Pumangalumbaba ako at tumingin na lang sa gilid ko, ang bintana, at inisip ang kuting.

That was always my way of life. May mga kaibigan ako pero sa mga ganitong araw, hindi ako ang pinipili nilang kausapin. Ayos lang naman din sa akin. Gusto ko naman ding makihalo pero tuwing iniisip ko ang kantiyaw sa akin, umuurong ang sikmura ko.

"Dapat nasasanay ka na sa kantiyaw. Lagi ka namang binibiro ng boys!" I always hear that whenever I go silent and feel bad.

At lagi, tumatango ako at iniisip na tama sila. Na dapat nasasanay na ako. Kaya lang, kahit kailan, hindi ako nasanay. Kaya naiintindihan ko rin kung bakit hindi nila ako gaanong sinasali sa mga grupo, kasi iniisip nila mao-offend ako sa mga biro sa akin.

"Kalansay! Manonood ka mamaya?!" a classmate called.

Naglingunan ang iilang babaeng kaklase. May nakahandang ngisi na sa labi at naghahagikhikan na, wala pa man akong sagot.

"Hindi ko sigurado."

"Nakita n'yo si Ate Aria kanina? Ang ganda niya talaga sa uniform na 'yon!" at nagpatuloy na sila sa kuwentuhan tungkol mamaya.

Pero siguro nga manonood na ako. Wala naman din akong gagawin. Gusto ko sanang pumunta na lang sa library at magbasa habang lalong kaunti lang ang tao roon pero kahit paano, gusto ko rin namang makihalo.

Lunchbreak nang nagmamadali na akong bumaba sa building namin. Ni hindi ako nakaramdam pa ng gutom nang binalikan ko ang sasakyan para kuhanin ang gatas at wet cat food, pati na rin ang box na ipinahanap ko sa driver.

Nang nakuha na ang mga iyon, nagmdali agad ako patungong gym.

Nagtatanghalian na ang mga estudyante. May nakikita akong nagpalit na mula sa P.E. uniform at naka casual na damit na ngayon. Ang iba'y naghahanda ng mga banners sa mga kiosk habang kumakain ng tanghalian.

Palapit na ako sa lababong pinag-iwanan ko sa kuting nang napatingin sa isang punuang kiosk. Napatalon ako nang nagtawanan sila ng napakalakas doon. Yumuko ako at agad inisip na ako ang tinatawanan kahit na malayo naman ako sa kanila.

Slowly, I lifted my head to check if they were really laughing at me. I realized they were not. Hindi ko alam kung ano ang topic nila pero nakita kong wala namang nakatingin sa akin at parang may pinag-aagawan lang silang cellphone.

It was a group of Senior high school students. Isa sa kanila'y naka suot ng varsity jersey kaya naisip ko tuloy kung nasa grupong iyon ba si Alvaro. I shook my head and just continued walking towards the toilet and the many sink on the side of the gymnasium.

I called for the kitten. Nasa lababo na ako at naghanap ng hindi basang espasyo para ipatong ang box.

I called more and looked at under every sink.

I sighed my relief when I heard his small meows. He's still here!

Nang nakita ko siya, sumilay ang ngiti sa labi ko. His small shaking steps warmed my heart. Agad din namang napawi ang ngiti ko nang natanaw na kalahati sa katawan niya'y natatabunan ng putik!

Umulan kagabi kaya maraming nagkalat na putik sa paligid. Doon niya siguro naakuha.

"Anong nangyari sa'yo?" I asked and slowly lifted him up.

I faucet opened. Napatalon ako at nakita si Chantal Castanier na naghuhugas ng kamay habang tinitingnan ako.

Her long wavy hair fell til her waist. Unlike Aria, there is no trace of make up on her face yet, she looked beautiful.

"Anong nangyari?" she asked innocently while looking at the kitten.

"A-Ah," medyo nahihiya akong sumagot. "Nahulog yata siya sa putikan, e."

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now