Part 08

17 5 0
                                    

Sa mga sumunod na araw, ganoon pa rin. Malakas pa rin siyang mang-asar. Minsan ko na ngang nasigawan pero waepek e, mas lalo pang nang-asar. -,-

“Sabing tigilan mo 'ko e!” sigaw ko sa kanya habang mabilis na naglakad palayo

Nakasunod pa rin sya sa'kin. Nasa benches kami banda, wala halos mga estudyante. Wala e. Ngayon na naman nya ako naisipang bwesitin. -_-

Tumatawa pa sya habang nakapamulsang nakasunod sa'kin. Kainis diba?!

“I already told you. Kung nasa'n ka, dapat nandun rin ako.” nakangising aniya

Naiinis na ako kasi palagi na lang ganito. Panay ang layo ko, sya naman itong panay ang lapit. Nakakainis na talaga! Dagdag mo pang pressured ako ngayon kasi tambak na projects kasi malapit na ang final exam! Dumagdag pa syanakakainis talaga!!

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya. Tumigil rin sya sa paglalakad ilang metro ang layo sa akin.

“Hindi ka ba makaintindi?! Sabi ko lubayan mo na ako! Hindi na ako natutuwa!”

Hindi nakakatuwa kasi mas lalong hindi ako maka-focus sa mga gagawin ko kapag nariyan sya. Nakakainis kasi kumakabog ng malakas ang puso tuwing malapit sya. Confuse na ako! Kainis!

Naramdaman kong medyo nagulat sya doon sa sinabi ko. Pero wala akong pake! Ngayon pa talagang kumukulo na ang dugo ko!

“SABING AYOKO SAYOHINDI MO BA MAINTINDIHAN 'YON HA?!” dagdag ko

Nakita ko ang paglunok nya. Na-guilty kaagad ako sa sinabi ko. Pero ba't naman ako magi-guilty? Hindi ko babawiin ang sinabi ko. Binalewa ko ang naramdaman kong iyon. Kung ito lang ang paraan para layuan nya ako at matigil na kung ano man itong nararamdaman ko, then hell yeah!

“Bakit ayaw mo sa'kin?” natitigilan nyang tanong

Hindi ako sumagot. Pakiramdam ko kapag nagsalita pa ako ngayon, iiyak na talaga ako. Mahapdi na rin ang mga mata ko kakapigil ko kanina pa.

“Why?” ulit na tanong nya

Nainis ako lalo. Bakit kelangan pang magtanong? Hindi ba pwedeng ayoko lang sa kanya?!!

“HINDI KO ALAMBASTA TUMIGIL KABWESIT E AGANG-AGA NAMBUBWESIT KALUBAYAN MO NGA AKO!! AYOKO SAYO KAYA LAYUAN MO AKO!!”

Natahimik sya. Hinabol ko pa ang hininga ko matapos kong sabihin iyon. Natahimik rin ako. Sa sobrang inis ko kaya nasigawan ko na ng malakas. Natulala ako saglit, nakatitig sa kanyang natigilan na ding nakatingin sa akin.

Nang natauhan ay saka ako dahan-dahang tumalikod at naglakad palayo. Tahimik kong pinalis ang luhang tumulo na ng tuluyan.

TEASEWhere stories live. Discover now