Part 10

15 4 0
                                    

"Congratulations, anak!" sabay na bati nina mommy at daddy sakin nang matapos ang program.

Sinalubong nila ako ng yakap. Graduate na rin ako sa wakas ng Senior High School.

"Bakit hindi ko nakikita si Darius?" palinga-lingang tanong ni mommy

I sighed.

"Oh! Heto pala siya! Kasama ang parents nya!"

Natigilan ako at halos mangatog sa kaba. Ni-hindi ko magawang bumaling sa banda nila. Ang alam ko magkakilala ang parents ko at ang parents nya.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanila at napalunok nang magtama ang paningin naming dalawa.

Nagbatian ang parents namin at binati rin nila mommy sa Darius, highest honor. Binati rin ako ng parents nya at ni-thank you hindi ko magawang sabihin. Nananatili ang tingin ko kay Darius, ganoon rin sya sa akin.

"Dyan na muna kayo at may pag-uusapan lang kami saglit." paalam ni mommy at lumayo na sila sa amin

Mas lalo kong naramdaman ang panginginig ng tuhod ko ngayong kaming dalawa na lang. Seryoso ang tingin nya sa'kin.

"H-hi." at gusto kong pukpukin ang ulo ko nang iyon ang unang lumabas sa bibig ko

Really, huh? Hi?? You're unbelievable, Queenie.

Kahit nangangatog, humakbang pa rin ako palapit sa kanya. Kung mayroon mang pagkakataong dapat na sabihin ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko, heto na iyon. Baka kasi ito na rin ang huli. Baka pagkatapos nito, hindi na kami magkita. Hindi na muling magtatagpo ang aming mga landas.

Nang makalapit, tinitigan ko sya. Parang ngayon ko na lang ulit sya nakita nang malapitan. Inisa-isa kong tignan ang parte ng mukha nya. Ang kilay, pilik-mata, matangos na ilong, mga mata, buhok nyang medyo nagulo ng hangin, noo, panga, labi... lahat. I memorized it all.

TEASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon