Chapter 47

17.7K 247 8
                                    

Ito na next update. Oh hindi ko na pinatagal at alam kung gusto niyong mabasa ng tuluy-tuloy.

Lar's POV

Pagkapasok niya sa lob ng emergency room ay agad siyang lumapit sa kinaroroonan ni Antonette. Pawis na pawis na ito at namimilipit na sa sakit. Hinawakan niya ang kamay nito at ibinulong ang 

"I LOVE YOU SO MUCH, TONI,"

Napangiti ito at nilakasan ang loob. Umire ito ng pagkalakas at mayamaya pa ay nawalan na ito ng malay-tao at maririnig sa buong kwarto ang iyak ng isang sanggol. 

"Congratulation, Mr. You have a healthy baby boy,"sabi ng doktor habang hawak hawak nito ang isang duguang sanggol. 

His blood rushes through his senses. It captured his heart at bigla na lang siyang napaluha at napangiti. 

Inasikaso na ng mga nurses si Antonette habang siya naman ay lumabas na para ibalita kay Xander ang nangyari. 

"Kumusta si Antonette?"tanong ni Xander sa kanya. 

"Ayun. Nakatulog na siya. Tol, lalaki ang anak ko."sabi niya na masayang-masaya. Hindi kasi sila nagpa-ultrasound para masorpresa daw silang dalawa sabi ni Antonette. Ang totoo nga niyan eh, nagpustahan pa sila ni Antonette kung babae ba o lalaki ang anak nila. And he bet his child would be a boy. At siya ang nanalo sa pustahan nila. 

"Congratulations, then,"nakangiting saaad ni Xander. 

Hinintay nilang magising si Antonette bago nagpaalam si Xander sa kanya.  Dadalaw na lang daw ito bukas kasama si Lara. 

Lumapit siya sa kinahihigaan ni Antonette. 

"Kumusta ang pakiramdam mo?"tanong niya. 

"Medyo okay na ako,"sagot ni Antonette. "Asan ang baby natin?"

"Nasa nursery room pa,"sabi niya. 

Mayamaya ay bumukas na ang pinto. Pumasok ang isang nurse dala ang isang sanggol na nababalutan ng lampin. Ibinigay agad ng nurse ang sanggol kay Antonette. 

Agad na napangiti si Antonette pagkakita sa anak nila. 

Ang nurse naman ay agad na nagsulat at tinanong si Antonette kung anong ipapangalan nila sa bata. 

"We'll name him LARX ANTONIO LICARTE", nakangiting sabi ni Antonette sa nurse. 

Nagulat siya. Ginamit ni Antonette ang pangalan niya at ginawa iyong X. 

"Bakit ganon?"tanong niya. 

"Kasi kinuha ko iyon sa inyong magkapatid. Para naman magkabati na kayo as in yung close talaga."sabi ni Antonette. 

"Bakit, close naman kami ah,"sabi niya. 

"Ah, bastan gusto ko yung close kayo talaga. Di ba baby,"sabi ni Antonette at hinalikan ang kanilang anak. 

Napangiti na lang siya sa isang magandang tanawin sa harap niya. Kinuha niya ang cellphone niya at kinuhanan ng litrato ang mag-ina niya. 

Parehas ng tulog ang mag-ina niya ng maisipan niyang lumabas para kumain. 

Kinabukasan ay maaga pa lang ay andoon na si Lara kasama si Xander at ang kapatid nito. Nakikipagkwentuhan si Lara kay Antonette. Ang dami nitong tanong at halos nakakatawa lahat. Masyado na kasi itong kinakabahan.

"Sabi ko sayo eh, hwag ka ng sumama dito dahil yan lang mararamdaman mo,"sabi ni Xander. 

"Curious lang naman ako ah,"sabi ni Lara na nanghahaba na ang nguso. 

"Owh, magtatampo na naman yan si Lara, Xander,"sabi ni Antonette. 

"Ay hindi, aarte lang yan,"sabi ni Xander pero inalo naman si Lara. 

Grabe talaga itong dalwang to. Masyadong malambing sa isa't isa. Maiinggit ang asukal sa sobrang tamis nila kung maglambingan. Napailing na lang siya at kinarga ang baby nila ni Antonette na kasalukuyan umiingit. 

O ayan,.. pahinga muna saglit. :))

VOTE
COMMENT
BE A FAN IF YOU LIKE

YUDZ___________________

Sorry for errors and typos.. :)) :D

The Virgin BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon