CHAPTER 06 : Teacher's Pet

Comenzar desde el principio
                                    

“Yes!” Tuwang tuwa niyang sambit sa sarili, nang kinalabit siya nong katabi niya para kausapin.

“Tol pasalamat ka bago ka rito dahil pag yan nagalit si Guko----”

Napakunot noo si Astran.
“Sinong Guko?’ tanong niya nong bahagyang napangiti yung lalakeng kausap niya at dahan dahang itinuro ng palihim yung Professor na nagsasalita sa harap.

“Si Professor Dreuz Zayne.”

Napasunod sa daliring tinuro nong kaklase at napatingin pa si Astran kay Zayne

“Pag kasi yan nagalit parang nagsu-super saiyan yan.” natatawang Sambit muli nito.

“ Ia-add kita sa Group chat.
Yung pangalan #GukoAngProfKo para malaman mo pero satin satin lang yung GC na yun, may GC din kasi tayo na for class only add narin kita.” dagdag ng kaklase na katabi sabay napangisi din yung binata.

“Sige salamat brad.”

" Ako nga pala si Keno Briones, Nice to meet you tol. " Pagpapakilala ng kaklase saka naman ngumiti si Astran.

“Nice to meet you as well.” Tugon niya rin.

---

After the class. Break time non.

Kahit na ayaw niya ay pumunta na si Astran sa clinic, he can't just leave it, first impression niya 'to. Hindi niya din alam sa sarili kung bakit siya nakikinig sa taong 'yon? At doon no'ng papasok siya sa pinto ng clinic nadatnan nga niya si Zayne na nakaupo samay bandang gilid na lamesa tapos may hawak itong libro na nagbabasa.

Natigilan ng ilang segundo na tinitigan ni Astran ang Professor, bago siya bumalik sa ulirat at sinaway ang sarili sa kung ano nanaman ang bumagabag sa kanya.

“Ahmm, Sir Zayne.” pagtawag niya nong mabilis na napatingin ito sa kanya, pagkatapos ay agad na nilapag nito yung libro na hawak niya para tumayo.

“Maupo ka doon!” turan nong Professor nang tinuro niya yung parang silid doon na higaan, may mga  kurtina. Saka sumunod si Zayne kay Astran dala yung medical kit tapos inaayos na nito iyon at nilalabas yung gagamitin.

Habang nag-aayos ng kagamitan yung Professor ilang beses siyang napapatingin kay Astran na tahimik lamang at walang kibo atsaka mapupunta yung tingin niya sa mga pasa at sugat nito sa balat.

He really feel pity for this young man.

“Sa mga marka mo sa katawan parang hubby mo na ang pakikipag basag mukha ah?” Salita ni Zayne nong bahagyang mapangiti pa.

Hindi naman makasagot si Astran napapatingin lamang siya kay Zayne.

Tapos sinimulan na ng Professor non linisin yung mga sugat ni Astran upang malagyan na din ng gamot para humilom, nang makita niya kung gaano pinipilit nong binata yung sakit ng dampi ng cotton.

Natatawa nalang siya dito ng bahagya nong sadyain niyang diinan ito, kaya hindi na napigilan ng binata na mag reaksyon sa sakit.

“A-aray! Ako nalang maglilinis sa mga sugat at pasa ko.” Naiinis na pananalita niya at pagsubok na umiwas ni Astran, saka naman siya binatukan ni Zayne nong magulat siya dito at napakibot ang mga mata ng binata.

SECRETLY LIKE YOU ❦ ( BL STORY ) R-18+  | COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora