“H-Hello.”

“Are you okay? Nasaan ka ngayon?”

“I-I’m fine.”

Pero base sa panginginig ng boses at ng malalim niyang paghinga ay nahihimigan kong hindi siya okay.

“Can you accompany me? May pupuntahan ako.”she said.

May pagtataka pero gagawin ko ang ano mang gustohin niya. Baka doon malaman ko ang problema niya. Baka makatulong ako.

“S-Sure, saan kita pupuntahan?”

“No, ako ang pupunta diyan.”

“Nasa shop ako.”

“Okay.”then she hang-up the phone.

Nag-retouch muna ako, pwede ko naman muna ipagpabukas ang pagpunta sa Mall para sa mga kakailanganin sa shop. She needs me now, siya muna ang priority ko ngayon.

Nang makarining sa pagdating ng kotse ay agad akong tumayo mula sa ratan chair. I saw her black sedan outside. Bumusina siya pero palabas na ako ng shop dahil wala na naman akong ibang dadalhin, kanina ko pa iyon ni-handa.

Hindi siya bumaba ng kotse niya na ipinagtaka ko. Kaya alanganin na pumasok ako, I thought that she would hug me.

Pagkapasok ko pa lang ay nagulat na ako sa itsura niya. Kahit hindi na namumula ang gilid ng mata niya ay halata naman na kagagaling niya lang sa pag-iyak.

“Fionna, are you okay?”

Pinagmasdan ko itsura niya mula sa hindi maayos na buhok at sa suot na over size shirt. Hindi siya ganito manamit kaya nakakapanibago.

Bumaling siya sa 'kin, ngumiti siya ng tipid. “Yeah, I'm always fine.”

“Kumain ka na ba? Daan muna tayo sa isang restaurant? May alam akong--”

“No I’m fine. We have to go.”at ni-start na ulit.

Umayos na lang ako ng upo nang apakan niya na ang accelerator at pinaharurot na ang sasakyan sa daan. Medyo mahaba-haba ang byahe, inabot kami ng dalawang oras, and this time napapansin kong mangilan-ngilan na lang ang kabahayan na nadadaanan namin. I think nakalabas na kami ng syudad.

Nasa may tall gate na kami papuntang Laguna nang mapansin ko ang unti-unting pagbilis ng takbo ng sinasakyan namin.

“F-Fionna, I think hindi mo kailangan bilisan ang pagpapatakbo. Nagmamadali ba tayo?”medyo nakakaramdam na ako ng kaba.

Pero hindi naman siya nakinig ni balingan ako ay hindi niya ginawa.

“Saan ba tayo pupunta?”hilaw ang ngiti ko dahil sa kaba.

Nanatili pa rin ang bilis ng sasakyan at habang dumadaan ang segundo ay pabilis ito nang pabilis. Napapahawak na ako sa seatbelt ko habang kabado na nakatingin sa daan at kay Fionna.

Mukhang hindi naman siya nakikinig.

I saw how she over take, at nang-aagaw na rin siya ng linya. We are against the line now, kahit pa mangilan-ngilan lang buma-byahe ngayon ay siguradong may dadaanan sa linya na tinahak namin ngayon, at pag nagkataon na may makakasalubong kami ngayon ay hindi ako sure kung maiiwasan niya agad lalo na sa klase ng pagpapatakbo niya. I doubt if the break hold tight kung ganito kabilis ang takbo.

Kaya wala akong ibang magawa kundi ang pumikit ng mariin at magdasal. Nagugulohan ako, ano itong ginagawa ni Fionna? Parang hindi ko na siya kilala. She didn’t want me in harm, nag-aalala siya tuwing may nangyayari sa 'kin, I saw how she almost passed out when she saw me bleed in accident. Pero ngayon, parang sinusubo niya pa ako sa kamatayan.

Dark Obsession / Dark Plans - tagalog (on-going)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum