Chapter 21

2.4K 45 0
                                    

Natalia's POV

Kasalukuyan nalang naming hinihintay si Nathan sa office namin.Si Beau ay nanonood ng paborito niyang cartoon sa tv ko dito sa opisina.

Hindi nagtagal ay dumating na ito.

"Dada!!"-sigaw ni Beau at dumaretso agad sa kaniyang Dada Thanthan.Humalakhak si Nathan.Mukhang excited na si Beau na maglaro ng soccer ah.

Bumaba na kami at naglakad papunta sa parking area.Nauunang maglakad saakin ang mag tito dahil sa ka-excite-an ni Beau.Magkahawak kamay sila.Si Nathan ay naka-damit pang trabaho pa habang si Beau ay naka t-shirt at may suot na bagpack.Mukha silang mag-ama sa kanilang ayos.

Habang naglalakad ay kinuhanan ko sila ng picture,ginawa ko itong wallpaper saaking cellphone.Ang ganda lang kasing tignan.

Pumasok sa driver's seat si Nathan,ako naman ay sa front seat at si Beau ay sa likod,ayaw na niya kasing magpakandong dahil big boy na nga daw siya.

"Saan kayo naglalaro ng soccer?"-tanong ko sakaniya habang inaayos ko ang seatbelt ko at siya naman ay ang seatbelt ni Beau.

"Malapit sa building namin.May soccer field sa gilid nun,may pang bata,mga 3-7 years old,may pang adults din naman.Minsan kapag walang trabaho,ay duon kami dumadaretso nila Paul."-sabi niya.Ilang beses niya na rin kasing sinama si Beau sa pagsosoccer kaya ang anak ko ay nakahiligan na 'rin iyon. "Alam mo ba yang si Beau,sinubukan niyang sumipa ng totoong soccer ball,nadapa pa yan sa field."-humalakhak si Nathan habang kinekwento,ako naman ay napangiti at tinignan si Beau.Masama ang tingin ni Beau sakaniyang dada.

"Yung mga pang bata kasi ay magaan lamang ang mga bola na gamit bola nila kaya madali lang ipasok.Magaling nga don si Beau eh,Diba Beau?"

"Yes,dada.Beau won the game,last time!"-mayabang na sabi ng anak ko at nakipag high five pa sakaniyang tito.Umiling ako sa kanilang dalawa.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa soccer field.Hapon na kaya palubog na ang araw.Maraming tao doon.Marami ring bata,buti nalang para may makakalaro si Beau.

Bumaba kami sa sasakyan.Buti nalang at flats ang sinuot ko dahil kung hindi ay baka nahihirapan na ako ngayon,lupa kasi dito.Bumaba na 'rin si Beau sa kotse.Kinuha ni Nathan ang bag niya sa kanyang likod,at siya ang nagbitbit noon.Hinila na kami ni Beau papunta sa mga bata.

Umupo ako sa isang bench na malapit sa field para sa mga bata.Hinatid ni Nathan si Beau doon.Nanatili sandali si Nathan doon,pero kinalaunan ay nakita kong tinulak siya ni Beau kaya nakita ko ang paglakad ni Nathan papunta sa direksyon ko.

Pinagmasdan ko ang aking anak na nakatayo lamang sa gilid hanggang sa may isang batang lalaki na mukhang mas matanda sakaniya ang inaya siya.Nakipag fist bump pa si Beau sakaniya bago sumali sa laro.

Umupo si Nathan sa gilid ko at sinamahan akong pagmasdan ang munti naming anghel.

"Ate.."-tawag ni Nathan saakin.Napatingin ako sakaniya dahil dito.

"Hmm?"-sagot ko at ibinalik ang tingin ko kay Beau na ngayon ay tumatawa kasama ang mga kalarong iba pang bata.

"Beau's growing up.."-pauna niya.Tumango lang ako sakaniya.Lumalaki na nga ang anak 'ko.

"Sa tingin mo ba ay maghahanap siya ng papa?"-daretsahang tanong nito.Tumingin ako sa malayo.I sighed,hindi malayo na maghanap nga ito,naiintindihan naman namin iyon.

"Beau will understand."-yun lamang ang nasabi ko.I am sure that he will understand it.And also,I teach him how to be contented with what he has,kaya alam kong maiintindihan niya nga ito.

"You're so lucky that you have Beau.He understands things like that in his young age.I salute you for making him what he is today."-sabi nito.Natutunaw ang puso ko.Si Beau ang reward sa lahat ng hirap ko sa buhay.He was the best gift I ever had.Tama siya,napakaswerte ko at biniyayaan ako ng kagaya ni Beau.He's very smart and understanding when it comes to this situation.I know may puwang rin sa puso niya,alam ko na hindi magtatagal ay maghahanap siya ng bubuo dito.Handa ako para doon.

"I know,Beau's wonderful,Nathan.Hindi ako nagsisi na nabuntis ako.Kahit wala siyang kinikilalang tatay,kahit ako lang mag-isa ngayon ay proud ako dahil napalaki ko siya ng maayos."-sabi ko.Sinipa ni Beau ang bola at sakto naman na pumasok ito sa net kaya nakipag-uphere siya sakaniyang mga kalaro,ang ilang pa sa mga  kalaro niya ay nakipagkamayan sakaniya.

"We're here for the both of you,Ate.Hindi naman namin kayo papabayaan.I'm here to stand as a father of Beau."-sabi niya,tinignan ko siya at niyakap.I'm so thankful that I have these people on my life.Hindi nila ako pinabayaan sa kahit anong sitwasyon.

"Thank you."-sabi ko sakaniya at humiwalay na kami sa yakap.

"Bili lang ako tubig,Ate."-paalam ni Nathan saakin.Tumango ako sakaniya.

Nakita kong papalapit si Beau saamin,kinawayan ko siya kaya kumaway rin siya saakin.

"Mommy,those big guys are cool."-sabi niya.Kinuha ko ang bimpo sa bag niya at pinunasan ang kaniyang pawis.Binigay ko 'rin sakaniya ang tumbler niya para makainom siya ng tubig.

"You know what,mommy.Seth told me that my eyes are look likes his uncle."-sabi niya at itinuro ang kaniyang mga mata.Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan.

"Mommy,look at that oh.Family."-turo ng anak ko.Sa pagkakataong ito ay nanalangin ako na sana ay hindi siya magtanong kung nasaan ang kaniyang ama,dahil hindi ko alam ang aking isasagot.

"Diba po we're family too because I have mommy and I have Dada!"-sabi niya at ibinalik saakin ang bote.I smiled.What did I do to deserve you,my dear son?I love you so much.

My Perfect Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now