Chapter 8: The cause of anger

39.8K 398 18
  • Dedicated kay Junaizza Gin Payne
                                    

Hey!! sorry for the late update. 

So from the last chapter Antonette is still alive, find out more secrets as we read this chapter. Happy reading guys....

Check out for Antonette's picture==================>

 

 

Antonette's POV

Paglabas niya sa banyo ay wala na si Lars. Kapag dumadalaw ito sa kanya ay lagi na lang itong umaalis. Napabuntung-hininga siya. Mahirap ba siyang mahalin para ayawan siya nito ng ganoon?

Umupo siya sa kanyang kama. Ilang taon rin siyang hindi nakalakad at lumabas sa ospital na iyon. Minsan lang kung dumalaw ang pamilya niya dahil nakabase na ang mga ito sa ibang bansa. Masyado siyang nalungkot ng malaman niyang hindi siya kayang mahalin ni Lars. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa ng malaman niyang ginamit lang siya nito. Niligawan lang siya nito dahil naiinggit ito kay Xander. 

Oo nga pala, kumusta na kaya si Xander ngayon. Naibulong niya sa hangin. Inaasam niya na sana nakalimutan na siya nito at may mahal na sana ito. Naawa siya kay Xander ng malaman niyang mahal siya nito hindi bilang kaibigan kundi bilang isang babae. Nalungkot siya dahil hindi niya kayang suklian iyon pero sa kabila ng nalaman niya ay nanatili pa rin itong kaibigan para sa kanya. Kay Xander siya unang tumawag ng makita niyang tuluyan ng nalaglag ang anak niya bago kay Lars. Pero nasa ibang bansa ito kaya hindi nito masagot ang mga tawag niya.

Naramdaman niya ang pagbukas ng pintuan. Pumasok si Lars na may dalang kahon. Ibinigay nito sa kanya ang kahon. Pagbukas niya ay damit at sapatos ang laman niyon. Nagtatanong ang mga mata niya ng tumingin siya ulit dito. 

"Aalis tayo ngayon. Alam kung hindi ka nakalabas ng ospital ng ilang taon kaya ngayong nakakalakad ka na ay pwede na tayong lumabas."sagot nito. "Bilisan mo, hihintayin na lang kita sa ibaba."

Paglabas nito ay agad siyang nagbihis. Pagbaba niya ay naghihintay na ito sa gilid ng isang kotse. 

Dinala siya nito sa isang five star hotel. Pumunta sila sa deck ng hotel at nakita niya doon ang isang mesang puno ng pagkain. Inalalayan siya nitong umupo. May ibinigay pa itong isang pumpon ng bulaklak. Sinamyo niya iyon at narinig niyang sinabi nitong "HAPPY 10th ANNIVERSARY, ANTONETTE and I love you".

Napaluha siya. Matagal na siyang naghihintay na sabihin nitong mahal siya nito at ngayon natupad na ang matagal na niyang hiling. Tumayo siya at niyakap ito ng buong higpit. Nang maghiwalay sila ay pinahid ng daliri nito ang mga luha niya.

"Stop crying, baby. I know I've hurt you so much but I am willing to do everything just to ease the pain I've cause you. I'm sorry." sabi ni Lars habang hinahaplos ang mukha niya.

"No Lars. Having you beside me and knowing you love me too is enough for me. I don't wanna lose you again, please stay. And promise me, you won't leave me again."tumutulo na ang luha niya habang nakatitig sa mga mata ni Lars. Mahal na mahal niya ito at mamamatay siya kapag nawala si Lars sa buhay niya. 


That night was her perfect night ever. Pagkatapos nilang kumain ni Lars ay nag star gazing sila habang yakap siya nito. Naglakad sila sa kahabaan ng Baywalk. Para silang mga teenagers na nangangarap habang nakamasid sa bilog na bilog na buwan. That night was so romantic for her and she wish that it won’t last. Sana ganun na lang sila forever.

The Virgin BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon