Lingid sa kaalaman nila ay mayroong isang taong nagkukubli sa hindi kalayuang sulok. The person contentedly looked at the picture on the cellphone. Perfect picture of Beatrix and Xander captured together. Isang malisyosong ngiti ang sumilay sa mga labi nito.


"Bea!" humahangos na tawag sa kanya ni Mia. Among the three girls she met at the Registrar's office on enrollment day, ay si Mia lamang ang naging medyo ka-close niya dahil parehas sila ng kursong kinukuha.

Naupo ito sa silyang katapat ng kinauupuan niya sa canteen.

She looked at her friend confused "what's the matter? bakit para kang hinahabol ng kabayo diyan?"

Mia had to take a few breaths bago nakapagsalita. Her eyes were as round as the moon, daig pa nito ang nakakita ng multo "h-have you seen these?" atubiling inilapag nito sa mesa ang isang nakatiklop na papel.

"What't this?" she asked, even more confused. Nagdikit ang mga kilay niya.

"tignan mo! Nakakalat ang mga iyan on every corner of the campus!"

Beatrix carefully unfolded the paper at nanlaki ang mga mata sa nakita, kasabay ng panlalamig ng katawan.

Tumambad sa kanyang harapan ang larawan nila ni Xander, in full color. They looked intimate in the picture -  it was when Xander held her chin up with his hand the other day nang mabangga niya ito sa hallway. Kung tutuusin ay tila poster iyon para sa isang pelikula kung hindi lamang sa maasgad na nakasulat sa ilalim niyon: Beatrix Montecillo seducing one of SGU's professor! Unacceptable student behavior! Oust her from this university!

She stood up from her seat holding the paper with trembling hands. She looked around her and all the other students seem to have the same flyer and are now openly eyeing her and murmurring to each other. Namula ang mukha niya sa galit at pagkapahiya! Who could do something like this?

"My God, malandi pala talaga yang transferee na yan!" she heard one of the senior students say.

"Ang bata pa lang, teacher pa ang gusto! tsk!" kumento naman ng isa pa.

"Dapat talaga patalsikin yan!" ayuda ng isa pa. No one cared that she can hear what they're saying about her.

Beatrix felt as if her head was spinning, napahawak siya sa mesa upang patatagin ang pagkakatayo.

Sanay naman siyang maging tampulan ng tsismis kahit sa unibersidad sa Maynila, at madalas ay hindi niya pinapansin ang mga pinagsasabi ng makakating-dila ukol sa kanya. She honestly did not care what people thought of her back then, ngunit ngayon ay maaaring si Xander ang mapahamak sa tsismis na ito, at iyon ang labis niyang ipinag-aalala.

The buzzing of the people around her continued, ganoon din ang walang pakundangang pagtingin sa kanya ng mga estudyante, maging ng ilang gurong naroroon. Pinagpipiyestahan ng lahat ang lumutang na larawan nila ni Xander.

Nilamukos niya ang papel na hawak. No matter how she wanted to be strong, hindi pa rin niya maitatangging napapahiya siya sa ginagawa ng mga taong ito sa kanya. They were looking at her as if she was a whore! If only they knew, that she is Xander's wife!

"Mga wala ba kayong magawa?!" tila kulog ang baritonong tinig na iyon na dumagundong sa loob ng buong kantina. Ang paningin ng lahat ay natuon sa lalaking nagsalita.

She immediately looked at where the voice came from. Si Xander. Nasa gitna ito ng canteen, hawak sa isang kamay ang flyer na may larawan nilang dalawa.

"I don't know where these came from, o kung sino ang malisyosong may pakana nito" itinaas nito ang papel sa isang kamay

The murmuring inside the place became louder, ang mga babaeng estudyanteng naroroon ay partikular na nakamata kay Xander -  ang iba ay kinikilig, habang ang iba naman ay nasa mga mata ang kyuryosidad sa mga nagaganap.

"Isn't that you sir?" mula sa kung saan ay tanong ng isa sa mga taong naroroon.

Tinignan ni Xander ang larawang hawak sa kamay bago sumagot "Yes. It is me" walang gatol na sagot nito.

Lalong lumakas ang bulungan ng mga taong naroroon.

"Gayon pa man, hindi totoo ang nakasulat dito. Miss Montecillo wasn't seducing me" buo ang tinig na sabi nito. His eyes turned to her, as he started walking towards her.

N-no!  Xander, what are you doing? nagpa-panic ang tinig sa isip niya, ganoon pa man ay walang salitang namutawi sa kanyang mga labi. She was like in a trance as she watched his every step towards her. Parang slow motion ang bawat hakbang nito palapit sa kanya.

He stopped right in front of her. Si Beatrix ay parang nababato-balaning nakatitig lamang sa asawa.

"Miss Montecillo..."  he paused, ang mga mata ay hindi ihinihiwalay sa kanyang mga mata  "...is my wife!"  tila bomba ang ibinagsak nito sa lugar na iyon.

People gasped at the revelation, ang mga kababaihang naroroon ay bakas ang panghihinayang sa mga mukha. Mayroon din namang ilang mga  napapailing sa pag amin na iyon ni Xander.

Beatrix stared at Xander like an idiot. She opened her mouth to try and say something but closed it again because there seem to be no words that would come out. Talo pa ng puso niya ang isang tambol na gusto na yatang lumabas sa kanyang dibdib.

Nag-init ang kanyang mga matang tiningala ito. Xander tenderly looked at her bago hinawakan ng mahigpit ang kanyang mga kamay.

"You heard me right" he said while looking at the sea of people "Beatrix cannot be seducing me because she is Mrs. Xander de Silva!" his voiced almost echoed in the room.

Without warning, Xander scooped her from the waist at hinapit siya palapit dito "shall we prove to everyone that you're my wife?" he asked before bending his head down to hers, rewarding her lips with a soft, gentle kiss.

Wild HeartWhere stories live. Discover now