Chapter 12

2.6K 57 0
                                    

Natalia's POV

It's 4 pm and We're on air already. Ang sinakyan namin ay ang private airplane na pagmamay-ari ng pamilya niya. We only have an hour left before we will land. It's very comfortable here. VIP ka. It's my first time riding an airplane, yet-it became very memorable, except sa fact na kasama ko ang Boss kong perfect dito.

Kanina ko pa siya nililingon sa kabilang seat at panay ang hawi niya sa kaniyang buhok. Ang tatlong flight attendant naman ay sobra ang pagpapa-cute sakaniya. Nakakaasar nga silang tinitignan, eh. Bukod sakanila ay nag-sama rin kami ng dalawang bodyguard for my Boss' safety. Sa laki ng katawan niya ay hindi niya ma-protektahan ang sarili?Fine, I don't know what's up in US, anyway. Who am I to judge him?

Tumingin muli ako sa bintana. Buti nalang at wala akong fear sa heights, at kung mayroon man baka sa pag-larga at pag-landing lang naman ako manginig sa takot dahil kapag nasa himpapawid ka na ay wala ka nang makikita kun'di ulap. Puti na may halong kahel at dilaw dahil sa araw na papalubog. Nakaka-refresh ng utak. Alam mo 'yon? Malinis at mapayapa.

If I can only live in the sky, I will.Mas gusto ko rito. Mas sariwa ang hangin, haha! Feeling mo kapag nandito ka ay malaya ka na. Malaya ka sa mapayapang lugar, what a scene.

"Water, Miss?"-bigay sa'kin ng water bottle ni ateng F.A. number 1. Nagpasalamat ako sakaniya at binuksan ang bottle para uminom.

Hindi nagtagal ay nag-landing na kami. Kaagad ay may nakaabang na isang itim na van upang sunduin kami. Pumasok kami roon at ipinag-drive niya kami sa aming tutuluyang hotel.

I can feel the US breeze. Grabe, sobrang ganda. Magkakatabi lang kami ng room. Ang room si Sir Benjamin, ang room ko, at ang room ng dalawang guards. I swipe my card to open my room.

Pagkabukan nito ay ibinalibag ko kaagad ang sarili sa kama. My dream. Tumayo ako at nilibot ang buong room. The bathroom? It's really nice. May isa pang malaking bath tub. I'll try that later! Dati ay sa tv ko lang iyon napapanood. I can't wait to try it. Gusto ko tuloy bumili ng mumurahing wine para feel ko 'yong moment pero wala pa naman akong alam dito at baka maligaw lamang.

Lumabas ako roon. Pumunta ako sa may bintana, hinawi ko ang kurtina roon. Sobrang taas ng building na kinaroroonan namin. Kita ang buong city. The cars, the people, different building and the most beautiful here is the rising sun, it's so satisying. I can live here forever. Malayong malayo sa Pilipinas na mayroon lamang ay traffic at polyusyon. Kailan kaya uunlad ang bansa natin?

Nawala sa isip ko ang aking mga i-no-overthink nang may kumatok. Dumaretso ako roon at binuksan iyon.

"Let's eat dinner."-bumungad saakin si Sir Benjamin na naka shorts at poloshirt na lamang. Nakapamulsa siya.

"Okay po. Susunod po ako."-I said, medyo nahiya ako dahil ako ay hindi pa nagpapalit ng damit dahil sa excitement sa hotel room.

"No, I'll wait you. Kuya Robert and Kuya Paul are nasa baba na."- conyo rin 'to no? Anyway, bagay naman sa accent niya. It's making him more pogi----what did I say?

"Ay? Oh sige, Sir.Wait lang po at kukunin ko ang cellphone ko."-medyo nahiya na akong magpalit ng damit dahil hihintayin niya pa ako.Kinuha ko ang cellphone ko at kasama siyang bumaba.

----

We're done eating now, and kaming 4 is magkakasama sa isang elevator para bumalik na sa kaniya-kaniyang room. Nasa tapat na ako ng room ko nang may narealize ako. MY CARD!

"Why aren't you entering your room?"-tanong ni Sir Benjamin sa likod ko. HUHUHU, nahihiya ako. Kahihiyan na ito.

"I l-left my keys i-inside."-I said. Naiiyak ako. Ano ba namang kapalpakan 'to? He sighed.

"Tara, samahan kitang mag-request ng spare keys sa baba."-Tumango lamang ako.I have no choice. Save my pride or save myself? Syempre save myself kaya lulunukin ko ang pride ko.

Bumaba kami parehas. We request for spare keys/cards.

"I'm sorry, Sir, but our key holders are  currently outside. That's why we told everyone earlier to be mindful with their cards because some are issued broken. They will be back tomorrow morning because of that issue. We are sorry for the inconveniency. "-the front desk explained.

"Can we book another room, then?"-tanong nito. Napangiwi si Ate Girl.

"I'm deeply sorry, Sir, but we are fully booked tonight until tomorrow evening."- sabi nito. Tumango lang si Sir Benjamin at tumalikod, tsaka naglakad papuntang elevator. Hindi ko alam kung susunod ba ako o hindi dahil wala naman akong tutulugan doon. Tinaasan niya ako ng kilay nang makitang nakatayo pa rin ako sa kinatatayuan ko habang siya ay nasa harapan na ng elevator. Tumakbo ako papunta sakaniya.

"You sleep in my room."-sabi niya saakin. "Bukas ka pa makakabalik sa room mo. I lend you some of my clothes so that you can change. Don't worry, I'll sleep with body guards."

Nahiya ako roon. Ang boss ko pa talaga ang magpaparaya para saakin. And..papahiramin niya pa ako ng damit?

"No, Sir, okay lang po. Ako nalang po ang makikitulog kila Kuya Robert, hehehe. Nakakahiya na po sainyo."-I said kahit hindi ko siya tinitignan. Sobrang kahihiyan ang natanggap ko ngayong araw ah. Hays.

"No. You won't sleep with boys unless it is me, Natalia."




My Perfect Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now