Chapter 6

2.8K 61 0
                                    

Natalia's POV

Nag-grocery muna ako bago ako umuwi sa apartment na tinutuluyan ko. Wala na kasi akong stocks ng pagkain dito. Lutang na lutang ako dahil sa napagusapan namin ni Sir Benjamin kanina sa office niya. Sumasakit lamang ang ulo ko kapag naaalala ko 'yun eh. Alam mo 'yun? Bakit pa kasi iyon napagusapan? Parang ang hirap i-process ng mga salitang narinig ko kanina.

Binaba ko ang mga grocery bags sa sahig dahil kailangan kong kuhanin ang susi sa aking bag.

"Uy, Nath!"-napalingon ako sa tumawag. Kumaway siya sa'kin, ngumiti pa siya bago lumapit. "Tulungan na kita."-sabi niya at binuhat ang mga nakalapag grocery bags sa sahig.

Pumasok kami sa aking apartment.

"Napadaan ka, Son?"-remember Jonson? Siya ang tumulong sa'kin sa paghahanap ng trabaho dito sa Maynila. Siya rin ang katulong ko sa paghanap ng apartment na tutuluyan ko noon. Sa kabilang street lamang siya nakatira, ngunit hindi na kami gaanong nagkikita dahil busy siya sa bago niyang trabaho.

"Makikikain ako. Tinatamad ako magluto eh, tsaka miss ko na luto mo."-sabi niya at humiga sa sofa ko. Kinindatan niya pa ako. Na-miss? baka talagang tamad lamang siya magluto at dito pa naisipang makikain. Buti nalang pala talaga ay nag-grocery ako. Pambawi ko na rin sakaniya ito.

"Ay sus, nambola ka pa. Manood ka muna ng TV diyan. Magluluto na mna po ako, mahal na kamahalan."-sabi ko at inirapan siya.

"Tumawag pala sakin ang Mama mo kanina, hindi ka raw sumasagot sa tawag niya. Nangangamusta na rin."-wika niya. Nakatutok siya sa pinapanood niyang tv show at komportableng-komportable sa pagkakahiga sa sofa.

"Ah, baka hindi ko napansin ang cellphone ko, masyado kaming maraming ginawa nagyong araw eh."-sagot ko sakaniya. Habang abala sa paghahanda ng mga kakailanganin.

"Gan'un ba? Tawagan mo nalang mamaya ulit bago ka matulog. Anyway, pinapahirapan ka ba ng Boss mo?"-napalingon ako sakaniya sa tanong niya, nagkibit balikat siya. "Nako, syempre curious ako 'no, pahirap 'yung lalaking iyon eh. Alam mo ba ikaw palang ang nagtatagal na sekretarya niya, dahil lahat sumusuko, ginagawa niya kasing alipin eh, tsk tsk."

"Paano mo naman nasabing pinapahirapan niya ako? Okay naman siya eh."-talagang okay siya, niyaya niya pa nga akong magpakasal 'di ba, 'di ba?

"Wala lang, pumayat ka eh."-napatingin ako sa bewang ko. Parang wala namang nagbago eh. Pero kaya nga, laging late ang pag kain ko kapag na sa trabaho ako. Pero ayos lang naman, dahil nakakaipon-ipon na ako. Nasanay na rin naman ako kinalaunan.

"Dito kana. Patapos na 'to. Ihanda mo na 'yung plato natin."- pinatay niya ang TV at lumapit na. Kumuha siya ng tubig sa ref, inilatag niya na rin ang mga plato pati na ang mga baso.

"Oh ayan na, paborito mong adobo."-sabi ko.

"The best ka talaga, Nath, kaya sa'yo ako eh."-sabi niya. Nagsimula na kaming kumain.

"Kamusta na kayo nu'ng nobya mo? 'di ko na siya nakikita ah."-tanong ko. Tinapos niya munang nguyain ang pagkain sa kaniyang bibig bago siya sumagot.

"Umuwi muna siya sakanila ngayon dahil nagkasakit ang bunso nilang kapatid. Okay naman kami, 'yun nga lang, medyo nagkakalabuan na. Siguro ay dahil busy kami sa kaniya-kaniyang buhay."-sabi niya. Medyo lumungkot tuloy ang aura rito. Buti nalang at pumunta siya rito, baka kailangan niya rin ng makakausap, at handa akong makinig doon. 

"Gan'un ba? Kailan ba ang uwi niya diyan? Para naman makapagusap na kayo."

"Matagal pa raw eh. Hindi na rin nga siya nagrereply sa mga text ko. Baka ay may nahanap na siyang iba roon."-sabi niya, tumawa pa siya para siguro mapagaan ang mood. Hindi na ako muling nagtanong, mukhang ayaw niya rin muna kasing pagusapan iyon.

Pagkatapos naming kumain ay hinugasan niya ang mga plato. Ako naman ay nanood ng TV.

"Hoy, Natalia, ikaw kamusta ang lovelife mo?"-nagpagpag siya ng kamay at umupo sa siping ko.

"Wala."-sagot ko at inilipat ang channel. Kapag talaga ganitong oras ay wala kang mapanood na matino.

"Wala nananaman? Puros nalang wala, tatanda ka ng dalaga niyan."-sabi niya. Nagdadalawang isip pa ako kung ikekwento ko pa 'yung nangyari kanina, pero napag desisyunan kong 'wag muna ngayon. Sasabihin ko rin sakaniya, ngunit hindi muna ngayon. Siguro ay pagiisipan ko muna ng mabuti bago humingi ng opinyon niya? Anong pagiisipan, Natalia? Akala ko ba ay ayaw ko? Napapikit ako ng mariin sa naiisip.

"Okay lang 'no. Sakit sa ulo ang mga lalaki."-sabi ko at nginitian siya ng malapad, sumimangot naman siya saakin.

"So, sinasabi mong sakit ako sa ulo?"-sabi niya at nginuso ang mga labi. Agad akong nakaramdam ng cringe roon.

"Yak! 'Wag ka ngang gumanyan, kadiri ka. At oo, sakit ka sa ulo. Chupi, alis kana nga, matulog kana ro'n!"-sabi ko at itinulak siya. Tumayo naman siya.

"Oo na! Palagi mo naman akong tinataboy eh!"-sabi niya at nagmartsa palabas. Sinundan ko naman siya para ihatid sa gate.

"Bukas ako yung makikipaghapunan sa'yo ha! Iluto mo 'yung paborito kong Kaldereta!"-sigaw ko sakaniya. Napatakip agad ako ng bibig dahil baka may nagising at magreklamong kapit-bahay.

"Ayaw ko nga. Nek-nek mo!!"-sigaw niya at nag-makeface pa. Dinilaan ko rin siya bago ako pumasok ulit sa loob.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Mama. Baka mayari pa ako roon dahil hindi ko nasagot ang tawag niya kanina sa sobrang kalutanagan.

My Perfect Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon