Shower

1.4K 40 13
                                    

Rita's POV










Nakatingin ako sa relo. 8pm na ng makauwi ako sa bahay. Kanina pa ko nagdadasal na sana wala pa sa bahay ang asawa ko.













Nakahinga ako ng maluwag ng wala pa ang kotse nito sa garahe. Mabilis akong pumasok sa kwarto..














Pumasok ako sa CR para maligo. Gusto kong magbabad sa maligamgam na tubig bago matulog. Wala akong ganang kumain kaya pagnatapos akong maligo, matutulog na lamang ako..












Tiningnan ko ang kabuoan ng hubad kong katawan sa napakalaking salamin dito sa banyo.















Hindi pa nga nawawala ang pasa sa kaliwang braso ko, meron na naman sa kanan.. Hindi ko na mabilang ang mga pasa at sugat ko sa katawan. Humihikbi akong hinawakan ang mga ito..
































"Saan ka na naman galing punyeta ka? "






























Nanginginig akong nilingon ang taong nagsalita mula sa likod.
































Ken.




























Mabilis niyang hinatak ang buhok ko at isinandal sa dingding..























"Who the hell gave you permission to leave this house! Answer me Rita!!!! "






























Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw ni Ken. Nanggigilid na rin ang mga luha dahil sa sakit ng pagkakahawak ni Ken sa buhok ko. Ang sakit sakit na wala man lang akong magawa para pigilan ito..























"Hindi mo ba talaga sasagutin hah!!! " sigaw nito..
































"Ga-galing lang ako kay Mich.. " nanginginig na sabi ko dito. Sinabi ko ang totoo pero mukhang hindi na naman nito paniniwalaan.























"Kay Mich hah? Kay Mich? Bakit inabot ka ng ganitong oras? Tell me Bitch, nakipagkita ka naman ba sa lalaki mo ???!!!" sigaw nito at doon na kumawala ang kanina ko pang pinipigilang mga luha.






















Yes. Matitiis ko ang mga pananakit nito pero ang tawagin niya akong bitch? I can't stand him calling me a bitch. Masakit. Sobrang sakit. Because I'm not one. God knows I'm not.

























"Kay Mich nga ako galing!!! " naiinis na ding sigaw ko.























Mas lalo niyang diniin ang pagkakasabunot sa buhok ko.. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin. At doon niya pinakawalan ang isang malakas na sampal at doon na ako napadapa sa sahig. Nakaramdam ako ng panlalamig ng buksan ni Ken ang shower at itinapat sa akin ang hose.






















Remorseless LoveWhere stories live. Discover now