Aria laughed and paused to listen on the other line.

"Of course, sila lang. Oo na, Steffi."

It was just another day of Aria's party with her friends. Hindi na ako bumaba dahil alam kong pagtatawanan lang ulit nila ako. Lalo na nang narinig ko na hinanap na naman ako ni Soren nang dumating siya.

The next days, it was Aria who went out to meet her friends. One day she would hang out with them on a newly opened cafe. The next day, they will go to the del Reals for a pool party. Her social life is pretty active and I wonder silently what it feels like to feel that kind of life.

Maraming kaibigan. Maraming nakakasalamuha. Gusto ng lahat. Maganda at nakakaaliw.

In short, I envy her. Sometimes, I zone out while I watch her apply gloss on her thin lips. I jump whenever she looks my way and smirk. Tatayo siya at lalapitan ako para kalabitin muli ang mukha.

"Akyat ka na at papunta mga kaibigan ko rito. Sayang hindi mo makikita at inimbita ko ang dalawang ex ni Alvaro. Tingnan natin kung mag-aaway sila." She laughed evilly.

Well, it's not new to me. Growing I heard a lot of things abotu Alvaro's relationships. Hindi ko nga lang alam kung totoo iyon at wala rin naman akong planong tanungin siya. I think it is normal. He's good looking, very sociable and friendly, and he's liked by many. Normal lang na magkagirlfriend siya. I never heard of him two timing anyone but he has a pretty long list of exes. He had girlfriends but one girl at a time.

Ang marinig kay Aria ito ngayon, hindi na bago sa akin.

Umakyat na lang ako at inubos ang buong araw sa pag-iisip.

I wonder if I would get boyfriends too, if I was pretty? Ano kaya ang feeling ng may manliligaw? At ano ang pakiramdam kung sasagutin na. Those chic flicks I watched seem to describe it as magical. I wonder if I would feel the same? How would I feel then if I want to break up? At ano ang gagawin ko kapag may nagugustuhang iba naman?

I giggle day dreaming about it. I tried reading stuff like that but I have less books that cater to those things in our library. Kaya noong bumisita kami ng Bacolod, namili ako ng mga libro.

It was about a month of vacation when Aria suddenly told me about Alvaro. Kumakain ako ng breakfast, alas sais y media ng umaga. Ganoon din siya sa harap ko nang bigla siyang napatuwid sa pagkakaupo pagkatapos magbasa sa cellphone.

"Nga pala, magkikita daw kayo ni Alvaro sa municipal hall ngayon."

Natigil ako sa pagkain. Kagigising ko lang.

"Ngayon?"

"Oo. Ngayon. Bilisan mo diyan at may trabaho siya ng alas siete! Paghihintayin mo pa at baka ma late 'yon!"

"Huh?!"

Gusto kong magreklamo! Bakit ngayon niya lang sinabi sa akin? Kailan pa 'to sinabi ni Alvaro? Kagigising ko lang at ni hindi pa ako nagkalahati sa almusal tapos bibiglain ako ni Aria ng ganito?! Imbes na magreklamo, minabuti kong magmadaling umakyat sa taas at makaligo at makapagbihis na!

Inaabot ako ng isang oras sa banyo pero dahil doon, limang minuto lang tapos na ako. I didn't think about doing anything with my hair. I didn't even think about my clothes. I pulled a pair of faded jeans, t-shirt, and my sneakers. Pinasok ang eye glasses at naglagay lang ng cross body bag kasama ang cellphone at pitaka, nagmamadali na akong bumaba.

Kumakain pa si Aria noong pababa ako. Imbes na magtawag ng kasambahay para maihanda ang kotse, lumabas na ako para ako na mismo ang kumausap sa driver.

Natagalan pa ako. I want to blame it all to Aria. Lalo pa nang naisip kong maaaring kagabi pa ito pero hindi niya man lang talaga sinabi sa akin. O baka nakalimutan niya? Hindi ko alam! Hindi na ako magrereklamo. I should even be thankful that she told me that, even when it's late.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now