Her death 6 Dressing Barbie Game

145 17 0
                                    

Zyke's POV

Paalis na ako ngayon. May birthday party akong pupuntahan. Actually Hindi ko naman close Ang debutant pero nakilala ko siya dati no'ng.....


Flashback

"Oy, bro, Tara na naghihintay na sa'tin si Tiana." Sabi ng kaibigan Kong si lorence.

"Tiana?" Takang tanong ko.

"Oo, 'yong kapatid ni Timmy may sasabihin daw sa'tin, e. Nagtataka Rin ako kasi hindi Naman natin siya kilala." Saad nito.

Nang umalis kami papuntang coffee shop Doon daw Kasi Ang meeting place. Sabi sa'kin nitong si lorence first year college na raw si tiana.

Pagpasok namin ng coffee shop agad namin namataan si timmy at tinaas niya Ang kamay niya na parang pinapalapit kami. Sumunod naman kami at umupo.

"Hi, I'm Tiana Nicolas." Pagpapakilala ng isang magandang babae.

"Ah, hello! Lorence Vales nga pala." Nakipagshake hands naman si lorence sakaniya at ngumiti Naman si Tiana at nakipagshake hands din.

"Zyke Dark Caspian." Tugon ko at nagshake hands Rin kami.

"So, bro bakit mo kami pinapatawag?" Takang tanong ni lorence.

"Kayo kasi pinakaclose ko sa team classmates Rin Tayo." Panimula niya.

"Ano ba 'yan! Pinapatagal pa! Btw gusto ko din kayo sana imbetahan sa debut ko sa lunes." Biglang singit ni Tiana.

"Ahm?" Parang naguguluhan na tanong ko.

"Oh, Alam kung hindi magkakilala pero friends kayo nitong kapatid ko Kaya gusto ko narin kayo isama." Usal ulit nito.

"Kung okay Lang sainyo mga bro." Sabi Naman ni timmy.

Kung ako tatanungin, ayoko. Bukod sa Hindi ko masiyadong mahilig sa ganiyan busy rin ako sa mga sarili kong interes.

"Oo Naman! Okay Lang sa'min, Hindi ba, Zyke?" Patay!

"Ano k-kas-"

"Oo, payag daw siya." Hindi ko na natuloy Ang sasabihin ko ng biglang sumingit nanaman si lorence. Okay Wala na akong kawala. Bumuntong hininga na lamang ako.

"Sige, ayos Lang." Tipid Kong salita.

"Great! So here's the invitation. You should not wear blue nor red." Ngiting ngiti na Sabi niya.

"Okay, so I should go now. Marami pa akong gagawin." Sabi ko at tumayo na. Hindi ko na sila inantay na sumagot pa at dumiretso na palabas.

Hays, 4 days from now birthday na no'ng tiana. Ayoko na nga isispin. Nang makauwi ako ay agad akong nagbukas ng Facebook. Hindi 'ata online si Crystal a? O wonder why? Hmm. Teka, bakit ba siya naiisip ko. Tsk tsk.



End of flashback



KRING~ KRING~

Nabalik ako sa wisyo ng biglang tumunog Ang phone ko. Si lorence.

"Hello, bro, nasaan kana ba? Kanina pa kami nandito." Bungad sa'kin ni lorence, psh.

"Paalis na ako, okay? Sige na ibaba ko na 'to"

"Dalian m-" Hindi ko na siya pinatapos po at pinatay na Ang tawag.


"Mom, Dad, alis na po ako." Magalang na pagpapaalam ko sa magulang ko na busy sa paglalambinga! Psh matatana na, e.

Her Death |COMPLETED|Where stories live. Discover now