Chapter 7

2.8K 56 0
                                    

Natalia's POV

Nagising ako sa lamig na aking naramdaman. Basang-basa ang aking likod, at patuloy na tumutulo ang pawis sa aking noo, ngunit nilalamig ako ng husto. Pinatay ko ang electric fan sa aking tabi at nagtalukbong ng kumot. Hindi ako mapakali. Inilagay ko ang aking kamay sa aking noo upang malaman kung may lagnat ba ako. Napatayo ako, shit ang init ko.

Para akong tutumba na, humawak ako sa pader upang masuportahan ang aking katawan. Naglakad ako papuntang kusina upang uminom ng tubig. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Hindi ko mapagtanto kung giniginaw nga ba ako o naiinitan. Baka pareho?

Napatingin ako sa  orasan sa dingding. Mag-a-alas kuwatro na. Hindi ko atang kayang pumasok ngayong araw dahil sa bigat ng nararamdaman. Bumalik ako sa aking kwarto at muli akong natulog.

----

Nagising ako sa pagvibrate ng cellphone ko sa gilid. Hindi ko pa maidilat ang aking mga mata. Mas lalo lang akong nilamig ngayon. Ang pawis ko ay napawi na. Tinignan ko kung sino ang tumatawag sa aking cellphone. Nang makita kong ang boss ko ito ay napahinga ako ng malalim.

Umupo ako sa kama at kinuha ang thermometer sa gilid ng aking kama, inilagay ko ito saaking kili-kili at sinagot ang tawag.

"Hello po----"

"Where are you? It's already 8:50, Natalia. 8:50."

Napapikit ako ng mariin sa narinig.Mas lalo lang ata akong magkakasakit kapag kinausap ako ang hinayupak na 'to.

"Sorry Sir, hindi po ako makakapasok ngayon dahil may lagnat po ako. Huwag niyo po akong sigawan sa telepono at baka----"

*End call*

Hindi pa 'ko tapos magsalita ay pinatay niya na ito. Aba, susumbatan ko pa siya eh. Bakit niya pinatay? Sayang naman. Handa na ang mga linyang sasabihin ko saaking utak. Umiling ako sa mga naiisip.

Napatingin ako sa thermometer dahil tumunog na ito. 38.5? Ang taas naman.

Hinimas ko ang aking tiyan dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Wala pa naman akong lakas para magluto ng aking agahan. Lumabas ako sa kwarto ko.

"Call her."

"Bakit ako? Ikaw ang nag-aya saakin dito. Sabit lang ako."

"Fuck, tawagin mo. Bibigyan kita ng kotse."

"Sabi mo 'yan, ha? Deal ba?"

"Fuck you, man!nauto mo nananaman ako. Oo, deal. Tawagin mo na! Nabibigatan na 'ko rito!"

Hinawakan ko ang doorknob ng kwarto ko sa takot. Sino ba 'tong nagbubulungan na 'to sa tapat ng pintuan ko? Rapist? Magnanakaw?Jusko, anong nanakawin nila dito sa apartment ko?baterya ng wall clock ko? Eh, wala naman silang makukuha rito.

Tumakbo ako sa kusina at kumuha ng kutsilyo. Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan. Naririnig ko pa'rin silang nagsisit-sitan.

"Ano ba ang pangalan, pre?"

"Natalia."

"Nat---"

Naputol ang sigaw niya. Mas lumapit pa ako sa pintuan at sumandal dito.

"Don't call her that, tss."

"Tss, anong gusto mong itawag ko sakaniya? Eh 'yun nga yung pangalan niya. Bitawan mo nga ako."

"Call her "ma'am"."

"Ayaw ko."

"NATALIA!"

"Damn you, binabawi  ko na ang Civic Type R mo."

My Perfect Boss (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt