CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected

Beginne am Anfang
                                    

"Okay sige go, saan ba?"

----------------------------
THE NIGHT surprisingly went really well.

Hindi naman ito ang unang beses na lumabas ako na kasama si Marionn pero siguro ito pa lang ang pangatlo o pang apat na beses kahit na matagal na kaming magkakilala.

Madalas, o hindi lang madalas kundi talagang tumatanggi ako sa tuwing inaaya niya akong lumabas at madalas din ay syempre, hindi naman pumapayag si Erik.

Isang bagay na hindi ko pwedeng sabihing dahilan sa kanya.

Sa tuwing malalaman ni Erik na inaaya ako ni Marionn para magdinner ay palagi na lang siyang nagsasabi nang hindi pwede kahit hindi ko naman hinihingi ang opinyon niya. o kung hindi naman, gumagawa siya ng paraan para hindi kami matuloy. Ang mature diba?

Nakakatawa nga kasi palaging sinasabi ni Yenggay na hindi ako dapat makinig sa kanya dahil lang sa mahal ko siya dahil kung tutuusin ay wala naman siyang karapatan na pagbawalan ako.

Nakakatawa kasi tama siya pero mas pinipili kong hindi sumunod.

Ano pa nga ba? Mahal ko eh.

"Uuuy! Ano na, nananaginip ka na ba?"

Nawala naman ako sa pag iisip nang bigla kong narinig ang boses ni Marionn. Doon ko lang napagtanto na kanina pa pala siya nagsasalita sa harapan ko.

"Ay sorry, ano ngang sinasabi mo?" pagbabalik ko ng atensyon sa kanya.

Parang ang tagal kong natulala ah.

"Ang sakit Ge ha? Ano bang inaalala mo at bakit parang tulala ka? Ako ang kasama mo pero iba yata ang iniisip mo." medyo madramang sabi niya at humawak pa sa dibdib niya.

'Ako ang kasama mo pero iba ang iniisip mo'

Parang linya ng kanta yun ah?

Pero medyo nakonsensya naman ako.

Bakit ba kasi puros na lang Santos ang nasa isip mo e ni hindi ka nga naaalala nun, Ge?

Malamang masaya din yun ngayon kasama ang iba. Malamang nag eenjoy pa nga.

"Sorry naman, eto naman may iniisip lang, namatay ka ba kaagad?" medyo pagtataray ko pa, "Ano nga kasi yun?"

"Hindi, pero ako, patay na patay ako sayo." sabi niya sabay kindat

"E di wow." pabirong sagot ko lang.

Tumawa naman kaagad siya. Happy pill niya yata ako ah, ang saya niyang kasama ako eh. De joke lang.

"Hindi seryoso, tinatanong ko kung nag enjoy ka naman ba ngayon, Madam?"

Medyo napangiti naman ako sa tanong niya. Nag enjoy nga ba?

Hmmmmmn.

----FLASHBACK----

"Bilisan mo kasi ano ba yan ako na nga! Ayan ayan konti na lang, isa pa aabot pa. Ayan whoooo yes!"

Hindi ko na napigilan ang malakas na sigaw ko habang nakatingin sa resulta ng larong ginawa ko sa basketball dito sa arcade.

50? Not bad.

Napansin ko naman na nakatitig lang si Marionn sa akin

"Oh bakit? Ang ganda ko ba?"

Ngumiti siya at tumango.

"Oo ang ganda mo pero grabe hindi ko alam na magaling ka palang magbasketball. Ano pa bang hindi mo kayang gawin ha Madam Quinto?" tila manghang sabi pa niya.

Secrets Beyond the StarsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt