Chapter 51

19.3K 261 3
                                    

Ayan. Mabait ako kaya mag-a-update ako agad. Actually, ang totoo niyan, hindi ako makatulog ng maayos kasi busog na busog ako. Nang-treat kasi ang mga kaklase ko nung highschool. As in foodtrip kami. Puro libre lang ako. Pag-uwi ko ng bahay, sumakit ang tiyan ko sa sobrang dami ng kinain ko. Alam mo yung kahit busog ka na pero gusto mo pa rin kumain. Haha!! Grabe! Oo na, alam ko na iniisip niyo. ANG TAKAW KO, ano po? Haha. 

Lars POV

Everything was settled then. Matapos ang lahat ng unos na dumaan sa buhay niya ay nagawa na niyang magpatawad. Hindi niya dinalaw ang ama-amahan dahil ayaw pa niyang maaalala ang kasamaan nito. Hindi niya pa kayang makita ito. Pero ngayon, wala ng lugar pa ang galit at poot sa puso niya. Ang nandoon ay saya at pagpapatawad. Sa sobrang saya niya ngayon ay nawala ang galit sa puso niya. Kaya naisipan niyang dalawin ang ama-amahan. Ilang linggo na mula ng makapanganak si Antonette. Mag-iisang buwan na ang anak nila sa susunod na linggo. 

Kasama niyang dumalaw sa kulungan si Antonette. Ang baby nila ay iniwan na muna nila kay Lara. Tutal naman ay doon sila maghahapunan mamya pagkagaling nila sa kulungan. Iniisip niya kung anong gagawin ni Lara pag sabay na umiyak yung tatlong baby. Malamang hindi nito alam kung sinong uunahin. 

Dadalawa pa naman sila ngayon sa bahay nila. Si Xander at si Lara. Nagleave si Xander ng two months para daw maalagaan at mabantayan nito ng maayos ang mag-ina. Samantalang siya ay piniling magtrabaho. Ayaw kasing magpatulong nitong si Antonette mag-alaga. Hindi rin naman daw siya nakakatulong. 

Natatawa siya. Naalala niya ang minsang pagpapalit niya ng lampin sa baby nila. Inutusan siya ni Antonette na siya na muna ang gumawa dahil magsasaing daw muna ito at magluluto ng ulam nila. Natapos na at lahat si Antonette sa pagluluto siya naman ay hindi alam kung ano ang gagawin.

"Oh, bakit napapangiti ka diyan?"malambing na tanong ni Antonette sa kanya. Nagda-drive siya papuntang Munti. 

"Wala lang. May naalala lang ako."sabi niya. 

"Hulaan ko. May gusto kang gawin sa akin noh?"tanong ni Antonette sa kanya. 

Itinabi niya ang sasakyan niya at dinukwang si Antonette. 

"Actually.."sinadya niyang ibitin ang salita at hinalikan ang mga labi nito at agad din namang lumayo. 

"Kanina pa kita gustong halikan,"sabi niya sabay kindat kay Antonette. Ni restart niya na ang kotse at nagmaneho ulit. 

"Madaya ka. Hindi ako prepared,"reklamo ni Antonette sa kanya. Nilingon niya ulit ito at napangiti. 

Nagtataka siya kung bakit ang bilis lang pumayat nito. Para kasing hindi ito nanganak eh, Para pa rin itong dalaga at hindi na ito mataba kagaya nung ipinagbubuntis pa nito ang baby nila. Maging si Lara ay ganoon din. Ilang linggo pa lang din itong nakakapanganak ay agad na bumalik ang dating katawan nito. Anong sikreto ng mga babaing ito?

Pagkarating nila sa kulungan ay agad silang hinarap ng ama-amahan niya. 

"Kumusta po kayo?"tanong niya. 

"Ito, okay lang. Lalo na at naisipan mo akong dalawin ngayon,"sabi ng kanyang Papa. 

"Pasensiya na po kayo at marami pa po kasi kaming inasikaso,"sabi niya. 

"Okay lang. Sino ba naman ako para magdemand ng time mo? Malaki pa nga ang kasalanan ko sa iyo eh,"sabi ng Papa niya. "Wala na yata akong pag-asang maging masaya sa buhay ko."

"Pa,"sabi niya. 

Pero pinatigil siya nito. Senyas na gusto nitong magsalita. 

"Masaya naman ako dati eh. Na naging mayaman ako. Pero pansamantala lang pala yon. Hindi pa rin buo ang saya ko dahil wala akong pamilya. Ikaw na lang ang pamilya ko pero naging masama pa ako sa yo,"sabi nito. "Pero Lars, aaminin ko, minahal kita bilang anak ko. Hindi ko lang iyon matanggap sa sarili ko dahil hindi iyon kasama sa plano ko,"pagpapatuloy nito. "Pero sa huli, karma pa rin ang nagwagi. Hindi nananaig ang kasamaan."

"Pa, wag kayong mag-alala. Nandito pa kami para sa inyo."sabi ni Antonette na ikinagulat niya. Hinawakan nito ang kamay ng Papa niya. "Hihintayin namin kayong makalabas dito. Marami po ang nagmamahal sa inyo."

Napatango ang kanyang ama-amahan. "Parehas kayo ng sinabi ni Xander sa akin. Maswerte ka anak sa mapapangasawa mo. Siya nga pala, gusto ko sanang makita ang mga apo ko. Kahit litrato ay bigyan niyo ako. Pakisabi na rin kila Lara na humihingi ako ng litrato ng kambal."

Napatango na lang sila. Parang tumanda ang kanyang ama-amahan ng ilang taon. Pumayat ito at nagbago na ang hitsura. Nag dating maitim na mata nito ay nalambungan na ng saya at liwanag. Halatang masaya ito kahit nasa kulungan. Wala na itong mabigat na dalahin sa puso nito. 

Umuwi sila ng araw na iyon na masaya. Dumiretso na sila sa bahay nila Lara at Xander para doon maghapunan. Pagdating nila doon ay natawa siya. Dahil dalwang bata ang karga ni Xander at hindi nito alam kung sino ang patatahanin ng umiyak din ang kanilang nag-iisang prinsesa. 

"Oh! Andito na pala kayo. Halika na at handa na ang mesa sa kusina,"sabi ni Lara. Hindi man lang nito pinansin si Xander na nahihirapan na sa pagpapatahan ng mga sanggol. 

"LAGRING!!!!!!"nagulat sila sa sigaw ni Xander. 

"Sino si Lagring?"tanong ni Antonette. 

"Ay naku,bago naming katulong dito sa bahay. Kumuha ako kanina dahil parang ang hirap mag-alaga ng kambal. Babalik na rin sa trabaho niya yang si Xander sa susunod na linggo. Hindi niya daw kaya ang two months leave."sabi ni Lara na inaayos ang mga plato nila. 

Pawisang pumasok ng kusina si Xander. 

"O, anong nangyari sa iyo?"tanong ni Lara. 

"Naku!! Ang kulit ng mga anak mo. Lalo na yung babae, ayaw tumigil sa kakaiyak,"reklamo ni Xander. 

"Eh bakit ang bilis tumahan kay Lagring."sabi ni Lara habang nilalagyan ng kanin ang plato ni Xander. 

"Hindi ko alam,"sabi ni Xander at nagkibit-balikat. 

"Ang sabihin mo, ang lakas mo kasi maghele. Halos lumipad na sa ere yung mga baby natin pag hinihele mo eh,"pangangantiyaw ni Lara. 

"Oy, hindi ah!"sabi ni Xander. 

Natawa na lang sila pareho ni Antonette sa dalawa. Kumain na lang sila habang ang dalawa ay nagpatuloy sa pagdada habang kumakain. 

HANGGANG DITO NA LANG MUNA. Haha. Pinapatulog na ako eh. 

Bukas ulit. :D 

VOTE 
COMMENT
BE A FAN if you like

YUDZ________________________

Errors and TYPOS are mistakes. Pagpasensiyahan na po, hindi ko maiedit at nakakatamad na po,. :D

The Virgin BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon