CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected

Start from the beginning
                                    

(A/N: Kaway kaway sa mga maiissue dyan ha tigilan nyo ko nako hahaha)

"Syempre naman, ako pa ba, alam ko naman na hindi ka basta-basta. Kaya kailangang mag ipon para sa future nating dalawa." sabi niya at kinindatan pa ako.

Ah eh.

Hindi ko alam pero medyo nahiya ako sa sinabi niya at parang napansin niya naman yun dahil kaagad siyang bumawi.

Kasi naman siz ang lakas ng banat niya doon.

Iisang tao lang naman ang bumabanat na talagang kinikilig ako palagi.

Kaso, wala siya ngayon dito.

Nevermind, nalulungkot nanaman ako.

"Oh biro lang. Masyado ka namang nag isip kaagad. *laughs* So ano, edi ngayon wala ka nang kasama?"

"Oo, pero okay lang naman. Medyo pagod na rin kasi ako galing trabaho. So paano, mauna na ako ha?" aalis na rin kaagad sana ako nang bigla pa siyang magsalita.

"Sandali, uhmmmn di ba pwedeng mamaya na? Dinner tayo?" he said

Napatigil ako sa pagtalikod dahil sa sinabi niya.

Mariin akong napapikit at sa loob loob ko ay napabuntong hininga.

I knew it, ramdam ko na na talagang magyayaya siya.

"Uhm e kasi Ma---"

"Hindi mo ako sinipot nung nakaraan. Alam mo bang hinintay kita?" pagputol niya sa dahilan ko sana.

"Ah oo nga pala yung tungkol sa nakaraan. Sorry, hindi ko ineexpe---"

"Bigla ko na lang nalaman, nasa ibang bansa ka na daw. Kasama yun si Santos."

Napakamot naman ako sa ulo ko sa sinabi niya.

Wow nangonsensya pa.

E kasi nga yun yung araw na umalis kami noon ni Erik papuntang Maldives nang hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga dapat kong pagpaalaman.

Sobra rin naman akong nagguilty sa nangyari noon kay Marionn.

Nalaman ko kasi na talagang hinintay niya ako sa labas bahay namin at nagbakasakaling uuwi ako noong kinagabihan pero wala ako.

Gusto ko rin sana noon na kausapin siya pero hindi na pumayag si Erik at pinalitan niya na ang sim card na gamit ko.

Haaay ano pa nga ba edi naalala ko nanaman siya. Naalala ko nanaman si Pogs.

Sa totoo lang ay ayaw ko sana talagang um-oo dahil pakiramdam ko ay isang kasalanan ko 'to sa parte ni Erik. Pakiramdam ko ay nagccheat ako.

Pero naisip ko rin na wala naman sigurong masama.

Afterall, Marionn is also my friend. Kung siya nga kinocomfort si Keia diba?

Okay, hindi ako galit.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag uusap ni Erik. Sa totoo lang nalulungkot rin ako dahil ngayon lang tumagal ang tampuhan namin nang ganito.

Gustong gusto kong sabihin sa kanya na nalulungkot lang ako, na siya lang ang gusto kong nakakasama, na nahihirapan na rin ako, pero para bang may pumipigil pa rin sa aming dalawa para magkaayos.

Ang gusto ko lang naman ay yakapin niya ulit ako. Lahat nang sakit na nararamdaman ko, mawawala kung yayakapin niya lang muli ako gaya ng dati.

Pero hindi niya ginawa.

Haaaay sige hindi ko muna iisipin yun. Siguro naman walang masama sa dinner diba?

Tutal, libre din naman niya

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now