Chapter Two

596 25 0
                                    

Nilibot ko na yung buong mansyon pero wala akong mahanap na tatakasan. Well, meron talaga sana kaso may mga guwardiyang bantay sarado.

Infairness maganda yung lugar. Ano kaya ang trabaho ng lalakeng yun? Sobrang gara eh afford niya lahat to.

“Ah miss ayos ka lang po?” I nodded my head, halatang nagdududa ito kaya dapat umarte ako na parang wala lang.

“Cr lang ako” tumungo ako sa cr at dun ako nakahanap ng bintana walang guwardiya sa labas bakit di ko naisipin to?

Kumuha ako saglit ng upuan at ginamit ko itong pamatong para maabot ko yung bintana at dun ako nakalabas. Mabilis akong tumakbo at patago ako sa mga halaman para hindi ako makita ng mga guwardiya. I'm so smart enough.

Dumiretso ako sa hotel ko at dun ko nakita mga gamit ko pati pera ko. Nakalimutan ko na last day ko na pala ang stay in ko dito sa hotel so nag impake nalang ako. Napansin ko yung phone ko na may maraming messages at missed calls galing kay Zach.

Umupo naman ako sa kama. Boset talaga tong lalakeng to! I was trying to forget about him, about us because he broke up with me tapos magpaparamdam pa siya. Gusto niya atang masaktan ako lalo eh.

Kinuha ko maleta ko at tuloyang umalis ng hotel maghahanap nalang ako ulit ng apartment lumayas ako sa apartment ko dati dahil kay Zach. Tumira ako sa bahay niya for how many years, nagcheck in ako sa hotel for one week dahil nagtampohan kami ni Zach nung nakaraan at yung masayang dinner date namin ay hindi ko aasahan na hihiwalayan niya ako na hindi ko man lang alam ang rason. But I guess because of his parents.

His parents hates me so much. Ginawa ko na lahat para ma-impress sila sa akin pero wala pa rin eh. Siguro I'm not the one for him. I deserve this.

At ngayon hindi ako makahanap ng apartment puro mga walang bakante ano ba naman to saan ako matutulog? Sa hotel ulit? Dobleng gastos.

Uuwi nalang ako ulit kina mama kaso ang layo nasa somewhere sa Visayas sila ngayon and I can't even afford plane tickets. Hayst. Umupo ako saglit sa waiting shed 3pm na pala. Nagulat nalang ako ng tumunog yung tiyan ko shit I'm hungry.

Pero ubos na ubos na yung pera ko. Kinuha ko phone ko tinawagan ko si Nichelle kaibigan ko.

“Hey! Nich can I stay with you for one week? Wala akong mahanap na apartment eh”

“Oh sorry Fel pero wala ako sa bahay eh nagbabakasyon kami ng parents ko sa ibang bansa. Why don't you call Roland he's rich and he's your bestfriend he can't refuse you” sagot niya sa kabilang linya.

“Well I'll try. Enjoy!„ I hanged up, tinawagan ko naman si Roland. Cannot be reached siya, I called him one more time but my load, expired.

“Wrong timing naman oh!” Sumandal muna ako saglit sa gilid at dun hindi ko namalayan na nakatulog ako.

“Master, here are some more information about her. Felicia Jones 25 years old daughter of Jones's family the heir of the Jones Company pero na-bankrupt so Felicia found a job as a waitress she really wants to be a chef pero hindi siya nakapagtapos sa culinary arts because her family can't afford culinary school. She had a brother younger than her but her aunt supported him. She also had a boyfriend name Zachary Hedge but they broked up.„ umupo naman ako ng maayos.

“And the reason?”

“They didn't give any reason at all I guess it is something personal” tumayo ako at sumilip sa bintana.

"How about the guy?”

“Zachary Hedge 28 years old son of Luthor and Drianne Hedge. The new president of Hedge Company the company is still getting bigger. Zachary is getting married next month with Eloise Tyler her parents was a business partner of Luthor Hedge. When they unite lalago ang kompanya nila” strange, nag hiwalay si Felicia at Zachary then ikakasal agad yung lalake.

A reason to LoveWhere stories live. Discover now