10-The Fire

47 4 3
                                    


Janna Nicole

Having these doubts makes me wonder. Totoo ba talaga sila, matapos kong ipasa ang findings ko sa prof ay di na maalis sa isip ko ang grupo nina yujin.

"Now, listen!"

Pagkuha ng atensyon ng prof namin.

"Natanggap ko na ang mga findings nyo, and its time for recitation, isa isa ko kayong tatawagin and tell me the key points of your findings and proceed with answering the question; "what is your opinion with the existence of vampires", malalaman ko kung nagcopy paste lang kayo o nagbasa ba talaga kaya be ready.

Nang marinig ito nang mga classmates namin ay kinabahan ang iba, maririnig mo naman yung iba ay kwento dito storya doon.

"Una kong tatawagin..."

Ayon nga, nagsimula nang magtawag ang prof namin, sinimulan sa mga classmate ko, ang iba halatang nagiimbento lang, at yung iba naman nagkabisado, yung iba kamot ulo lang at meron ding ready at ang gaganda ng aagot at findings nila.

"Mr. Kim Yojun, please proceed with your findings"

Umahon sa pagkayuko yung mokong, nagmulat mulat pa sya ng mata na parang bagong gising talaga at tumayo.

"Vampires, vampires are creatures from ancient times, they're considered as a part of the top hierarchy of creatures below mages. Vampires are unique with each other and based on my research, vampires are governed by monarchy, it means that they are led by the king and the queen, since they are from ancient times they are considered as noble creatures among the others and they reign superior because of their uniqueness and the way they handle things. Finally, in answering the question about their existence, in my point of view, vampires aren't real, even though they are obviously supreme creatures than humans, they are too good to be true and if they are real, aren't humans are supposed to be extinct from now if they rely on human blood to survive?" Pagrecite ni yojun sa prof. So it means ay di sya naniniwala sa vampires?

"Okay point taken,now. Ms, Montez, what are your findings?” kumabog ang dib dib ko nung pangalan ko na ang tinawag. I took a deep breath to shake off the odd feeling and to calm my self, then I stood up to proceed with my findings.

"Vampires has unique charcteristics that differentiate them from humans,based on the ancient literature and texts, vampires have abilities that differs from vampire to vampire, they treat it as a 'gift', in addition vampires have commonly beautiful appearances that lures human, based on the written articles from mythology, they have bright red eyes, pale white ice cold skin that means that they aren't alive nor dead, and also I think that they consume human blood for food because based on an article that I've read, human blood, specially blood of the virgins is similar to fountain of youth, but vampires are immortal thus they need blood because of its other attributes to sustain life. In my opinion, vampires has high probability of being real, and I think that they are walking among us, they are using some type of a camouflage to interact and live with us people, since vampires originates from ancient times, there is a high possibility that they used to be a witness from different parts of human history and also their own, in addition, with their unique abilities , imagine the things that they can do, and if given a chance to meet a vampire some day, theb it would be my honor" I finished the sentence with a smile, at nang paupo nako ay nahuli kong nakatitig sakin sila Yujin and the gang na para bang di makapaniwala ang itsura or something, di ko mainterpret kung ano, siguro dahil di sila naniniwala sa mga vampires.

Nangmakaupo ako ay tinapos na ni prof. ang session at dinismiss kami, tutal lunch na naman na, niligpit ko na ang mga gamit ko at dumiretso mag isa sa canteen.  Ngayon ko lang namalayan parang di ata papasok ngayon si madz, mamaya ko nalang ichachat.

Papunta nakong canteen, nang may umakbay sakin, nang nilingon ko ay yung mokong na koreano lang pala.

"So naniniwala ka pala sa mga vampires ah?” tanong nya sakin na may tono ng pang aasar.

"Oo, pake mo ba?” irap ko sa kanya

"Pano kung ubusin nila dugo mo?”

"Alangan di ako lalaban, syempre di ko hahayaan yon"

"Eh noona sabi mo nga kanina may abilities sila, pano ka lalaban kung kasing lakas ni superman kalaban mo?” dagdag na pangaasar nila V sakin

"Eh sabi ko lang naman may PROBABILITY diba, and impossible naman yatang makakilala ako no" rebutt ko.

Magpatuloy lang ang kwentuhan namin, ako lang ang kumakain at ayaw nilabg magorder, kumain na daw sila, at wala pa ring pinagbago, may gossips paren, at parang nasasanay nako, inisip ko nalang ang footlong na nasaharap ko dahil gutom ako at hindumi ako nakapag almusal kanina.

Maagang dinismiss ang last sub namin kaya maaga din ang uwi namin, naghanda nako pauwi nang bigla akong kinabahan.

"Nicole, sabay sabay na tayo, pareho lang din naman yung daan natin eh" tumango nalang ako, dahil sobra talaga yung kabog ng dibdib ko sa kaba.Biglang pumasok sa isip ko si papa.

Habang nasa daan kami pauwi, may narinig kaming sirena ng bumbero, at ambulansya. Tumanga ako pataas nang may nakikita akong usok sa direksyon kung nasaan ang bahay namin. Lalo akong kinabahan.

Ilang blocks nalang ang lapit namin nang makita ko ang hilera ng sasakyan ng bumbero, ambulansya at sasakyan ng pulis, ang bahay namin nasusunog!.

"Papaaa!!!, Hayaan nyo ako nasa loob ang tatay ko”

Naririnig ko ang boses ni kris na sumisigaw habang pinipigilan ng mga pulis na pumasok sa nasusunog naming bahay, halos mapunit na ang suot nyang uniform kakapigil sa kanya. Hindi na sumagi sa isip ko na kasabay ko pa sila Yujin, dali dali akong lumapit sa kapatid ko at agad syang tinanong.

"Kris, s-s-si papa?"

Napatingin sakin ang kapatid ko, na halos walang emosyon ang mga mata habang sinasagot ako.

"Si papa?...

Nasa loob si papa ate...

Hindi pa sya lumalabas..."

Nang marinig ko ang sagot ni kris, ay tila may sumabog na ialng libong dinamita sa paligid ko, unti unting tumulo ang luha ko at napipi ako, napaluhod habang nakakatitig sa mamula-mulang apoy na kasalukuyang tumutupok ng bahay namin, habang naghihintay sa tatay namin na makalabas pero sa huli ay...

wala...









--------- To be continued....


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Korean VampireWhere stories live. Discover now