Chapter 16

2.5K 59 0
                                    

Natalia's POV

Back to normal.I mean,hindi diba?Kasi magreresign na ako sa trabaho.Sa mga nangyari?I think I should do this.

Papasok ako sa building hawak ang folder ng resignation letter ko.Sinalubong ako ng isang engineer na nakakausap kona dati pa.

"Hi,miss.Ano pong balita sa US?mukhang may pagbabago po kay Sir Benjamin ah?Ganoon po ba talaga pag nakalanghap ng hanging America?"-tanong niya at sumipsip sa dalang kape.Lumingon ako sa paligid,lahat sila ay may hawak na baso ng kape.

"Okay lang naman.Anong nagbago naman ha?"-tanong ko.Itinuro niya saakin si Sir Benjamin na nas front desk at humalakhak kasama ang ibang engineers habang umiinom ng kape.WHAT THE HELL IS THIS?!

"Hindi po ba nakakagulat?Kami 'rin po ay nagulat eh.Maaga pong pumasok si sir,at binati niya po ang lahat.Nagpamahagi rin po siya ng kape,siya pa nga po ang mismong nagbigay saamin at binati kami ng maganda umaga.Mukhang good mood po si sir ngayon ah."-paliwanag niya. "Mauna na po ako,miss.May gagawin pa ako sa cubicle ko eh."-sabi niya,tinanguan ko siya bago umalis.

Napalingon ako sa banda niya.Napansin na niya siguro ako.Nginitian niya ako at nagwave saakin.Kinuha niya ang isang extrang kape sa table at nagexcuse sa mga kasama bago lumapit saakin.Napahigpit ako ng hawak sa folder ko.

"Good morning,miss.Coffee?"-sabi niya at nilahad saakin ang kape.Natulala muna ako sakaniya bago tinanggap ito.Nag-iwas ako ng tingin sakaniya.

"S-salamat."-sabi ko.Bumalik ang tingin ko sakaniya at nakita ko siyang nakangiti ng malapad.It's my first time seeing him smiling widely.His teeth are so perfect.His lips are red.And his eyes are disappearing because of his smile. Genuine.

"Are you okay?How's your sleep?"-tanong niya.Sabay kaming naglakad papunta sa elevator.Sa kauna-unahang pagkakataon ay siya ang pumindot ng button dito.Nagulat pa ako sakaniya nang ginawa niya ito.Pinagtitinginan kami ng ibang empleyado ngayon.Ano bang ginagawa mo!?

"O-okay lang..I-i-ikaw?"-I asked stuttering.To reduce the awkwardness ,I sipped to my coffee.

"My sleep wasn't nice.I need to think of so many things."-he said.Tumango lang ako.Pagkabukas ng elevator ay nagmadali akong pumasok sa office ko.

Napahinga ako ng malalim.Ramdam ko ang bilis ng tibok ng aking puso.What's happening to me?What's happening to him?Bakit siya nagbago?Seriously?

"I'm asking you.Kaya ba ayaw mo saakin ay dahil perfectionist ako at hindi ako ngumingiti sa ibang tao?at dahil hindi ako mabait?"

Naalala ko ang tinanong niya saakin kahapon.Napasalampak ako sa upuan ko at napaface palm.Dahil ba duon 'yon?Is it because of all the things we talk about last time?My goodness.Napapahilot ako ng sentido ng wala sa oras dahil sa sakit ng ulo.

Sa pagiisip-isip may narealize akong isang bagay.Kaya niya ba ginagawa ang lahat ng ito dahil may gusto siya saakin?That's the thing that keeps on popping on my mind.Pero ayokong mag assume.He's changing himself for his self,right?Para sa sarili niya.Yes,para sa sarili niya.

Napatingin ako sa folder na nasa table ko ngayon.I think I should file this now?I mean kung hindi ngayon,kailan pa?Inalala ko lahat ng sinabi niya saakin kahapon.I should be mad until now,pero bakit parang lumambot ang puso ko sakaniya?The way he interact earlier,his smile,and the way he ask about everything,it's making me soft.

Napaiwas nananaman ang tingin ko sa resignation letter.Dapat ba akong magresign?mayroon pa kayang iintindi sakaniya?mayroon pa kaya siyang mahahanap na sekretaryang pagtatiyagaan ang pagiging maarte niya sa lahat?

Omyghad,Natalia.Is that your problem too?Hindi ko na problema iyon.Tumayo ako at kinuha ang folder tsaka dumaretso sa office niya.Buo na ang desisyon ko.

Nilapag ko ang folder sa harapan niya.Kumunot ang noo niya,tinignan niya muna ako bago kunin ang folder na iyon.

"Y-you're resigning?"-tanong niya.Hindi pa ba obvious?That's a resignation letter of mine,so obviously I am resigning.

"Why?"-tanong niya at tumayo tsaka ako hinarap.

"I think everything's too much."-sagot ko.Umiling siya.Ano ba naman kasing klaseng dahilan yan ha,Natalia?Paganahin mo naman ang isipan mo!Keep on thinking reasons on why are you resigning.

"What's too much?Ano,Natalia?Everything's too much?What's that everything?"-namumula na siya dah dito.Napayuko ako.Kung ano ang lumabas sa bibig ko ay papanindigan ko na.This is my last day,sasagarin ko na.

"You.You're too much."-matapang na sagot ko.

"Why?How?My perfectionist side again?Ang kasungitan ko?ang hindi ko pagbati sa iba?Ganun ba,Natalia?Yun ba?"-I can see the frustration in his eyes.Why are you like that,Benjamin?Bakit ka ganiyan.Why are you frustrated because of this?Bakit ka namomroblema saakin?

"I am trying to change it,Natalia.I'm trying to change.Please,give me more time.It's not easy to change,and I'm doing it for you.Please."-It's my first time seeing him beg.Namumuo nananaman ang mga luha sa mga mata ko.Ang bilis ng tibok ng puso ko ay hindi kona mapigilan.Bakit ka ganito?Gusto ko siyang pagsusuntukin at itanong sakaniya kung bakit ganito ang mga kilos niya dahil gusto ko ng malaman ang totoo.Pero bakit parang wala akong lakas para gawin 'yon?

"Please,Natalia.I beg you.Gagawin ko lahat.I'm trying to change myself for you.You want a man who listens,a man who cares,a man who accepts mistakes,a man that is perfectly imperfect,right?I'm here,baby.I am trying to change for you.Huwag mo akong iwan.Please."-he hugged me.tight.Tumulo na ang mga takas na luha ko sa aking mga mata.Why,Benjamin?

My Perfect Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now