Humiwalay ako dahil nakita ko ang Daddy niyang si Tito Kobe. Niyakap ko din siya.


After no'n ay naglakad kami nila Bryan, pati nila Kuya.


"David, gusto mong sumama?", rinig kong tanong ni Kuya.


He look at me and I smile. Kaya tumango siya.


"Sige..." at naglakad na kami papunta sa likod.


At nagulat ako dahil may silencer, bow and arrow at mga arnis dito.


Patag kasi ang lugar na ito. Bermuda grass kaya maganda ang mag-ensayo dito. Isa pa ay private ang subdivision na ito na pagmamay-ari ng pamilya ni David kaya walang nagte-tresspassing dito.


Mukhang magiging masaya ang araw na ito.


David's POV


Lalapitan ko pa sana si Sabrina pero may lumapit sa kaniyang hindi ko kilalang lalaki at nag-yakapan sila.


Tss... Bakit ba sila ganiyan? At sa harapan ko pa?


"David, gusto mong sumama?", tanong ni kuya Lei. Kaya nabaling sa kaniya ang tingin ko.


Tiningnan ko muna si Sabrina dahil alam niya akong kasama ngayon pero ngumiti lang siya sa akin. So it means...


"Sige..." at naglakad kami patungo sa likod.


Buti na lang at close ko na si Kuya Lei at Kuya Rex, samantalang si kuya Red ay hindi pa. Hindi ko rin kasi siya nakikita dito sa subdivision. Nakakalaro ko kasi sa basketball sila Kuya Lei at Kuya Rex, samantalang si kuya Rex daw ay workaholic.


Lakas ko maka-kuya 'no? Siyempre, magiging bayaw ko na rin sila someday eh.


Nang tingnan ko sila Sabrina ay ang saya-saya nilang dalawa, yong tipong akala mo ngayon lang si nagkita ulit after a few years.


"Aah kuya Lei, sino nga pala yong kasama ni Sabrina?", tanong ko na kay Kuya Lei. Naiinis na kasi ako.


Alam niyo yon... Naka-selos na.


"Aah ayon ba... Kababata yon ni Sabrina. Ngayon lang kasi ulit sila nagkita kaya ganiyan... Hahaha..."


So, kaya pala sila ganiyan.


"No'ng second year high school si Bryan at si Sabrina akala nga ng buong pamilya nang dalawa ay may relasyon yang mga yan. Pero tinawanan lang kami no'mg dalawa. And they told us that they were friends." at tiningnan namin silang ang saya-saya nga. Mukha na silang may relasyon. "Pero kasi diba ganiyan ka-close?", tumango naman ako.


Kapag ba nawala ako ng matagal na panahon ay mami-miss din kaya ako ni Sabrina?


Nang makarating kami nsa likod ay nagulat ako dahil may baril, bow and arrow at arnis.


Anong gagawin namin dito?


"Ahh... Kuya bat may baril?", tanong ko. Baka mamaya makalabit ko pa yan at maya-maya ay puntahan kami ng pulis.


"Ito ba?", sabay kuha ni Kuya Lei ng baril at kinasa ito.


Totoo ba yon? O pillet gun lang?


At binigay din sa akin. At...


Mabigat... Sobrang bigat...


Pulis si Sabrina diba? Edi lagi niyang hawak ang ganito kabigat na mga baril? Anong kamay ba meron sila?


New Romantics | Completedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें