Alkia 12: East Gatekeeper

6.3K 317 7
                                    


Makahoy sa buong palagid at sobrang tahimik. May isang balon sa pinakagitna ng kakahuyan. Ang balong iyon ang magsisilbing daan patungong Lost City. Nang tumingin ako sa pinakailalim nito, may pabilog at kulay asul na liwanag doon, a portal.

Nagkatinginan kaming lahat. I nodded to all my members. Our only choice was to jump and take the risk. It was the only way to know what was beyond that portal.

Ako na ang unang tumalon sa portal. Colorful lights surrounded me until I fell down safely on the ground. Madilim sa binagsakan ko. Tumayo ako at tumingin sa buong paligid. Sunod na dumating ang iba kong kasama.

There was a full moon. Pakiramdam ko, nasa ibang mundo at panahon ako. Napansin ko ang mga punong nalagasan na ng mga dahon. Tuyo ang mga halaman sa buong paligid. Everything was lifeless.

"Do you think we can find the lost?" natatawang pagbibiro ni Ice.

"Whether it's lost or not, we must find it no matter what," saad ko. Pinagmasdan ko ang mapa. Napansin ko ang apat na daan sa harapan namin. Maraming sanga-sangang daan sa mapa. Sa pinakagitna nito ay naroon ang lugar na may markang ekis. It was the Lost City. Alam kong hindi madaling hanapin ito dahil sa napakaraming daang tila paikot-ikot lang.

"Where do we go now?" tanong ni Angel.

Napansin ko ang apat na kulay ng signboard: red, blue, green and yellow. May nakalagay na Lost City sa karatula pero lahat sila ay nakaturo sa iba't ibang direksyon.

"According to Death, it doesn't matter what path we choose. As long as we defeat every gatekeeper, we will be able to find the Lost City," saad ko.

"So we will just pick any color?" tanong ni Phoenix.

I nodded. "Let's pick the blue one," excited na sabi ni Ice.

Nagkatinginan kaming lahat pero tumango rin naman. Nang makatapak kami sa daan kung saan nakaturo ang asul na karatula, biglang nawala ang tatlong daang natitira. Napansin naming lahat ang linya ng mga salitang lumitaw sa karatula.

"Once a decision is made, there's no turning back," basa ni Fire sa karatula.

Hindi ko alam kung dapat ba kaming kabahan. Nang lumingon ako sa likod, wala nang kahit anong daang naghihintay sa 'min. Our only choice was to continue.

"Let's go," matapang na saad ko. "Focus on our goal."

Hindi ko napansin kung gaano katagal kaming naglakad. Walang kahit ano sa paligid kundi ang madilim na daan, bilog na buwan, tuyong mga halaman at puno. Alerto kami dahil baka may mga halimaw na biglang sumulpot. It was too quiet.

Lahat kami'y natigilan. Tila may mga anino sa likod ng mga puno na nagmamasid sa bawat kilos namin. Pero natatanaw na rin namin ang isang malaking gate. May "East" na nakalagay sa pinakaunahan ng gate. Napatapat yata kami sa East Gatekeeper.

"Continue walking," saad ko.

"But—" utal ni Ice dahil sa mga sumusunod sa 'min.

"It's fine. Kung balak nila tayong sugurin dapat kanina pa nila ginawa. And we need to move forward," saad ko. Isa-isa ko silang tiningnan. Nahagip din ng paningin ko ang mga pulang matang nakatingin sa 'kin. Nasa likod ito ng isang puno pero nagpanggap akong hindi ko ito nakita.

"I have a bad feeling about this. We're not sure what's waiting for us there," mahinang sabi ni Ice.

"But we have to be brave to face the unknown. Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan," sabi ko. Iyon ang unang pagkakataong nakita ko ang takot sa mga mata ni Ice.

Alkia Kingdom RebornWhere stories live. Discover now