chapter 4: my hero!!

43K 539 16
  • Dedicated kay Justine Marie Felera Ropero
                                    

Hey there, sorry for the late update!!., Iniisip ko kasi kung ano ang next scene ni Xander saka ni Lara...,, I thought I can update last weekend but then I was wrong.,, Here is my update!! Enjoy pepz!!!


Natigilan siya sa sinabi nito. He was being possessive now but she like it. Napangiti siya at marahang sumabay sa lakad ni Xander. Tinatahak nila ang daan papunta sa isang shade. 

"Do you want to go for a swim?" tanong niya.

"Yes but  I think we need a drink. I'll go buy you a drink. What do you want?" tanong nito sa kanya habang nakatingin sa isang restaurant.

"Ahm, I think I want buko juice. And..... apple pie please." nakangiti niang tugon.

Ngumiti ito at agad na tumalikod para bumili ng pagkain. Tumuloy na siya sa shade kung saan may upuan at isang mesa. Umupo siya doon at tinanggal ang shade pati ang beach hat niya. Napatingin siya sa isang babae na halos makipaghalikan na sa isang lalaki sa lapit ng mga mukha ng mga ito. Si Lourdes ang babaing iyon. Napailing na lang siya. Sadya ba talagang ganon ang babae? She was in public and she is not behaving well. Maya-maya ay naglakad ito palapit sa kanya kasama ang isang matangkad at mestisong lalaki. 

"Hi Lara. Meet Alex, he was my college friend. Alex, Lara, the wife of Xander." pakilala nito sa kanya sa lalaking kasama. May konting alinlangan ito sa pagbanggit na asawa siya ni Xander.

Ngumiti si Alex sa kanya.

"May asawa ka na pala. I never knew Xander is married to a very beautiful woman here."Nakatingin ito sa mukha niya at napansin niya ang paghanga sa mga mata nito. Guwapo ito, matangkad at maganda ang built ng katawan. Pero wala siyang nararamdamang atraksiyon sa lalaking ito. Narinig niy ang papalapit na yabag na likha ni Xander. Lumingon siya at nakita ito na dala na ang pagkain na gusto niya.

"Alex, how are you man?" Bati nito sa lalaki pagkalapag ng pagkain sa mesa. Naghand-shake ang dalawa at umupo ito sa tabi niya.

"I'm always okay and available."Tumingin ito sa kanya at halatang pinapaalam nito sa kanya ang bagay na iyon. Hinapit ni Xander ang beywang niya palapit sa katawan nito. 

"Oh man, haha, gumaya ka sa akin, natagpuan ko na si Miss Right." Tumingin si Xander sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa mesa. Napatingin si Lourdes doon at napaismid.

"I'll go for a swim Alex. You want to come and join me?" 

"Maybe later. I'll have a chat with Xander here." Tugon ni Alex. Tumayo na si Lourdes at naglakad patungo sa dagat. Naakit na rin siya na lumangoy kaya nagpaalam na rin siya kay Xander. 

"Ahm, Xander, I'll go for a swim too. Iwan ko muna kayo rito para makapag-usap kkayo ng maayos. You know, boys talk." Excuse niya sa dalawang binata. Bago siya umalis ay hinalikan niya sa pisngi si Xander. Pagkatapos ay nginitian niya si Alex tanda na aalis na siya. 

"Susunod na kami ni Alex mamaya." tugon nito bago siya naglakad. 

Hinubad niya ang sapin sa paa at naglakad ng nakaapak sa buhangin. Masarap sa paa ang init na dulot ng buhangin. Pumunta siya sa likod ng batuhan at tiningnan ang may kalalimang bahagi ng tubig. Ang gandang pagmasdan ng mga isda na naglalangoy at nahahabulan. Naiinggit siya sa mga ito kaya hinubad niya ang see through dress at iniwan sa batuhan kasama ang sapin sa paa. two piece na lang ang suot niya at naramdaman niya ang init na dulot ng araw. Inilubog niya ang paa sa tubig ng makaupo siya sa batuhan. Ninamnam niya muna ang tubig bago napagpasyahang lumusong para lumangoy.

Masyado siyang nalibang para malaman lang na malayo na siya sa batuhan. Pumihit siya paharap para bumalik sa batuhan ng maramdaman niya ang pagtigas ng mga binti niya. Nag- panic siya. Pinupulikat na siya. Nag- float siya para maikampay ang mga kamay para makabalik sa batuhan pero hindi na niya kinaya ang sakit at naramdaman niyang unti- unti na siyang lumulubog. Ikinampay niya ang mga kamay hanggang sa maramdaman niyang lumubog na siya ng tuluyan sa tubig. Nagdilim ang paningin niya at naramdaman niyang may humila sa kanya at inilangoy siya pabalik sa batuhan.

The Virgin BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon