Chapter.3 Mango Farm

Start from the beginning
                                    

Pag dating sa mansyon..

"Hi Lorenz!" masayang bati saken ni Danni..

"Magandang hapon po mga ma'am.. Si Richard po, pinsan ko.." pakilala ko..

"Marunong kang magdrive ng car?" mataray na tanong ni Denise kay Richard..

Hindi nakasagot agad si Chard.. Natulala.. Bahahaha..

"Excuse me.. I'm asking you, sir.." si Denise.. May finger snaps pa..

"Ah.. Ahhh.. Hi-hindi po ma'am.. Hindi po ako marunong.." sagot ni Richard..

"Ok.. Tara na.." si Danni.. Sumakay na ulet sa angkasan..

Si Richard na ang nagmaneho.. Magkatabi kami ni Danni sa angkasan.. Yung dalawa sa loob..

Sa palaisdaan muna kami dumerecho.. Gusto daw nilang i-try mamingwit.. Tuwang-tuwa sina Paola at Danni.. Tinuruan sila ni Richard kung pano manghuli ng isda..

And yeah, killjoy na naman si Denise.. Hindi siya sumali.. Nagstay lang siya sa loob ng tricycle..

Habang naghihintay na makahuli sila, umalis muna ako.. Naghanap ng buko.. Malamang rerequest na naman sila ng buko juice.. Buti na lang may nakita akong umaakyat ng niyog so nakakuha agad ako.. Tas along the way, may nakasalubong akong naglalako ng banana cue at pilipit.. I'm pretty sure konti lang nakakaalam sa inio ng pilipit.. Pero malupet na kakanin yun.. Parang pinoy-style pretzel..

"Ma'am, kain po kayo.. Banana cue tsaka pilipit.." alok ko kay Denise.. Nandun pa din siya sa loob ng tricycle..

Kumuha siya ng pilipit..

"Thank you.. Kala ko susungitan na nman nia ako e.." bulong ko sa isip ko.. Somehow, at least may inoffer na kong tinanggap nia..

Lumapit din ako dun sa tatlo at inalok sila.. Pero seryoso yung dalawa.. Nagpapaligsahan kung sinong unang makakahuli.. Walang pumansin saken..

"Richard, bakit yung bulate lang yung kinakain nila..?" sigaw ni Danni..

And finally, gumalaw yung fishing rod ni Paola.. yep.. Regular sized tilapia..

Sigaw siya ng sigaw.. Ang saya nia.. And kita mo ung lungkot ni Danni.. Pero after few minutes, nakahuli din siya.. Mas malaki..

Then kumain na sila nung dala kong meryenda.. Pinagbukas ko din sila ng buko..

Pero hindi pa din umiimik si Denise..

Hindi ko talaga alam kung anong meron sa babaeng 'to.. But the more that she's acting this way, the more na parang lalo akong nacha-challenge.. I mean, parang gusto kong mapalapit sa kania.. Makilala siya.. Makausap siya.. Ultimately, break her walls..

Hindi pa ko nagkaka-girlfriend.. Crushes, meron.. Mga classmates ko.. May nagkakagusto ba saken? Ewan.. Sabi nila meron daw.. Pero kasi wala pa kong panahon sa ganun e.. Una sa lahat, nakikitira lang ako sa tiyahin ko.. Pano ko siya aayain sa bahay..? Anong pang-date ko.. E wala naman akong pera.. Ano, maglalakad-lakad lang kame..?

Pero kasi 'tong Denise na 'to e.. Napaka-angas.. Kala ba niya porke maganda siya, may karapatan na siyang magtaray sa kahit na sino..?

So ang ginawa ko, hindi ko na din lang siya pinansin.. Yung dalawa lang kinakausap ko.. Nag-try si Richard na makipagusap.. Ayun, nasoplak.. Hehehe..

Pumunta kami sa taniman ng gulay pero saglit lang.. Mainit pa kasi.. Tsaka wala naman silang balak mamitas o kumain nung mga hilaw na ampalaya at sitaw..

Tas dumerecho na kami sa mango farm..

"Wow!!! Ang daming bunga.." sabay na sabi ni Paola at Danni..

Crush Mo Mukha Mo.. Where stories live. Discover now