Alkia 15: West Gatekeeper

5.3K 301 9
                                    


Ibinaba ni Sky si Silver na napansin ni Ice. Namilog ang mga mata niya at agad na lumapit dito. Nanggigigil na pinisil ni Ice ang mukha ni Silver kahit halatang hindi natuwa ang huli.

"Ang cute!" matinis na wika ni Ice.

"Who's this woman?" tanong ni Silver

"Ang suplado mong bata ka! I'm Ice," nakangising pakilala ni Ice.

"You're hurting me," Silver commented, hindi man lang pinansin ang pagpapakilala ni Ice. Sumimangot si Ice pero niyakap din si Silver. Naupo sila sa lupa. Silver was sitting on her lap. Kinikiliti ni Ice ang tainga ni Silver. Silver bit his lower lip but suddenly, he burst out laughing.

"Who's your master?" excited na tanong ni Ice.

"That woman," Silver pointed at me. Sumimangot ako sa itinawag ni Silver sa 'kin.

"I'm your master, Silver," paalala ko.

"I know, human."

Malakas namang tumawa si Ice. "What a rare pet!" komento ni Ice.

"Bakit? Wala ka bang nakalaban habang papunta rito?" tanong ko.

"No. I just encountered some random wild beast," nakangusong sagot niya. "Unfair. Bakit ang suwerte mo?"

"Nagkataon lang." Napansin ko ang paglapit ni Cember kay Sky. Lihim akong sumimangot.

"Ayos ka lang?" tanong ni Cember kay Sky. Sky nodded. "How about you? Let me see your cuts," tanong ni Sky habang nakatingin sa mga hiwa ni Cember sa braso't pisngi. Ugh! Agad akong lumapit kina Ice. Hindi man lang niya napansin ang mga sugat ko kanina pero 'yong kay Cember pinansin niya!

"Nakasabay mo rin si Cember sa daan?" bulong ko kay Ice.

Lumingon si Ice sa direksyon nina Sky at Cember at nakalolokong ngumisi. Bumaling ang tingin niya sa 'kin. "Yes. Mukhang may nagseselos," mahinang pang-aasar niya.

"Sana pinagaling na lang niya ang sarili niya," sabi ko. "You got bruises, too. Sky didn't notice?" nang-aasar pang bulong ni Ice.

"Si Silver ang napansin niya," naiiling na sabi ko. Malakas na tumawa si Ice kaya napalingon sina Sky at Cember sa 'kin. I looked away. I hated it when I couldn't control my jealousy. I shouldn't feel that way.

"Itali mo na kasi," bulong ni Ice.

"Anong itali? Sa puno? Ibibitin nang patiwarik?" inis kong bulong.

"Marry him. By then, you have the right to be angry and jealous," natatawang sabi niya.

"Ice, kahit pakasalan ko siya, wala pa rin akong karapatang magalit o magselos. This is just a game."

"Himala. Hindi ka na nagde-deny. I'm so proud of you! Pero seryosong advice, gawin mo nang boyfriend sa totoong buhay para may karapatan ka na," natatawang sambit niya.

I hissed. "Seryoso ba 'yang advice na 'yan?"

"Seryoso 'yon," she smirked. Kinikiliti pa rin niya si Silver at tumatawa pa rin ito habang iwinawagayway ang mga buntot sa hangin. I sighed heavily. Imposibleng mangyari ang advice niya.

"Sa tingin ko, may gusto si Cember kay Sky. Nagpapasimple lang pero dumidiskarte," bulong pa ni Ice. But I wouldn't listen. Kung may gusto si Cember kay Sky, wala naman akong magagawa. Hinaplos-haplos ko na lang ang buntot ni Silver.

"Anong pinagkakaguluhan ninyong dalawa?"

Agad kaming lumingon ni Ice sa likod. Fire was grinning at us. Dumating na siya kasama si Zeal. Kaswal na lumapit si Zeal kina Sky.

Alkia Kingdom RebornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon