"Wag ka nang mag pout hindi bagay, para kang bebe" ay walangjo bebe? as in duck? leche din eh noh. ang lakas talaga manlait ng isang 'to, sapak gusto nya.

"Maddy, dito ka lang ha, e tetext nalang kita kapag tapos na date namin" sabi nya sa akin.

"oh sige, pero papano mo ako e tetext?" syempre tanong yan, may question mark eh.

"asan ba utak mo? syempre gagamitin ko cellphone ko para makapagtext. Mag tino ka nga!" inis na sabi nya, nakakunot na naman nuo nya. Sige pa ikunot mo pa yan hindi tatagal magkaka-rinkles ka din at papanget ka din.. bwahahahahah *super-evil-laugh 

"eh ikaw, asan din ba utak mo? papano mo ako e tetext kung wala ka nama'ng cellphone number ko." bwahahah :p bleeeh sigurado ako BOOM  yun, sigurado ako nakaganti din ako sa kanya..bilat :p

Kahit na engage na kami at palagi ko syang nakakasama wala pa rin kaming number sa isa't-isa. Yung mga mama lang namin yung nag co-communicate para sa amin.

"eh.. tanga ka pala eh, bakit hindi mo sinabi?"  imaginen nyo mukha ni Charles nakapamulsa sya pa cool masyado.

"eh, mas tanga ka pala eh, bakit di ka nagtanong?" ito imaginen nyo din mukha ko, nakapamiwang ako ang cute ko promise.. ^__^

"oh ito type mo number mo dito, bilis mali-late ako sa date ko." na iinis na inabot nya sa akin yung.. uwaaaah iphone5? seryoso? meron talaga sya nito? wow naman, nahiya naman ako bigla.

Inabot ko yung iphone5 nya na manghang-mangha sa nakita parang isang bata lang na natutuwa sa barbie na hawak nya. Promise perstym ko makahawak ng ganitong phone, eh kahit iphone4s di nga ako nakahawak eh.

"Hoy, tititigan mo lang ba yan, e type mo na number mo." si Charles yan, sya lang naman kasi ang taong "hoy" ang tawag sa akin. =__=

"eh pano ba gamitin 'to?" tanong ko sa kanya, sorry naman po,  wala kasing ganyan sa bundok.

"alam mo ikaw, hindi ka lang makulit, maingay, tanga, engot ka rin pala noh?"  aray ang sakit naman, kung makapanghusga parang ang perfect nya.

"wow naman, hiyang hiya naman ako sayo, ang lakas mo manglait." nakatingin lang ako sa kanya ng masama as in sobrang sama parang ga nito. (=>益<=) Ibininalik ko nalang sa kanya ang phone nya since hindi ko alam paano gamitin yun.

Her Yellow Notebook (Complete)Where stories live. Discover now