Chapter EIGHT --> 7-Eleven <--

Start from the beginning
                                    

            Huminto ako. Pinakiramdaman ko ‘yong likuran ko. Nawala ‘yong mga yabag ng paa niya. I sighed at nagpatuloy sa paglalakad. Naririnig kong sumusunod na naman siya sa’kin.

            I stopped for the last time and ginawa niya rin ‘yon. Lumingon ako sa kanya ng nakakunot ang noo. “Ano ba?” inis na sabi ko.

            Nakita ko siyang nakapamulsa ang parehong kamay sa bulsa ng pantalon at tumitingin-tingin sa paligid like he was strolling around. No’ng tumingin siya sa’kin, ngumiti siya. “Bakit?”

            Humarap ako sa kanya ng nakahalukipkip. “Hanggang saan mo ba ko susundan?”

            “Hindi kita sinusundan,” Sander said. “Nagkataon lang na diyan din ako papunta.” Nakita ko ‘yong mga babaeng nakaupo sa isang fastfood chain na nagnanakaw ng tingin kay Sander. Magbubulungan sila, magtatawanan, kikiligin at maya-maya lang ay titingin ulit kay Sander. Ibang klase talaga kapag model. Ang lakas ng dating sa kababaihan.

            I rolled my eyes at him at nagsimula na ulit maglakad. Pumasok ako sa 7-Eleven. The bell chimed when I got in. At pagkatapos lang ng ilang sandali, tumunog ulit ‘yong bell, signalling that another person came in through the glass door.

            Napahinga nalang ako ng malalim, knowing who was it. Pumunta ako doon sa junkfood rack. Hm. Ano bang masarap bilin? Nag-isip ako ng ilang segundo. “Ah, ito nalang.” Kinuha ko ‘yong isang malaking Piattos. Barbecue flavor. Yum!

            Papunta na ko sa counter noong mapansin ko ‘yong binibili ni Sander. Hinihintay niyang matapos ‘yong machine sa paglalagay ng mainit na kape sa cup niya. Pumila na ko doon sa counter para magbayad. But, hay. Ang haba ng pila.

            Naramdaman kong may tumabi sa’king matangkad na lalaki. “Hindi ka magla-lunch?” tanong niya.

            “Wala ako sa mood mag-lunch,” I said casually. “Why coffee?”

            Nakita kong hinipan muna ni Sander ‘yong kape niya at pagkatapos ay hinigop iyon. “Shit,” he cursed silently. “Ang init.”

            Napatingin ako sa kanya. “Iyan lang lunch mo?”

            “Yeah,” he said.

            “Bakit?” Hindi ko maiwasang magtanong.

            Nakita ko namang ngumiti siya sa’kin. “Now, you’re interested in me?”

            I rolled my eyes. “Ang kapal! Asa ka pa,” pagtataray ko. Narinig ko siyang tumawa sa likuran ko. Then he didn’t say anything after that. No’ng turn ko na ay binayaran ko na ‘yong Piattos. Napalingon ako habang nagbabayad si Sander sa cashier.

            “T-Twenty-eight pesos po,” nahihiyang sabi no’ng babaeng cashier.

(G4S Book3): OUR LEGACYWhere stories live. Discover now