin ko na talagang cute at gwapo sya kahit tulog. Pwedeng maging artista kung gugustuhin din nya. Sigurado ako na habulin ito ng babae dahil sa tinataglay nitong karisma at sex appeal. Dun ko lang natanto na maamo din pala ang mukha nya at napaisip na okay din siguro na magkaroon ng isang kapatid kahit ngayon lang kaya medyo natuwa ako dahil nakita ko talaga sa mga mata ni Rey na seryoso sya na maging parte ako ng buhay nya bilang kapatid. Ilang minuto ang makalipas ay nakatulog na din ako. Nagising nalang ako ng nag.announce ang head steward nila to fasten the seat belt at I straight ang upuan dahil lalapag na ang eroplano. Pero nagulat ako ng nakita kong nasa katawan ko kamay ni Rey. Niyakap pala ako nito at nakapatong ang ulo nya sa balikat ko habang natutulog sya. "ahemmm" ang pagbabara ng boses ko para magising itong si Rey. Yun na nga nagising din sya at umayos sa pagkakaupo. Napatingin ako sa kanya at nakasmile ang mokong pero maganda din ang ngipin nito. Nang nakababa kami ng airport kinuha namin ang mga maleta at nagbyahe papuntang school. Habang nasa van, walang tigil sa kadadaldal itong si Rey sa akin. "paano kaya kapag nandun na tayo, ano kaya ang unang ibibigay sa atin? Siguro sa gate pa lang ay bibigyan tayo ng task. Pero for sure we can do it rence basta huwag susuko." "oo nga eh. Don't worry, we can surpass this. It's just a piece of cake." Medyo naging responsive na ako sa kanya dahil alam kong di ako magsisi sa pagkilala sa kanya. Natuwa naman etong si Bryan dahil medyo nagsasalita na ako. "Rey, ano pala ang buo mong pangalan?" ang tanong ko sa kanya. "my full name is Rey Cowell" "ganun ba. Saan naman si papa moh?" "London, my mother and I live at Makati, Ikaw rence, nasaan ang mga magulang mo?" "I don't know. All I know, I want to survive even they are not around." Ang sagot ko na medyo nag.iba ng mood ko. "ganun ba rence, maybe next time nalang ulit ako magtatanung tungkol dyan if medyo mahaba na ang pinagsamahan natin. " "okay, don't worry Rey I'm okay. Don't bother your self because I know what I'm doing. In fact, they don't have any idea what major I've took because they are always busy in their life." Nagulat nalang ako ng tinapik nya likod ko na medyo gumaan naman pakiramdam ko.. pero mas nagulat ako nang hinawakan nya kamay ko habang tinitigan ang mga mata ko.. "Huwag kang mag.alala rence, I will be here for you no matter what.. Take me as for granted because I will be your twin brother now." "Salamat Rey." Tugon ko nalang na medyo nahiya sa ginawa nya. Kinuha nya ang kamay nya at nagsmile sya sa akin. Nagsmile din ako sa kanya. Napansin kong pumula sya nang nagsmile ako sa kanya, mapapansin naman kaagad kasi maputi sya na pumipink ang kulay. "maganda pala smile mo rence. Sigurado ako madami ka ng nabighani dahil sa taglay mong kagwapuhan" ang sabi nito habang namumula pa din. "di naman" sabay hawak sa mga buhok nya at ginulo ito. Nagfeeling close na din ako dahil pakiramdam ko parang ilang buwan na kami magkakilala kahit ngayun lang kami nagkausap.

MARITIME HUNKWhere stories live. Discover now