KABANATA VI

26.6K 729 4
                                    

I was shocked when three big dogs jumped out of nowhere. But i think, dog is just not the right term...

They are wolves.

"ROGUES!" Malakas na sambit ng isang lalaki.

Para akong nanigas sa kinauupuan ko nang mabilis na sumugod ang mga lobo sakanila.

But then, I was surprised with their strengths. Nagulat nalang ako nang masangga ng Alpha ang pagsugod sakanya ng isang lobo.

Hinawakan niya ito sa leeg at saka mabilis na binalibag palayo. Agad na may sumugod ulit sakanya pero hindi manlang sya natinag.

'Paanong...'

Dumako naman ang paningin ko sa lalaking nakausap ko kani-kanina lang. Siya man din ay sinugod ng lobo pero nagawa niya rin itong pigilan.

"This is fun!"

Rinig ko pang sabi niya.

Hindi pa ako nakaka-move on sa tatlong mga lobo nang bigla nanamang may dumating na iba. Hindi na bababa sa sampu ang nakapalibot saamin.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa pwesto ko. This is my first time! Hindi ko naman alam na may ganito kalalaking lobo pala sa mundo!

Napatayo ako sa kinauupuan ko nang isang lobo ang nakita kong tumalsik papalapit sa pwesto ko. Pagkaalis na pagkaalis ko ay ang saktong pagtama nito sa punong kinalalagyan ko kanina.

Agad akong kumapit sa isa pang puno at tinignan ang lobo.

Mabilis lang siyang nakatayo at bahagya lang na umiling bago napatingin saakin.

Hindi ko alam kung paano, pero sigurado ako... He smirked at me!

Akma na akong tatakbo nang mabilis siyang tumalon para dakmain ako. Sabay kaming bumagsak sa lupa at agad siyang pumaibabaw saakin.

"Umalis ka saakin!" Nagmamatapang kong sigaw kahit na lambot na lambot na ako.

Naramdaman ko ang pagtulo ng malagkit niyang laway sa mukha ko. He showed me his sharp fangs at handa na niya akong kagatin.

Agad kong ipinikit ang mga mata ko at hinintay nalang ang pagkamatay ko. But then, minutes had passed na walang bumaon na matulis na ngipin saakin.

"Stand up."

Agad kong imunulat ang mga mata ko nang makarinig ng isang boses. Mukha ng nakabili saakin ang bumungad saakin.

Agad hinanap ng mga mata ko ang lobo kanina at nakita ito na nakahandusay sa malayo.

"A-anong---" Hindi ko natapos ang pagtatanong ko nang mabilis niya akong hilahin patayo.

Sakto naman na isang wolf ang ngayon ay bumagsak sa pwestong kinahihigaan ko kanina.

"What do you want?" Maawtoridad na tanong ng lalaki sa bagong dating na wolf.

At sinong tanga naman ang kakausapin ang isang aso?

"This is our territory... Alpha."

Agad na nanlaki ang mata ko nang marinig na sumagot ang lobo.

Nababaliw na ata ako!

Sinubukan kong makawala sa hawak niya saakin pero masyado iyong mahigpit.

"May bagong mukha yata tayo dito..." Nang-uuyam na sabi ng lobo dahilan para mapatigil ako.

A-ako ba ang tinutukoy niya?

Agad akong napahakbang palayo sa kanya at nanatili nalang sa tabi ng Alpha na ito. Bahagya pa akong nagtago sa likuran nya.

Sold to an AlphaWhere stories live. Discover now