Part 05

21 7 0
                                    

Mas lalong tumaas ang altapresyon ko nang marinig ko ang boses na iyon. Talaga naman! Naiiyak na ako sa inis tapos nandito pa 'tong kurimaw na 'to. Talagang sasabog na 'ko!

Galit ko syang nilingon habang nakapulupot pa rin sya sakin.

"Pwede ba bitiwan mo 'ko! Ikaw ang dahilan nito, e! Kung sana tinantanan mo 'ko, e hindi sana ako napapaaway rito!" tinatanggal ko pa rin ang braso nyang ayaw pa rin tanggalin sa pagkakahawak sa'kin

"Ano ba?! Nakikinig ka ba?! Sabing bitaw e!"

Hindi nya pa rin ako binitiwan. Sa sobrang inis ko sa nangyayari ay hindi ko na namalayang kanina pa tumulo ang luha ko. Inis kong pinalis yun. Nakita nya iyon kaya medyo lumuwag ang pagkakahawak nya sa'kin. Sinamantala ko iyon at may pwersang inalis ko ang sarili sa hawak nya.

Nang makawala ay dali-dali na akong umalis roon. Bahala na kung hindi ako makapasok sa pang-hapong subjects ko. Tuloy-tuloy akong naglakad habang pinapalis ang luha sa mukha. Dagdag mo pa ang mahapdi kong braso dahil sa kalmot ng bruhildang iyon.

Hindi pa ako nakakalayo ay may humigit na sa'kin. Kahit hindi ko tignan ay alam ko na kung sino. Amoy pa lang.

Sa kakapalis ko ng luha ay hindi na ako nakapiglas sa hila nya. Niyakap nya ako. Mas lalong nakakainis kasi wala na akong halos lakas para itulak sya. Naubos na yata sa away namin nung Jane na yun.

"Sorry.."

Hindi ako nagsalita. Mas lalong humigpit ang yakap nya. Gago 'to.

"Tara sa clinic." aniya nang nakayakap pa rin sa'kin

"Ayoko."

"Alam kong may sugat ka sa braso."

Hindi nya na ako hinintay pang sumagot, hinila nya na ulit ako patungong clinic. Bibilangin ko na ba kung nakailang higit na sya sa akin? -,- Ang kumag na 'to!!!

Nang makarating ay kaagad nya akong pinaupo doon sa isang kama. Sya na rin ang kumausap sa nurse. Kasalanan nya naman bahala sya dyan!

Tahimik lang ako habang ginagamot ng nurse ang sugat sa braso ko. Nakasandal si Darius sa pader habang seryosong tinitingnan ang panggagamot ng nurse sa sugat ko. Nang matapos ay kinausap nya ulit ang nurse.

Natulala pa ako saglit habang iniisip ang nangyari. At gigil ako tuwing naaalala ko iyon. Tumayo ako. Uuwi na 'ko. Naglakad ako palapit sa pinto.

"Hey. Saan ka pupunta?"

Hey mo mukha mo! Hindi ko sya pinansin, tuloy ang lakad ko.

"Pwede namang dito ka na lang muna." pigil nya

"Uwi na 'ko."

Lumabas na ako ng tuluyan sa clinic. Nakasunod naman sya sa'kin.

"Ihahatid na kita. Kunin ko lang ang bag mo."

Haistt! Yung bag ko pa nga pala!

Mabilis syang umalis para kuhanin iyong bag ko. Umupo na lang muna ako sa isang bench. Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na sya dala ang bag ko. Kumunot ang noo ko ng mapansing dalawang bag ang dala nya.

"Let's go."

"Akina bag ko."

"Ako na ang magdadala."

Bag nya iyong isang dala nya. Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Ako lang ang uuwi. Bumalik ka."

Natigil sya sa paglalakad at nilingon ako.

"Akina bag ko." sabi ko ulit

Bumuntong-hininga sya, "Ihahatid kita." matigas nyang sabi

"Bigay mo na ang bag ko at mag-isa akong uuwi." pigil inis kong sabi

"Nope. Sasamahan kita."

I sighed. Pagod na 'kong makipagtalo. Darn, he's so stubborn. Hindi na ako umangal.

TEASEWhere stories live. Discover now