Alkia 7: Party Quest

Magsimula sa umpisa
                                    

I looked around. Napansin kong nahihirapan na ang mga killer bears. Hindi pa ganoon kataas ang mga levels nila. I studied their every move.

May isang killer bear na handa nang umatake mula sa likod ni Ice. I hit it with my arrow. Malakas na ang impact nito dahil nadagdagan ang level ko. Kailangan ko na talagang magpagawa ng sarili kong bow para mas lumakas ang tira ko.

Tumalon si Ice palayo. Nadagdagan na rin ang level niya. "Thanks," she said. Natalo na niya ang killer bear na inatake niya.

I watched everyone. Scythe, a slayer, looked like an Amazon. Bumabaon ang espada niya sa oso sa bawat pag-atake niya. Mabuti na lang, naiwasan niya ang mga matatalim na kuko nito.

Angel, a bard, used her music to deceive the bears. May ilang segundong na-mesmerize ang bear na kaharap niya. Ginamit niya ang pagkakataong 'yon upang atakihin ang killer bear. Samantala, Fire attacked them with fire. He also shielded himself with fire walls.

Kumunot naman ang noo ko nang makita si Phoenix. Walang kahirap-hirap na tinalo niya ang mga killer bear. He used an enormous power again. Natitiyak kong mas malakas pa iyon sa kapangyarihang nailalabas ng level ko. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha 'yon. He struck the bears with powerful bolts of lightning. I wondered how he could do that. Buffs? It's impossible to cheat inside the game, right?

They're almost done. Natanaw ko na rin ang isang kuweba. Bumaba na ako nang matapos nila ang laban. Ang problema, natunugan din kami ng iba pang bears na nagsimula nang lumapit sa 'min.

"Don't fight. Run straight to the dungeon now," sabi ko.

We ran as fast as we could. Iniwasan namin ang killer bears. Nang makapasok kami sa kuweba, hindi na sila sumunod. Umungol lang sila nang napakalakas. Maybe they were calling the attention of the boss.

Mainit at madilim sa loob ng yungib kaya halos hindi namin makita ang daan. Nagsilbing liwanag ang mga gemstones sa mga sandata namin. May natanaw kaming isang lagusan. Mula roon ay may makikitang kulay lilang liwanag. Siguro sa dulo noon makikita ang dungeon boss.

"Maghanda kayo," sabi ko. Isa-isa kaming pumasok sa loob. Nang makapasok kaming lahat, isang malaking bato ang gumulong at tumakip sa lagusan.

Hindi kami makaaalis doon hangga't hindi namin natatalo ang dungeon boss. Wala na kaming kawala. May apat na ilawang apoy sa bawat sulok ng kinaroroonan namin. Kulay lila ang mga apoy pero madilim sa mga gilid. Hindi pa namin makita ang dungeon boss.

"Ilag!" sigaw ko nang makita ang isang kumikislap na bagay na lumipad patungo sa amin. Tumalon kami palayo upang umiwas. Nahati kami sa dalawang grupo. Malalaking kukong tila patalim ang lumipad patungo sa 'min. Bumaon ang mga ito sa pader.

May nakadugtong na mga kadena sa mga kukong ito patungo sa madilim na bahagi. Mula roon ay lumabas ang dungeon boss. Nababalutan ng makapal na bronze armor ang katawan at ulo nito. Hinila nito pabalik ang kanyang mga kuko. Mahahaba rin ang mga pangil nito at nanlilisik ang mga mata. Naglakad ito patungo sa pinakagitnang bahagi. Itinago ko ang kabang naramdaman.

"We have to destroy his armor first. Avoid his attacks and switch positions when I tell you. Ice, ikaw muna ang sumugod sa kanya. Sa iba, palibutan ang boss at sabaysabay na atakehin kapag nakontrol na ni Ice ang aggro. Move!" utos ko sa kanila.

Pinalibutan agad namin ang boss. Hindi nito alam kung saan lilingon. Sabay-sabay namin itong inatake. Hindi namin inasahang kaya pala nitong tumalon nang mataas. Naiwasan nito ang mga tira namin. Pinalipad nito ang magkabilang patalim na kuko kina Ice at Angel habang nasa ere pa.

Hindi na ako nag-alala kay Ice dahil mabilis siyang kumilos. Agad kong pinakawalan ang pana ko at pinatama sa kukong aatake kay Angel. Tumalsik ito sa malayo. Agad lumayo si Angel sa boss. Ice started to control the boss's aggro and attack kaya't hinabol siya nito.

Alkia Kingdom RebornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon