Chapter 37

22.6K 295 16
                                    

Hi guys!! Ito na ang hinihintay niyong update. Pasensiya na medyo natagalan. Alam niyo naman na ang lagi kong dahilan di ba. PLATES!! Haha.. marami akong gagawing plates. Akalain niyo yun, nagawa ko pang isingit itong wattpad. Inspired kasi ako ngayon. Oh, wag na tanungin kung bakit. Kayo,... haha, anyway guys, so much of my talking,. let's start. 

Lara's POV

Dahil nagyaya si Zac na lumabas, ito ako ngayon, masaya kasi makakapamasyal ulit ako. Tinawagan ni Zac si Fabian para sumama sa amin. Masyado kasing busy itong taong to, kaya sinabi ko kay Zac na tawagan at mayaya sa paglabas. Hindi pa naman masyado halata ang tiyan ko kapag nagsusuot ako ng mga maluluwang na damit. Kaya ngayon ang suot ko ay isang kulay pink na sundress na flowy. Hindi masyado nahalata na buntis ako. 

"Saan tayo ngayon?"tanong ni Fabian na kararating lang sa sinabing tagpuan.

"Sasamahan natin si Lara na pumili ng design para sa kwarto ng babies niya."sagot ni Zac. 

"Babies?"tanong ni Fabian. Tapos biglang nanlaki ang mata nito. "OH, my GOD, kambal ang magiging anak mo Lara?"

Tumango ako. Nakakatawa ang ekspresyon ni Fabian. Sobrang nanlaki ang mata niya at tumingin pa sa tiyan ko na alam kong hindi pa naman halata. 

"Di nga?"tanong nito ulit na di makapaniwala. 

"OO nga, batukan kita diyan eh. Ayaw mo pa maniwala,"sabi ko.

"Oy, kelan ka pa naging bad girl ha, Lara. Batukan!"sabi ni Fabian sa kanya. 

"Oi, hindi ako bad girl ah,"nakangusong sabi ko.

"Naku, lumakad na nga tayo at nang hindi tayo gabihin. Bawal mahamugan ang buntis diyan,"sabi ni Zac. 

Tumayo na sila at sabay-sabay na pumunta sa parking lot ng restaurant na iyon. Kotse na ni Zac ang gamit nila. Ang sabi ni Zac ay may kakilala daw itong interior designer. At doon sila pupunta ngayon. 

"Tagasaan ba iyong kilala mo, Zac?"tanong ko habang nasa biyahe. Nakaupo ako sa front seat katabi ni Zac na siyang nagmamaneho sa sasakyan. Samantalang si Fabian naman ay nasa likod at may nakasaksak na headset sa tenga nito. Nakasandal ang ulo nito sa headrest ng upuan at nakapikit pa ito. 

"Taga-Cavite. Kababata ko siya at kapitbahay dati. Nagkita lang kami nong pagpunta ko ng Canada kaya ayun nagkausap. Tapos nalaman kong interior designer siya kaya ayun bigla kita naisip,"sagot ni Zac na sa daan nakapokus ang tingin. 

"Ah,"tango ko. Medyo mahaba pa ang biyahe nila kaya naisipan niyang ipikit ang mga mata. 

Naramdaman ko ang pagyugyog ng kung sino sa balikat ko. Naalimpungatan ako.

"Andito na tayo,"ang nakangiting mukha ni Zac ang nabungaran ko. 

Nilingon ko ang bahay na hinintuan namin. Malaki iyon at mukhang mayaman ang nakatira. Agad akong kumilos para ayusin ang sarili ko. Mayamaya lang ay lumabas na rin kami ng sasakyan. Isang katulong ang nagbukas ng gate sa amin. Bumalik si Zac sa sasakyan para ipasok ang kotse sa loob ng bakuran ng magarang bahay. Kaming namang dalawa ni Fabian ay naglakad na papunta sa front door. Itinuro ng katulong sa amin ang daan. Sumunod naman agad sa amin si Zac na naigarahe na ang sasakyan. 

Isang balingkinitang babae ang bumaba ng hagdanan. Nasa loob na kami ng bahay at kasalukuyang nakaupo sa sofa. Agad na tumayo si Zac para salubungin ang babae. Maganda ito, fair ang complexion, may dimples ito at mapuputing ngipin. Bilugan ang mukha nito na binagayan ng malaking mata na napapalamutian ng mahahabang pilikmata. 

The Virgin BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon