Alkia 22: Blue Dragon

Magsimula sa umpisa
                                    

Silver bit the dragon's neck. Nabitawan ng dragon ang balikat ko. Pinilit kong tumayo. I couldn't use my arm properly. Bumagsak si Silver at ang dragon sa gilid ko. Hindi pa rin inaalis ni Silver ang kanyang mga pangil sa leeg ng dragon. Pumapalag naman ang dragon. I had to heal myself right away.

I needed to finish that as soon as possible. Kailangan naming mabuo ng mga kasama ko upang mas madali ang paglaban. Agad kong inatake ang isa pang dragon. Kalahati na lang ang HP nito. When I was completely healed, I hit the dragon in the head. Agad itong lumipad sa direksyon ko. I ran while hitting the dragon in its stomach. It screamed in pain.

Tinangka nitong kagatin ang braso ko pero agad akong gumulong sa lupa. I hit it again with meteor rain. Napaungol ito. Hindi na nito nagawang iwasan ang mga palaso. Buong lakas na humampas sa direksyon ko ang buntot nito.

Nagawa kong kumapit sa buntot nito. Agad akong gumapang patungo sa likod nito habang malakas nitong iginagalaw ang buntot upang ihulog ako. Nang magawa kong makasakay sa katawan nito, sunud-sunod na nagpakawala ako ng mga malalakas na palaso hanggang tuluyan itong maglaho. Agad akong tumakbo kay Silver upang tulungan siya.

Nakikipagbuno pa rin siya sa dragon at sugatan na. Agad kong tinira sa ulo ang dragon nang sunud-sunod. Nang mawala ito ay agad akong tumakbo kay Silver. May mga sugat siya sa tagiliran at binti. He was bleeding badly. There was a special item to heal pets, too. Agad kong ginamit ito sa kanya.

"Where are they?" I asked him. Tumingin siya sa isang madilim na daan. Ang ilan sa mga kasama namin ay lumalaban pa sa mga dragon. Sugatan na sila. Hindi madaling kalabanin ang mga dragon. Mabuti na lang, nagliliwanag ang mga gemstones sa mga sandata namin kaya medyo nakita ko ang paligid. Lima sa mga kasama namin ang nakikipaglaban. Hindi ko pa nakikita sina Zero, Sky, Queen at ang mga ka-party ko. Agad akong tumayo. Dahil medyo mababa na ang mga HP ng mga dragon ay tumulong na kami ni Silver hanggang sa matalo namin ang mga ito.

"Where's Sky?" tanong ko kay Silver. He didn't speak. He just ran towards the dark path. Agad kaming sumunod sa kanya. Hinihingal kami nang makarating sa isang madilim na lagusan kung saan may matutulis na lupang nakausbong sa itaas at ibaba nito. Maingat kaming pumasok sa loob. Nandoon nga sina Sky. Duguan na sila at katatapos lang nilang makipaglaban sa mga dragon. Bahagyang ngumiti sa 'kin si Sky nang makita niya ako. I smiled back. I was happy to see him, too.

Nakaupo sina Zero sa isang tabi. Walang malay na nakahiga si Ice sa hita niya. Ginagamot ni Fire si Ice. My heart beat fast with worry. Marami sa mga kasama namin ang sugatan at wala ring malay.

Lumapit ako kay Sky. "Anong nangyari kay Ice?" tanong ko.

"She saved Phoenix. Maraming dragon ang umatake kay Phoenix. More than ten. Silang dalawa ni Ice ang magkasama bago pa kami dumating. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nangyari. Pagdating namin, sugatan na si Ice. May sugat din si Phoenix pero hindi ganoon kalala. Gusto ko ring malaman ang mga nangyari pero hindi ko alam kung paano tatanungin si Phoenix. He seemed guilty that he was not able to help Ice that much," he answered.

Iginala ko ang paningin ko. I could see Phoenix in the corner. He seemed down and lost. Binilang ko ang mga kasama namin. Kumpleto kaming lahat.

"Kung lampas sila sa sampu, hindi nakapagtataka ang nangyari. He doesn't need to blame himself," saad ko.

Naglakad ako patungo kay Phoenix. He looked up when he noticed my presence. I smiled kindly at him. Nakita ko ang lungkot at pagsisisi sa mga mata niya.

"It's not your fault, Phoenix. It's no one's fault. Hindi natin ginusto ang mga nangyari. What's done is already done. All we can just do is move on and become better," saad ko.

"Kung hindi niya ako iniligtas, ako sana ang nasa kalagayan niya ngayon. Hindi niya dapat ako iniligtas" mahinang sabi niya.

"Kilala ko si Ice. Hindi niya maaatim na pabayaan ang mga taong napapahamak. She knows that this is a game but not a simple and dull one. Inside this game, we can feel everything. We can be happy. We can feel sadness. We can feel pain. We can grieve when we lose someone or something we cared for. Hindi ito katulad ng ibang laro kung saan nasa harap lang tayo ng computers habang naglalaro at kahit na mamatay ang mga characters natin ay wala tayong pakialam dahil hindi tayo nasasaktan. Inside this game, we are playing as if this is the real thing. And we can't help but care," nakangiting saad ko. "You don't have to worry."

Alkia Kingdom RebornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon