KABANATA XVIII

21.9K 706 10
                                    

"Wow..." Manghang sambit ko nang marating na nga namin ang lugar na sinasabi nya.

It was a lake surrounded by beautiful flowers and plants. Mangha akong nagpalinga-linga sa paligid habang binubusog ang mata ko sa magandang tanawin.

"Beautiful isn't it?"

"Yes. Pero mas maganda siguro rito pag gabi." Sabi ko habang naglalakad papunta sa tubig.

"Why? Sasama ka ba saakin sa gabi?" Biglang tanong nya na ikinalingon ko sakanya.

Hindi ako nakahanap ng tamang salitang isasagot kaya nanahimik nalang ako.

"You see?" Sabi nya pa sabay tawa. Tumabi sya saakin na ikinasunod ko lang ng tingin sakanya.

"This is our haven." Mahinang sabi nya na ikinakunot ng noo ko.

"Our?"

"Yup. Me and my brother. We used to go here when we were little." Sabi nya at bahagya pang ngumiti.

It seems that he's reminiscing.

"You mean, Asmodeus? Anong nangyari?" Tanong ko.

Naupo sya sa lupa na ginaya ko naman. Tinanggal ko ang suot kong tsinelas bago inilublob sa tubig ang paa ko.

"Well... Kailangan nyang mamuno. He was the elder after all. Sya ang nagmana ng trono ni dad sa pack. He just became so busy." Pagku-kwento nya.

"Eh bakit ka ba wala sa bahay?" Tanong ko ulit.

Bahagya nya akong tinapunan ng tingin bago muling umiwas.

"It's my decision. Nothing really important." Sagot nya.

Hindi nalang ako muling nagtanong kasi mukhang wala na sya sa mood. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin nang magpasya syang basagin yon.

"By the way, LUNA. How's your stay in the house?" Sinabi nya yan nang may diin sa salitang Luna na ikinaningkit ng mata ko.

"Ano ba yang Luna na yan?" Iritang tanong ko sakanya.

"You'll find out soon."

Napasimangot ako sa naging sagot nya. Parang si Deus lang na walang kwentang sumagot. Psh.

Bigla namang nag-pop sa utak ko ang salitang mate. Agad na napatingin ako sakanya.

"Uhm... Pwede ba akong humingi ng tulong sayo?" Tanong ko na ikinalingon nya saakin.

Question is written on his face. Napakamot ako sa bunbunan ko dahil sa kaunting hiya na nararamdaman ko.

"On what?"

"On finding my mate?" As soon as nasabing ko ang salitang mate, bigla syang bumunghalit ng tawa na ikinasalubong ng kilay ko.

"Anong nakakatawa?!" Inis na bulyaw ko sakanya.

Sandali pa syang tumawa bago pahirin ang mata nya na naluluha na. Huminga pa sya ng malalim bago ako hinarap na nagpipigil ng tawa.

"Your mate?"

"Yes! May problema ba don?!" Inis kong sabi sabay irap sakaya.

I saw him laughing again making me glare at him. Itinaas nya naman ang dalawang kamay sa ere na simbolo ng pagsuko.

"Okay, okay, Luna."

"Stop calling me that!"

"I can't. You have to leave this place before I stop calling you one." Biglang seryoso nyang sabi na ikinatahimik ko nanaman.

Biglang bumigat ang hangin sa paligid nang magbago ang ekspresyon nya. Seryosong seryoso sya ngayong nakatingin saakin na ikinalunok ko ng laway.

"Leave, kitty. While I can still help you."

Sold to an AlphaWhere stories live. Discover now