CHAPTER 4 : THE PERVERT slash STALKER JERK

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ice!" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Dali-dali ko itong nilingon at halos malaglag ang panga ko sa nakita. Si Avery lang naman iyon kasama si Adrian. Hindi lang iyon ang nakita kong eksena na nagpalaglag ng panga ko, dahil buong squad ni Adrian ay pinalilibutan si Beshy Ryry. Para tuloy akong nanonood ng isang palabas sa TV na iyong babaeng may boyfie na gangster, tapos dahil sa sikat si girl, kailangan niyang protektahan si girl sa mga gustong lumapit dito kaya niya inaya ang gangmates niya para maprotektahan si girl. God! Stop that, Ice.

"Ice, hindi na ako natutuwa," bulong sa akin ni Avery nang makarating sila sa kinatatayuan ko. Nakanguso akong tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Nagpaalam na si Adrian kay Avery na kailangan na niyang umalis, mabilis naman itong sinang-ayunan ni Avery.
"Mamaya, ako pa sisihin mo kapag na-late ka."

"H-Hindi naman kita sisisihin, babe. Ginusto ko namang samahan ka," nakangiting sabi ni Adrian kay Avery. Aga-aga, pinakikilig n'yo ako. Iwan ko kayo, e. Nah, kidding.

Pagkaalis nina Adrian, naglakad na kami ni Avery papuntang classroom. Medyo kaunti na lang ang nakasasalubong naming estudyante dahil nasa part na kami ng school na hindi gaanong pinupuntahan.

"Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay. Mula sa uniform natin na kulay maroon, sa classroom nating sobrang layo sa kabihasnan, at sa lessons na halos lahat ng kailangan nating pag-aralan. It's very different kumpara sa normal students. At ito pa, kung paano nila tayo igalang, kakaiba rin. Sobrang bilis ng mga pangyayari," I said saka ako bumuntonghininga. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Avery na ikinatayo ng balahibo ko. "B-Bakit?" nagtataka kong tanong kay Avery.

"We're in S Class, no choice tayo kundi ang sanayin ang sarili natin. Kahit nga ako, hindi ko gusto mga nangyayari. I don't want any attention. Gaya na lang kanina. Buti na lang, meron si Adrian kanina," nakangusong sabi ni Ryry. Pero nang mga oras na nabanggit niya ang pangalan ni Adrian, hindi niya napigilan ang pagguhit ng ngiti sa labi niya. Huminga ako nang malalim.

Masaya kaming nagkuwentuhan ni Avery habang naglalakad papuntang classroom. Pagdating namin sa classroom, napaawang kaunti ang bibig ko dahil sa nadatnan namin. Punong-puno ng iba't ibang uri ng namumulaklak na halaman ang loob ng classroom. Sino'ng may gawa? Si Kerbie lang naman. Napabuntonghininga ako.

"Good morning, Ice. Good morning, Ery," bati ni Kerbie sa aming dalawa ni Avery. Nagtinginan lang kami ni Avery saka kami sabay na napatampal sa noo namin.

"Hindi mo man lang sinabi sa amin na balak mo palang gawing garden ang classroom natin. E 'di sana tinulu—"

"Naku, hindi na kailangan. Tingnan n'yo, ang ganda. Gusto n'yo bang kunan ko kayo ng picture kasama ang garden ko?" nakangiting sabi ni Kerbie. Napakainosente naman ng isang 'to. Umiiling akong nagtungo sa upuan ko.

"O? Good morning, Ryuu," rinig kong sabi ni Kerbie. Napunta kay Ryuu ang atensyon ko.

Ryuu Gonzales holds the third position in S Class.

Nitong nakaraang araw, napansin ko lang sa kaniya na mahilig siyang mag-alaga ng pusa, aso, at iba pang mga hayop na puwedeng alagaan. Silent type siyang tao, ni hindi ko pa nga siya gaanong nakakausap dahil sa sobrang tipid niyang magsalita. Tanging sina Kerbie at Astrid lang ang nakagagawang patawanin siya at gawing isang kakaibang tao kumpara sa usual na Ryuu na nakikita namin.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makaupo sa desk niya. Marahan niyang itinuon ang atensyon niya kay Kerbie saka niya ito nakangiting binati, "Morning."

Nawala agad ang atensyon ko kay Ryuu nang muling bumukas ang pintuan ng classroom at iniluwal nito si Timothy. As usual, he was wearing his poker face facial expression. Nakanguso ko siyang pinagmasdan.

THE S CLASS PROJECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon