Alkia 24: Black Dragon

Start from the beginning
                                    

Inasinta ko ang ulo nito habang lumilipad ito patungo sa 'kin. Hindi na ito nakailag dahil natigilan ito sa nakasisilaw na liwanag. I grabbed the chance to land another critical blow. Nahulog ito sa lupa. Nang mawala ito ay agad na akong tumakbo patungo sa dungeon. Tapos na rin ang lahat at nagmadali na rin sa pagtakbo.

The bones on the island were forming another set of black dragons. Iniwasan namin ang mga ito at tumakbo diretso sa dungeon. Masangsang ang amoy doon. Ang ilan sa 'min ay nakatakip ang kamay sa ilong.

"Natapon ang pabango mo, Zero baby," pang-aasar ni Ice kay Zero. Nagtawanan kami.

"Ice baby, nakalimutan mo ba? Hiniram ko ang pabango mo. Sobrang bango pala," natatawang saad ni Zero.

"'Yon ba? Galing 'yon kay Zeus, e," nakangising saad ni Ice. Napailing ako pero natawa na rin.

"Si Sky ang nagbebenta noon," pagsakay ko sa kanilang dalawa. Napalingon kami kay Sky dahil interesado kami sa sasabihin niya.

"Sa 'yo ko lang ibinenta 'yon, wife. Bakit mo ibinigay sa iba? Ganyan kalala ang pagmamahal ko sa 'yo," natatawang saad ni Sky.

"Aba! Matindi!" natatawang sabi nina Zero at Ice.

"Medyo agresibo ang pagmamahal mo, Sky," nakingising saad ni Ice.

Napailing na lang ako sa kanila. Nauna na akong naglakad, kasabay si Sky. Pinagmasdan naming maigi ang buong paligid. May kadiliman sa loob ng kuweba at medyo malawak. Medyo basa ang lupa. Sa dulo ng lagusan ay may nakita kaming malawak na lupang may batis sa gitna. No. Hindi na ito matatawag na batis dahil madumi na ang tubig nito. Maitim na at may mga nakalutang na patay na isda.

Mas madilim doon. Pero sa kabilang bahagi ng batis ay may isa pang lagusan. Tiyak na iyon na ang daan palabas sa kuweba. Hindi namin makita ang dragon. Bigla akong kinabahan at naghanap agad ng mga buto sa paligid. Baka bigla na lang itong sumulpot sa kung saan. May mga nagkalat na buto sa iba't ibang parte ng kuweba. O maaari ring buo na 'to pero hindi pa lang nagpapakita.

Tumaas ang mga balahibo ko. I felt someone was watching us.

"The boss is just around somewhere...waiting," saad ni Sky. Mukhang napansin din niya. "Be alert!" he reminded us. Malawak at madilim sa kuweba kaya mahirap hanapin kung nasaan ang dragon.

"For now, let's stick closer to each other," saad ko. "Let's form a small circle while watching every corner of this cave," suhestyon ko. Sumang-ayon sila. We formed a small circle, alert of everything. Maririnig ang mahihinang patak ng tubig sa lupa at sa batis galing sa itaas ng kweba. We waited for minutes.

May narinig kaming malakas na pagtawa pero hindi namin matukoy kung saan nanggaling. I held Sky's hand and slightly squeezed it.

"Our goal is to reach the top. Let's survive this dragon island," saad ko.

He squeezed back my hand. "Let's survive until the very end of this game," he said.

I nodded. "Silver, I will need your help soon," seryosong saad ko.

"Sure," Silver answered.

Suddenly, the dragon's claws hit one of our members from the left. Agad kaming gumalaw upang palibutan ito. Mabuti na lang nakaiwas si Angel sa pag-atake ng dragon. Scythe moved first. Tumalon siya at sumakay sa likod ng dragon. The dragon had three great horns. Kumikintab ang maitim nitong balat. Maganda at malaki ang mga pakpak nito pero mahahalata ang mga buto nito. Mahaba at tusok-tusok ang buntot nito. Malalalim ang itim na mga mata at mahaba ang leeg.

Scythe tried to stab the dragon's back but the dragon was faster than her. Ihinampas nito kay Scythe ang buntot. Lumipad si Scythe at malakas na tumama ang likod sa haligi ng kuweba. Mas malakas at mabilis ito kumpara sa mga dungeon boss sa ibaba.

Alkia Kingdom RebornWhere stories live. Discover now