Chapter 4: The Competition

Start from the beginning
                                    

Karylle

"Baka nagsisimula na ang klase." Dali-dali akong lumabas ng CR dahil baka ma-late na ako. Binilisan ko ang bawat hakbang para siguradong makakaabot.

Habang naglalakad ako sa hallway, umagaw ng atensyon ko ang isang lalaki na pinalilibutan ng apat na kalalakihan. Teka? Parang kilala ko 'to, ah? Kung hindi ako nagkakamali, si Charlie 'yung lalaki. Tumingin ako sa mga lalaking nakapalibot sa kanya. Mukhang galing sila sa ibang strand.

"Ano kaya'ng nangyayari?"

Nagulat ako nang suntukin siya ng lalaki sa mukha.

"Hala?" Napaatras ako dahil baka madamay ako sa kanila.

Ano'ng gagawin ko? Syempre wala. Dapat umakto lang ako na walang nakita. Mas madaling gawin 'yon. Magpapatay-malisya lang ako. At saka dapat lang sa kanya 'yan. Tutal masama naman ang ugali niya.

Pero kahit na! Kaklase mo pa rin siya. Kaklase mo lang siya! Pinapahiya ka rin niya sa klase.

Mariin akong napapikit at umiling. "Bahala na nga!"

Hahayaan ko na lang siyang mabugbog. Hindi ko siya tutulungan.
Tatakbo na ako para hindi ko na sila makita.

Tama! Tatakbo ako. Magandang ideya 'yan.

"Kaya takbo na, Karylle," mahina kong sabi.

Oo, tatakbo na!

Tumakbo ako papunta sa kanila para umawat.

"Hoy! Tumigil kayo!" sigaw ko na umagaw ng atensyon nila.

"Ikaw?" gulat na tanong ni Charlie nang makita ako.

Ano ba 'yan, Karylle? Bakit hindi ka na lang bumalik sa room para sabihin sa mga kaklase mo? Si Maya ang may responsibilidad nito, hindi ikaw. Hindi ka rin isang bayani na tagapagligtas ng mga naaapi.  Hays! Kung kailan nandito na ako, saka ko pa naisip 'yan.

"Sino ka naman?" kunot-noong tanong sa akin ng lalaking sumuntok sa kanya.

Sino ako?

"Ako ang ka—"

"Siya ang girlfriend ko," nakangising sagot ni Charlie.

"Tama, ako ang gir— ano?!"

Nagulat kaming lahat sa sinabi niya. Ibinalik ng mga lalaki ang tingin sa akin at kinilatis ako mula ulo hanggang paa.

"Girlfriend mo?” natatawang tanong ng isang nasa kaliwa niya. "Ang panget naman."

Grabe, ah! Hiyang-hiya ako sa mukha niyang puro lubak.

"Ngayon alam mo na, hindi ko papatulan ang girlfriend mo. Dahil mahilig ako sa panget," natatawang saad ni Charlie.

Tiningnan ako ng mga lalaki na may halong pandidiri.

"Tsk! Pasalamat ka dahil niligtas ka ng girlfriend mong panget," walang ganang sabi ng lalaking mahaba ang buhok. Tinalikuran na niya kami.

"Nakakadiring sana ol na lang," sabi naman ng lalaki sa kaliwa ni Charlie at umakto pa na kinikilabutan.

Nagsimula na silang maglakad paalis.
Naiwan kaming dalawa ni Charlie rito na nakatingin sa kanila habang unti-unti na silang nakakalayo.

Tuluyan na silang umalis. Tumingin sa akin nang masama si Charlie.

"Bakit ka ba nandito? Hindi ka na dapat nangialam," inis niyang sabi.

Aba! Siya na nga ang niligtas, siya pa galit. Dapat pala talaga, hinayaan ko na lang siya. Walang utang na loob. Napakasama talaga ng lalaking 'to.

The Bright IdiotWhere stories live. Discover now