Alkia 27: Hope

Magsimula sa umpisa
                                    

Marahan akong tumango. "You're right. Hope is the only thing now that keeps us going," saad ko. Tinalikuran ko na siya. Pinunasan ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko at tinatagan ang loob. I ran to the woods and met with my group.

"I need to leave and find something for Silver. I'll see you at the last dungeons. Ice will be the temporary leader of Dark Fortress while I'm away," sabi ko sa kanilang lahat.

Nagulat si Ice at tila gustong magprotesta pero itinikom niya ang bibig niya.

"Some players don't want to participate anymore," saad ni Lux. "They want to go back to town. They are losing hope."

"Don't consider the least option. Gusto ba ninyong manatili habangbuhay sa larong ito? Persuade them. Boost their morale."

Hinila ko palayo si Ice sa kanila. Nag-usap kami malapit sa batis. Tumungo ako at tiningnan ang repleksyon ko sa tubig. Parang totoo talaga ang mga bagay sa larong iyon.

"Sorry kung iiwan ko ang lahat ng ito sa 'yo, Ice. Huwag mo munang hanapin ang kapatid mo. He'll show up soon. Hindi niya tayo pababayaan," saad ko.

Halata sa mukha niya ang pagkalito at pag-aalala. "Ano ba talaga ang nangyari kagabi, Zeus? Bakit bigla na lang siyang nagdesisyong umalis?" she said with frustration. I knew she was confused.

"Mas malala na ngayon ang nangyayari. Nakokontrol na sina Fire at ang iba pa nang hindi nila nalalaman. They're not aware of what's happening to their bodies. Hindi nila maalala ang mga ginagawa nila. It seems Fire decided to leave, because he doesn't want to harm us anymore," mahinang paliwanag ko. I put my hand on her shoulder. "Pero tiyak na magkikita pa rin kami pero hindi na sa paraang gusto ko. Sana may paraan na upang maibalik ko siya sa katinuan. Don't worry, I'll do everything to bring him back to us," I added.

She nodded with understanding. "Then I must put my trust in you," she said.

"Thanks. Gusto kong bantayan mo sina Scythe, Calix, at Scorpion. Katulad din sila ni Fire. At saka si Phoenix. Mag-ingat ka sa kanila. Hindi natin alam kung kailan sila kokontrolin. Send me updates. Kapag may kakaiba kang napansin sa mga kasama natin, sabihin mo agad sa 'kin. Angel will help you, too. I know you can lead. I'll leave everything to you now," saad ko sa kanya at bahagyang ngumiti.

She frowned to stop her tears from falling. "I don't want this position, but I'll do everything I can. Bilisan mo lang," sabi niya.

I smiled and hugged her. "Thanks. Bumalik ka na sa kanila para masimulan na ninyo ang mga quests."

"Sige. Mag-iingat ka," saad niya at niyakap din ako nang mahigpit.

I watched her walk away. Umupo ako sa batis at hinawakan ang malamig na tubig. I needed to go back to the town. I needed some information about an item that can revive a pet. Biglang may mga letrang lumitaw sa tubig.

Hang on. I'll see you soon, Dei.

I gasped. I was sure it came from my brother. Mabilis ding naglaho ang mga letra. I looked around. Agad akong tumayo at bumalik sa town.

Kumunot ang noo ko dahil sa ilang players na nagpapahinga sa bayan. Lumapit ako sa isang player.

"What are you doing here? What about your quests?" tanong ko. Hindi maipinta ang mukha ko dahil sa ginagawa nilang pagre-relax as if they had already accepted their fate.

"We quit. Imposibleng makalabas tayo rito," sagot ng isa.

I sighed in dismay. "No. You need to fight. We need you at the last set of dungeons. Your level doesn't matter. Just fight until the end," sabi ko. I bit my lip. I didn't have the time to persuade them. Tinawanan lang nila ako, but I kept myself calm.

Alkia Kingdom RebornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon