Rey P.O.V.

Matapos kong masapak si Rence at iniwan sya sa park ay parang may kung anong konsensya akong naramdaman, awa, pagkalito.. Bakit hinayaan ko syang halikan ang aking mga labi, pero sa di ko sinasadyang pangyayari ay tinulak ko sya at sinapak. Nakita kong dumugo ang ilong neto.. Di ko talaga sinasadya dahil nagulat ako sa kanyang ginawa.. Nabigla lang ako.. Umalis ako at pinabayaan si Rence sa kanyang pagkakatumba sa damuhan.. Alas otcho na ng gabi ay di pa umuuwi si Rence.. Gusto kong humingi ng tawad.. Pinagsisihan ko ang ginawa ko.. Bakit ganito.. Nag.aalala na ako kung bakit di pa sya umuuwi.. Ilang sandali pa ang lumipas ay biglang umulan.. "TUgggg.... Tuguuuuggg..." napakalakas ng ulan at  kidlat.. Labis akong nag.alala kay Rence.. Nagbantay ako sa labas ng gate.. Inaabangan ko sya sa gate kahit umuulan.. Basang basang ako ng ulan kahit nakapayong ako pero wala pa din akong Rence na nakikita.. Magtatlong oras na ang paghihintay ko ay napagdesisyunan kong pumasok nalang at nagpalit ng damit.. Hindi ako mapakali at labis akong nag.alala kay rence.. Hindi ako makatulog ng maayos kaya medyo lumalim ang aking mga mata kinaumagahan.. Hapon ng Sunday ay wala pa din si Rence.. Cguro talagang nasaktan ko sya ng sobra.. Di ko alam na may gusto sya sa akin.. Talagang pinagsisihan ko ang pananakit ko kay rence.. "huhuhuhu.. Rence.. sorry.. umuwi ka na.. san ka na ba.. sorry.." sa di ko inaasahan ay napahagulhol ako.. kung may anong biglang napansin akong nahulog sa kwarto namin.. "crack..." lumapit ako at tiningnan ko eto.. napansin kong picture frame eto.. Ng tiningnan ko kung kaninong litrato eto ay nakaramdam ako ng kaba.. Litrato ni Rence.. Napatulo luha ko.. Hindi ako mapakali.. "Sorry Rence.. saan ka na ba.." lumipas ang mga araw ay wala pa din akong nakikitang rence... Pati si Dave ay wala pa din.. Madami akong naiisip sa biglaang pagkawala ni Rence at Dave.. "nagtanan siguro ang dalawa.."
Makalipas ang isang linggo ay nakita ko si Dave.. Tinanung ko eto kung saan si Rence.. Anong nangyari sa kanya at bakit di sya pumasok.. Pero ang parating sabi sa akin ay busy kaya di pwedeng isturbohin.. Okay naman daw eto.. Halos araw araw kong tinatanung si dave kung nasaan si Rence.. pero ganun pa din ang sagot nya.. Busy at bawal isturbohin.. Talagang umiwas na sa akin si Rence.. Di ko naman masisisi sya dahil sa ginawa ko pero gusto kong bumawi sa kanya.. Nagsisisi talaga ako at gusto kong ipakita sa kanya na handa akong pagbayaran ang nagawa kong pananakit sa kanya.. halos araw araw akong nalulungkot sa pagkawala nya.. Nalulumbay.. ewan ko pero di pa din mawala ang guilt sa puso ko.. Lumipas ang mga araw, weeks, buwan at taon ay wala pa din si Rence.. Talagang tumatak sa isip ko na nakalimutan na talaga ako ni Rence pero ako ay babawi kapag magkikita kami ulit..

AFTER MORE THAN ONE YEAR

Rey P.O.V.

Sobrang isang taon na ay di pa din nawawala sa isip ko si Rence pero di ko naman pinababayaan ang pag.aaral ko.. Biyernes ay nag.announce ang guro namin na may dadating na mga students galing daw ng UK kaya magbibigay kami daw ng formal entrance at kami daw ang magdadala ng mga bagahe nila sa kanya kanyang room sa dormitory.. Medyo natutuwa naman ako dahil merong magbibisita sa amin ditong mga foreign students at di pa yan ay magtatagal sila ng tatlong buwan kasama kami sa training.. Talagang mahahasa ang English ko neto..

SATURDAY NG UMAGA

Rey P.O.V.

Maaga kaming ginising dahil ilang minuto simula ngaun ay dadating na ang mga students galing UK.. Naligo muna ako at nagbihis ng type B naming uniform.. Pagkatapos ay nagformation kami sa gate mismo.. Ilang minuto pa ang makalipas ay natatanaw ko na ang school bus namin.. Nakikita ko sa loob ng bus ang mga foreigner at nasisigurado ako na hindi basta bastang estudyante eto dahil ang special bus ang ginamit nila papunta dito na halos hindi pinapagamit sa amin dahil baka daw masira ang gamit sa loob ng bus at high-tech daw eto.. Nang huminto ang bus sa harap ng gate ay unti unting nagsibabaan ang mga foreign student.. Iba talaga kapay taga ibang bansa ka..Puro tisoy at mapuputi.. Talagang high breed talaga sila at iba ang aura nila.. Mga ilang Segundo pa ang makalipas ay kala ko bumaba na ang lahat sa bus.. Maya maya pa ay may napansin akong isang foreign student na nakapag.agaw ng atensyun ko.. Medyo kinabahan ako dahil parang namumukhaan ko sya.. Maputi sya, makinis, matangos ang ilong, blandi, maganda ang mga labi, maganda ang hubog ng katawan dahil fitted ang suot netong damit.. ang tikas ng tindig.. pero ng tiningnan ko ng maigi ang mukha ay naalala ko si Rence.. Tama kamukha nya si Rence.. Pero impossible dahil alam kong nagtagpo ang aming mga mata pero parang di nya ako naalala.. Pero talagang kamukha nya si rence at parang pareho sila manamit.. Di ko namalayan na nag.umpisa ng magbigay ng command ang leader ng aming platoon..
"Tiiiiiiiiiiiiiiiikaaaaaaaaaaaassssss nga!" ang utos ng leader namin.. (ang sigaw naming lahat "Huh!!!" ) "Paluuuwaaag!!!!!" ang sigaw ulit ng leader namin. (ang sigaw naming lahat "Huuuhh!!!) "Welcome UK Maritime school to MAAP Baguio Philippines..!!!!"
Pagkatapos magsalita ng aming presidente ay agad agad nagsilapit ang mga kasamahan ko sa mga foreign students.. Ewan ko ba di ako makaalis sa pwesto ko na parang napako ang mga paa ko at sige lang ako ng titig ng titig sa kamukha ni rence.. Mayamaya pa ay napapansin kong lumalapit sa kanya si Dave.. Inobserbahan ko kung ano ba ang gagawin ni dave at bakit sya lumapit sa kamukha ni Rence.. Bigla nya etong niyakap at niyakap naman sya ng kamukha ni Rence.. Nakinig ako sa pinag.uusapan nila at narinig ko ang tawag ni Dave sa foreign student eto.. "Rence..Kamusta ka na.." eto ang naririnig kong sabi ni Dave.. Pero pinakinggan ko ulit eto.. Rence nga.. si Rence nga.. kaya pala kamukha nya si Rence dahil si Rence nga sya at di ako nagkakamali.. pero bakit parang di nya ako nakikilala? Bakit parang nagbago sya.. talaga bang sobrang sakit ng ginawa ko sa kanya.. di ko winawala ang aking tingin kay Rence habang sinusundan ko silang naglalakad.. talagang mas lalo syang gumwapo at talagang mas lalong gumanda ang kutis nya at katawan nya.. Labis akong natutuwa dahil sa wakas ay nandito na sya.. Pero nakaramdam ako ng lungkot dahil parang hindi nya ako naalala.. parang di nya ako kilala.. sa lalim ng iniisip ko ay bigla kong nabangga si Dave.. Pero sige lang ako ng titig kay Rence.. Nagmamakaawa ako na kausapin nya ako.. pero parand di nya ako kilala.. gusto ko syang lapitan pero pinigilan ako ni Dave.. "Di pa to ang tamang oras Rey para kausapin sya.. tumigil ka Rey" ang sabi sa akin ni Dave.. Pero namimiss ko na talaga si Rence na halos mapaluhaluha ako.. Pumasok sina rence sa dormitory at ako naman ay titig ng titig sa kanya..
3pm na ng hapon ay napansin kong may nag.uusap sa labas ng room ko.. Pinakinggan ko to ng mabuti at may isang familiar na boses akong narinig.. Si Dave.. Pero ilang Segundo ang makalipas ay narinig kong sinambit nya ang pangalan ni Rence kaya dali dali kong binuksan ang pintuan.. "Rence!'' lumingon sa akin si rence.. akmang lalapit na ako sa kanya pero biglang pinigilan ako ni Dave..
"Excuse me.. Are you calling my name?" ang tanong sa akin ni Rence na kinalungkot ko.. Biglang pumula ang mata ko na halos ikatulo ng luha ko dahil di ako kilala ni Rence na para bang kinalimutan nya na ako.. "Anong nangyari sayo rence.. Bakit parang di mo na ako kilala..? Diba walang iwanan.. I'm your brother.. You're twin brother.." ang sabi ko nalang sa kanya.. "I really don't know you.. Sorry.. but I need to enter.." ang tanging sagot neto sa akin at biglang pumasok eto pero napansin kong hinahawakan nya ang kanyang ulo na parang sumasakit eto.. "Rey, di pa to ang tamang oras." Ang pagpipigil ni Dave sa akin..
Pumasok si Rence sa loob ng kwarto. Hindi ako nagpaawat kay dave kung bakit di ako kilala ni Rence.. ganun ba talaga kalaki ang galit nya sa akin.. bakit nagbago sya bigla at parang may tinatagong sikreto sa akin si Dave.. Talagang nagmamakaawa ako kay Dave para sabihin nya sa akin ang katotohanan.. Ayaw ko ng ganito.. Sobrang isang taon akong naghintay sa kanya tapos hindi pwedeng lapitan at kausapin.. Ano ba ang di ko nalalaman na di sinasabi sa akin ni Dave.. Sa di ko inaasahan ay napaluha ako at napaiyak.. "Dave.. huhuhuhuhu.. please.. tell me.. ano ang totoo Dave.. please.. huhuhuhu..." napansin kong naaawa na sa akin si Dave kaya kami ay pumasok sa aking kwarto para mag.usap... "Okay Rey, sasabihin ko na.. pumasok tayo sa kwarto mo at doon ko sasabihin sayo lahat lahat kung bakit di ka nakikilala ni Rence.." at dun na nga at pumasok kami at sinabi sa akin ang kanyang nalalaman.. Nakinig ako sa sinabi ni Dave at ako ay labis nalungkot, nagsisisi, at naguilty sa aking nalaman.. "Rey, may amnesia si Rence.. Temporary amnesia.. pero di lahat ay kanyang nakalimutan.. selective memories ang nawala sa kanya.  Isa ka at ang school na eto sa alaalang nawala sa buhay ni Rence.. Naaksidente si rence sabado ng gabi malapit sa park at sobrang lakas ng ulan ng mangyari ang aksidente.. Di namin alam kung bakit gabi ng sabado ay dun sya.. Sabi ng nakabangga sa kanya ay nakita nyang umiiyak si Rence at rinig nya pa ang sigaw ng pangalan mo bago eto mabanggaan... malala ang kalagayan ni Rence na akala namin ay ikamatay nya dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya.. Finorward sya agad agad sa Maynila dahil kulang ang gamit sa Hospital dito sa baguio.. Talagang parang halos mawalan kami ng pag.asang mabuhay si rence dahil may mga araw na biglang nag.aalarm ang life support nya at kailangan naming tawagin ang doctor.. Dahil sa lakas ng pagkakabangga ni rence ay nakomatos sya.. kailangan syang kalbuhin ng doctor.. pumayat ng sobra si Rence.. Rey... talagang nakakaawa ang sitwasyon nya sa mga araw na yun.. Wala syang malay for 3weeks pero after that ay nagkamalay sya.. Ng magising sya ay di nya makilala ako at ang kanyang  parents pero makalipas ang ilang araw ay agad bumalik ang memory nya tungkol sa amin.. tinanong ko sya tungkol sayo o sa school natin pero wala talaga syang maalala Rey.. Mahigpit na inutos ng mama nya na walang dapat makaalam neto kundi kami lang at president lang ng school natin.. Napagdesisyunan ng mama ni Rence na manirahan muna sa UK si Rence habang eto ay nagpapagaling.. Pero nagtagal sya sa UK kaya napag.isipan nya na pumasok sa isang maritime school doon sa UK.. Kahit binabanggit kita minsan sa kanya ay hanggang ngayon Rey ay di ka padin nya natatandaan..." ang pagpapaliwanag sa akin ni Dave. Biglang tumulo ang luha ko.. Nagsisi ako sa ginawa ko.. Bakit ko kasi sya sinaktan.. Sising sisi ako sa ginawa ako.. Ako pala ang may dahilan kung bakit di ako kilala ni rence.. Naaawa ako sa sinapit nya pero mas nangibabaw ang pagsisisi ko.. Dahil sa sinabi sa akin ni Dave ay naunawaan ko kung bakit di ako natatandaan ni rence pero gagawin ko ang lahat para makabawi  at para maalala nya ako.. Aaminin ko.. May gusto ako kay Rence pero natatakot ako dahil di ko pa maintindihan ang nararamdaman ko sa kanya at may gf ako hanggang ngayon..
Lumipas ang mga araw ay di pa din ako naalala ni Rence.. Magkasama kami ni Rence sa training pero di  talaga ako naalala neto na labis kinalungkot ko.. Nakikita ko ding masaya sya sa kaibigan nyang hilaw na si Louie at kay Dave kahit parang hindi na ako parte ng memorya nya.. Parang nagseselos ako dahil gusto ko ding akbayan sya.. Makipagkulitan sa kanya.. Paglutuan sya ulit, alagaan sya.. pero parang sa paglipas ng mga araw ay medyo mailap ang pagkakataong makausap sya dahil paepal etong kaibigan nyang hilaw na si Louie na kahit sa pag.ihi ni Rence ay talagang sasama sa kanya.. Kahit sundan ko man sya sa cr ay talagang pinapalayo sa akin ni Louie si Rence dahil cguro napapansin netong titig ako ng titig kay Rence.. Talagang hindi to umaalis sa tabi ni Rence na medyo kinainis ko.. Kahit sa mga activity nagkakataong magkagroup kami pero todo papansin etong si Louie na ayaw talagang makawala sa tabi ni Rence.. Akala mo unggoy na ayaw umalis sa pagkasabit dahil baka maubusan ng saging.. Kahit gusto kong lumapit ay talagang umiwas mismo sa akin si Rence kaya medyo sobrang nalungkot ako.. Humingi ako ng tulong kay dave pero ayaw nya akong tulungan dahil ako na daw ang dapat gumawa ng paraan dahil sabagay nasa harap ko na ang matagal kong hinahanap.. Pero talagang nakaramdam ako ng hirap para kausapin sya.. Ang taong nasaktan ko at ngayon ay di na ako kilala dahil sa ginawa ko na labis ko talagang pinagsisihan.. sising sisi ako sa ginawa ko..

MARITIME HUNKWhere stories live. Discover now