Alkia 24: Black Dragon

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang makalayo ako sa kanilang dalawa, matiim ko silang tiningnan at pinag-aralan. Mahigpit na hawak ko ang bow. Magkatabi ang dalawang dragon habang nakatingin sa 'kin at naglalaway.

Nag-unahang tumakbo ang dalawang ito sa 'kin. Mabilis akong tumakbo upang salubungin silang dalawa. Before I could reach them, I jumped in the air. I hit them with meteor of death. Bumaba ako sa isang katawan ng dragon. The other dragon tried to hit me with its sharp claws, but I avoided it. Ang natamaan ay ang kasama niyang dragon.

Nagalit ang dragong ito sa ginawa ng kasama kaya marahas na hinampas din nito ng matutulis na kuko ang kasamang dragon. Kinagat pa nito ang leeg ng dragon na gumanti na rin. Galit na galit ang dalawang dragon sa isa't isa at gusto nang magpatayan.

Bahagya akong lumayo sa kanilang dalawa habang ihinahanda ang palaso ko. Inasinta ko ang ulo ng mga ito. I launched my bloodlust arrow twice and hit their heads with critical hits. Napaungol nang malakas ang dalawang dragon. Hindi pa rin nila tinitigilan ang pagkagat sa isa't isa.

Ang isa sa kanila ay galit na itinumba ang kasama sa lupa at pinagkakalmot. Agad na tumingin ang dragon sa 'kin pagkatapos. Nakakalokong ngumisi ako. Agad na tumakbo ang dragon na ito sa 'kin. Sunod-sunod na tinira ko ito ng mga palaso habang tumatakbo palayo. Bumangon ang natumbang dragon at lumipad patungo sa dragong nagpatumba rito. Good.

Everyone was busy fighting the other dragons. Magkasama sina Silver at Sky. Silver was just watching Sky fighting a dragon. I was glad he followed orders. I would need his strength soon. Maybe inside the dungeon.

Sumakay sa likod ng dragon ang pinatumba nito at kinagat ito sa leeg. Nagpumiglas ang dragon at kinuha ko ang pagkakataon upang paulanan ng palaso ang isa sa kanila. Hindi ko pinatamaan ang dragon na nakasakay sa likod nito. I still needed its strength.

"Everyone! Head to the dungeon as fast as you can. Marami pang nakakalat na buto sa paligid. Tiyak na mabubuhay pa ang mga ito," utos ko sa kanila. Ang ilan ay tumakbo na patungo sa dungeon habang umiiwas sa pag-atake ng mga dragon.

Naglaban ang dalawang dragon at nagpagulong-gulong sa lupa. Ako naman ay patuloy sa pagpapaulan ng palaso sa isa sa kanila. Ilang segundo pa ay naglaho na itong parang bula.

Sugatan ang dragong natira pero pinilit nitong tumayo at mabagsik na tumingin sa 'kin. I had no choice but to run away for a while. Isang tira na lang at magku-cool down na ako. Mabilis na tinira ko ito ng natitirang lakas ko. Kaso nakalipad na ito kaya naiwasan nito ang atake ko. Tumakbo ako patungong dungeon. Nasa kalagitnaan pa lang kami ng isla. I needed to buy time for myself. Halos lahat kami ay tumakbo na dahil sa cool down namin.

But the dragon was fast. Nang lumingon ako ay na sa likod ko na 'to. Inihampas nito ang buntot. Agad akong tumalon pero hindi ko naiwasan ang kuko nitong bumaon sa tagiliran ko. Malakas akong napasigaw. Tumalsik ako at gumulong sa lupa.

I gathered all my strength to stand up and run until the cool down was over. I recharged my mana energy and ran. I was bleeding badly. Hindi pa rin ako tinigilan ng dragon.

"Zeus, are you all right?" tanong ni Sky.

"With all these wounds, do you think I'm all right?" nagbibirong tanong ko sa kanya. "But don't worry, I'll manage. How are you?" I asked.

"Dying," he said and laughed. I frowned. His voice was too cheerful to be on the verge of death.

"Yeah. Die now," pagbibiro ko sa kanya. Ihinampas na muli ng dragon ang buntot nito sa 'kin pero naiwasan ko.

"Sweet. Love you, sweet wife," he laughed. I smiled. May oras pa talaga kami sa pagkukwentuhan. Patapos na pala ang cool down ko sa loob ng limang segundo. Ihinanda ko na ang bow ko at hinarap ang dragon pagkatapos ng limang segundo.

Alkia Kingdom RebornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon