Alkia 1: Virtual Gates

23K 914 292
                                    


Namaga na ang mga mata ko dahil magdamag akong gising at naglaro. Mahirap talaga kapag naadik sa online games. Hindi ko matigilan hangga't hindi ko natatapos ang mga quest at hindi mataas ang level ko. I missed playing games due to work. I was an online game designer, manager, and sometimes, a white hacker.

My brown hair, which had soft curls towards the ends, was tied in a messy bun; my full bangs with choppy ends was clipped to one side. I was still in my pajamas. I was playing three accounts simultaneously to finish a party quest and defeat the dungeon master. Faye and Frey were still busy, so I had to finish the game on my own. Good thing there was an autoplay mode. There were three big monitors in front of me.

Halos mapalundag ako sa kinauupuan nang biglang bumukas ang pinto ng silid ko. Ako lang ang tao sa bahay at sinigurado kong nakatarangka ang mga pinto. Napanganga ako. Ang magaling kong kapatid ay nakasandal na sa hamba ng pinto. Himala! Umuwi siya sa bahay!

"Nag-aadik ka na naman," nakangising sabi niya kaya't lumutang ang mga beloy niya sa magkabilang pisngi. His backpack was hanging from his right shoulder, and he was wearing a white shirt and ripped jeans. His caramel eyes were still sleepy and his hair was messy.

Pumasok siya sa silid ko at pabagsak na humiga sa kama. "Wala kang trabaho?"

Hindi pa rin ako makapaniwalang umuwi siya sa bahay kaya noon ko lang nahanap ang tinig ko. "Bakit ka umuwi, Darren Raven? Magugunaw na ba ang mundo?" tanong ko.

"Hello rin sa 'yo. Na-miss kita, Dei," pang-aasar na bati niya sa 'kin. Mahina akong tumawa, padambang tinalon siya sa kama at niyakap. Ilang taon na ba kaming hindi nagkikita?

"Bakit ka nga umuwi, Kuya? Siguro natanggal ka sa trabaho," pang-aasar ko sa kanya. Malutong siyang tumawa habang pilit na inaalis ang kamay kong nakayakap sa kanya.

"Nandito na ang trabaho ko kaya sa bahay na muna ako," sagot niya.

Lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya. Ibig sabihin, may tagapagluto na ako habang naglalaro ako ng online games!

"Hindi ka pa naliligo! At halatang hindi ka pa natutulog," pang-aasar niya sa 'kin. "Saka mahiya ka naman sa bisita natin," natatawang dagdag pa niya.

Nagsalubong ang kilay ko. "Sinong bisita? Girlfriend mo? Mag-aasawa ka na?" sunud-sunod na tanong ko. Umayos ako ng upo.

"Anong asawa? Baliw! Maliban na lang kung makakita ako nang mas sexy sa laptop ko. Katrabaho ko ang kasama ko. Lalaki. Si Prius," sagot niya. Bumangon na rin siya, inayos ang nagusot na damit. Sinuklay rin niya ang buhok niya. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mga muscles niyang humapit sa damit niya gayong mukhang hindi naman siya nagwo-workout.

Prius? Napaawang ang labi ko nang maalala ang email. Bumundol ang kaba sa dibdib ko. "Prius Wiley?" I asked him without thinking.

Lumalim ang gatla sa noo ni Kuya Darren. "Nabanggit ko na ba siya sa 'yo? O naalala mo lang siya?" takang tanong niya.

Anong naalala? Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.

Napaisip ako. Hindi kaya na-hack ni Kuya Darren ang email ko? Ang weird. Kahapon ko lang natanggap ang email at ngayon, bisita pa namin siya sa bahay.

"Dito muna siya titira hanggang matapos ang trabaho namin," sabi ni Kuya Darren. Tumayo na siya. "Matulog ka na. Kung gusto mong maglaro, pwede mong hamunin si Prius. Mukhang mas magaling siya sa 'yo," makahulugang sabi niya. Nakangisi siya na tila inaasahang maasar ako.

Sumimangot ako at kumumpas sa hangin upang itaboy siya.

"Good night," he grinned. I saw his silver earring on his right ear bago siya lumabas at ini-lock ang pinto. Hindi ko siya magawang tanungin tungkol sa email. He's not the type to hack emails. That was too cheap.

Alkia Kingdom RebornDonde viven las historias. Descúbrelo ahora