Muntik pa akong masamid sa laway ko.


At napatawa ng pilit.


"Ate Elaine naman! Alam mo naman hindi ko gawain yan." Inisnab ko si ate Elaine.



"Kasi, balita kasi sa mga ibang sikat na nagaartista, o nagmomodel, para hindi daw nila ma feel ang pagod at puyat sa trabaho,gumagamit daw sila nun eh, concerned lang ako sa yo noh, lalo na lately wala ka lagi sa katinuan, sinabi rin ni Bea nung nakaraan naririnig ka daw sa kwarto mo na parang kausap mo Sarili mo, buti sana kung may kausap ka sa phone eh yung phone mo naman madalas nandito sa kitchen."




"Hah! Ate hindi ah, baka nung mga time na yun, nagpapractice ako ng mga script ko sa commercial, saka ate Elaine naman, kilala mo ako, hinding-hindi ako gagawa ng ikakapahamak ko at ikakahiya ng buong angkan ko noh!"




"Hoy Rain! HuWag mo nga akong pinaglololoko, napanood ko lahat ng sinalihan mong commercial, puro kalang smile ng smile sa camera,at yung mahabang script mo lang eh 'smile toothpaste! Smile na!" At talagang ini-acting pa ni ate Elaine.  "Yung totoo Rain? ,ganito nalang kapag willing mo ng sabihin, andito naman kami para sayo ok? Makikinig kami, although next month eh pwede mo ng lipatan yung bagong condo mo, alam mo mamimiss ka namin iba parin kasi yung andito ka kahit madalas hindi na tayo magkita-kita dahil sa sobrang busy kana sa career mo." Nalungkot ang face ni ate Elaine
.

I side-hug ate ellaine and kiss her cheeks "hay naku ate! anytime naman pwede kayong pumasyal at mag overnight sa condo ko hindi naman kalayuan dito yun."

*********************

Maayos na kasi yung mga papers ko sa bago kong condo, at sabi rin ni Dani kailangan ko
Narin mag driving lesson, kasi reregaluhan daw ako ng Ferrer's autoshop ng bagong sasakyan, ako kasi yung gagawing bagong model at endorser doon, Dati kasi si Natasha, pero ayaw na daw muna mag endorse ni Natasha this time, ayoko naman tanggihan dahil si Dani ang nag assign sa akin dun, At under parin ako ng Ferrer's corporation.


Anyway, si Natasha rin pala ang isa sa may pinakamalaking share diyan sa Ferrer's auto-shop.


Actually may 48 branches na daw sila, dito sa pilipinas..


Very blessed naman ako lately, dahil sa sunod-sunod kong mga offers, matutuloy na rin yung paggawa at pagpapalaki ng bahay namin sa Pampanga, Ayaw naman nina mama ang pagtira dito sa Manila, dahil sa Pampanga na sila nasanay kaya ako nalang minsan ang pauwi-uwi dun.


"Rain, may gustong kumausap sayo sa lobby,"sabi ng isang staff dito sa Ferrer's corp. napakunot ang noo ko at iniisip 'sino naman kaya?' Kung si Paolo yun, tatawag naman o kaya magtetext "balik kalang agad ha? May photoshoot kapa after 20mins."
Tumango nalang ako at nagmadaling pumunta ng lobby.




Pagdating ko may nakatalikod na guy na nakaupo sa pang-isahang upuan habang nagbabasa ng magazine. Pero likod palang alam ko na kung sino.



"B-ben?" I said, nagulat pa siya at lumingon sakin saka siya nag smile, binaba muna ang magazine na hawak sa table saka siya mabilis na lumapit sakin.





"Belle! Finally.." sabay abot ng bouquet of red roses sakin "Kung hindi ko pa kinulit ang kuya mo kung saan ka nagwowork Dito sa Manila, hindi kita makikita, e pano naman hindi ka naman sumasagot ng text at tawag ko sayo eh, sabi ng kuya mo mali naman daw yung number na binigay mo." Napakunot-noo nalang ako at pinaupo ulit sa may sofa at umupo ako sa may side niya.



To love a star  Donde viven las historias. Descúbrelo ahora