"Honey, she's a psycho. San mo ba nakuha yan?" Rinig ko pang sabi niya.

Pero agad akong napatigil nang may matandaan.

"Trish..." Mahinang bulong ko.

Namayani ang katahimikan sa paligid. Itinaas ko ang paningin ko at direkta siyang tinignan sa mga mata niya.

"I-ikaw si Trish diba?!" Malakas kong sabi.

Nakita ko ang paglunok niya bago harapin ang sinasabing Alpha. Nakatingin ito sakanya na para bang nagtatanong.

"H-honey. Hindi ko alam kung paano niya ko nakilala. Wala akong kilalang Jane!"

"Sinungaling!" Nagsimula nanamang umakyat ang inis saakin.

Sino siya para itanggi si Jane?!

Pinilit kong muli na abutin siya para saktan ngunit masyadong malakas si manang.

Naramdaman ko nalang na biglang may yumakap saakin mula sa likod.

"Tahan na ija..." Boses ni manang.

Unti-unti akong kumalma pero nanatiling tumutulo ang mga luha ko.

"Paumanhin, Alpha. Pero mukhang nabigla lang sya sa mga nangyari."

Mabagal niya akong inakay palabas ng silid na iyon at pabalik sa silid kung san niya ako binihisan kanina.

Naupo kaming dalawa sa kama. Agad kong isinubsob ang mukha ko sa dalawang palad ko.

"Manang... Gusto ko na talagang umuwi." Sabi ko.

Naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa buhok ko.

"Sigurado ka ba?" Tanong niya na agad kong ikinatango. "Tutulungan kita."

Agad akong napaagat ng tingin sakanya. Nakita ko naman ang ngiti sa mga labi niya.

"Manang..."

            *               *                *

Mabilis akong tumakbo pagkatapak na pagkatapak palang ng mga paa ko sa labas ng hardin nila.

Dito, walang mga bantay na hindi katulad sa harapan na sobrang dami. Nilingon ko pa si manang sa huling pagkakataon na nakasilip sa may pinto atsaka siya biniyan ng isang ngiti.

"Salamat..."

Muli ko nang itinutuok ang paningin ko sa daan. Ang sabi saakin, pagkalampas sa hardin ay gubat na ang bubungad saakin.

Dire-diretsuhin ko lang daw ang takbo at may makikita raw akong highway. At sa oras na iyon, makakahingi na ako ng tulong.

Malalim na ang gabi at kung bibilangin ko ang iginugol kong oras, malamang ay madaling-araw na.

Mas binilisan ko pa ang mga hakbang ko at agad na pumasok sa gubat.

Hindi ko alintana ang dilim at sakit sa mga paa ko dahil nakayapak lang ako. Mas mahalagang makatakas ako dito.

Sa itsura palang ng babaeng iyon kanina, alam ko nang may mali. Hindi naman siya magpapanggap na hindi niya kilala si Jane kung wala siyang itinatago.

Napatigil ako sa pagtakbo nang may maaninag na mga taong naglalakad.

Agad akong nagtago sa likod ng isang malaking puno at hinintay silang makalayo.

Nang masigurong wala na ngang tao, agad kong inihakbang ang mga paa ko.

Ang layo na ng tinakbo ko nang isang lalaki ang biglang sumulpot sa harapan ko.

Nawalan pa ako ng balanse dahilan para bumagsak ako sa lupa.

"S-sino ka?" Kinakabahang tanong ko sakanya.

Isang ngisi lang ang isinukli niya saakin. Umupo siya sa harapan ko para magkapantay kami. Tanging buwan lang ang paraan para makita ko ang mukha niya.

Suminghot-singhot siya sa hangin bago ako muling balingan.

"You smell like him. You came from his pack?" Tanong niya. Nanginginig akong napalayo sakanya.

Narinig ko ang mahinang tawa niya na ikinatingin ko sakaya.

"Don't be scared, little kitty."

Napaigtad ako nang maramdaman ang kamay niya na pumatong sa tuktok ng ulo ko. Pero imbes na saktan, marahan niya iyong hinaplos dahilan para mapatitig ako sakanha.

He also have those gray orbs that shines in the dark...

"They're coming." Mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko.

Agad na napalingon ako sa pinanggalingan ko nang makarinig ng mga kaluskos ng mga tuyong dahon. May mga mahihinang boses din akong naririnig na tila ba ay papalapit sa direksyon namin.

Agad akong napatingin sa lalaking nasa harapan ko.

"P-please... Itakas mo ko please." Pagsusumamo ko.

Muli ko pang nilingon ang pinanggalingan ko at nakikita ko na ang mga anino nila.

"Pakiusap!"

"Sorry, kitty. Pero hindi ko magagawa yan." Kasabay ng sinabi niyang iyan ay ang paglitaw ng mga tao mula sa pinanggalingan ko.

Tumayo ang lalaki sa harapan ko atsaka pinagmasdan ang mga bagong dating. Nanatili akong nakasalampak sa lupa habang unti-unti nang nawawalan ng pag-asa.

'Nahuli nila ko...'

Mula sa kumpol ng tao, lumabas ang isang lalaking may malakas na awra. Siya yon.

Ang lalaking nakabili saakin. Ang Alpha nila.

Saglit niya lang akong tinapunan ng tingin bago balingan ang nakausap kong lalaki kanina.

Ang lalaki naman ay nakapamulsa lang habang nakangisi.

"Isn't she a lovely lady, Alpha?" Sabi niya

Napayuko nalang ako dahil doon. Akala ko... Akala ko makakalaya na ako. But I was wrong.

"She is." Sagot naman ng isa.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng tao sa harap ko.

"But she isn't your mate. Can I just have her?"

Mariin kong naisara ang mga labi ko. Bigla kong naramdaman ang inis sa sarili ko. Bakit ko ba kinausap ang lalaking to?

Kung hindi siya sumulpot, edi sana nakalayo na ako!

"Sorry but no." Sagot naman ng Alpha.

"Oh well... Still the selfish alpha that I knew. Nothing changed.

Right, brother?"

Sa huling sinabi niya, agad akong napaagat ng tingin.

B-brother?

Ramdam ko ang tensyong biglang namutawi sa pagitan nilang dalawa. May dalawang taong kumuha saakin at nilagay ako sa isang tabi.

Nanatili ang mga mata ko sa kanilang dalawa at habang tumatagal... Pataas nang pataas ang tensyong nararamdaman ko.

Hanggang sa...

"ROGUES!"

-----

Sold to an AlphaWhere stories live. Discover now