Chapter 28

46 4 2
                                    

This guy

This meeting with Carla Jeron, or the hired agent of Azure went smoothly.

May mga detalye pa akong sinabi sa kanya tungkol sa father ko. And one of those is, I don't actually know my dad's surname. I asked my mom before about my father's credentials but she only gave me his name.

The curiosity of me about his surname is still in there, however, my mom doesn't really want me to know it. Kahit ayaw niya sabihin noon, ayos lang naman sa akin. At least I know his name. At alam ko kung anong kinalalagyan namin ni mama.

She told me that, mas mabuti na ang hindi ko malaman ang iba pang tungkol sa tatay ko para sa kaligtasan ko. Base from my dream wherein I saw my father, he stated too about protecting me. Ganun ba talaga kadelikado ang makilala ang ama ko?

Pero wala na akong magagawa eh, ito ang itinadhana sa aking pamilya. 'Yung kaming dalawa lang ni mama. I am still thankful for having my mom. Kahit dalawa lang kaming sumabak na magkasama sa buhay, I am still blessed.

As my mom persistently making me not to think of my father, nakakahinayang that she really didn't give any informatiom about him. Lalo't mukhang konektado ang lahat ng nangyayari sakin, kay papa. Kung hindi ko pa pala nakita ang picture ni papa sa bag niya, I won't learn his name.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko at saka tumayo mula sa upuan nang maubos na namin parehas ang pagkain, "It's nice meeting you ma'am, tatawagan nalang po kita if I'll ever have information about your dad's whereabouts." saad niya pagkatayo.

"Teka, I'll give you my number first--"

"No ma'am, naibigay na ni sir Azure sa akin ang numero mo," napatanga ako sa sinabi niya.

"By the way, nasaan pala si Azure?" I asked. Hindi lang ako ang naghahanap sa kanya.

Napahawak si Carla sa kanyang baba, "The last time we meet ma'am, nagkita kami malapit sa condo na tinitirhan niya."

"Condo? Where?" Desperada kong tanong. Nagaalala ako sa taong 'yun. Ilang araw walang paramdam at imposibleng nagsususubsob sa pag aaral 'yun. Matalino ang gungung pero hindi siya 'yung tipo ng hard working student.

Damn, ano bang mga pinagsasabi ko.

Carla's eyes slanted dahil sa makahulugang ngiti nito, "Hatid kita roon ma'am."

"Seryoso ka?" I asked. She can just tell me where the condo is para ako nalang mag-isa ang pumunta, "I may be an inconvenience--"

"No ma'am, isa pa, pansin ko na palaging bukambibig ka niya sa akin ma'am. Hindi lang tungkol sa kaso," saad niya pa na siyang nagpakaba sa akin. Ano bang sinasabi ni Azure kay Carla?!

"Like what?"

She slightly smiled again, "Hindi ko na sakop ang pagsagot niyan ma'am." she said at saka nauna ng umalis mula sa tea shop kaya naman sumunod na ako rito.

I don't have any idea on what's going on with Azure. But one thing that I am sure of; gustong gusto ko na siyang makita.

Nakasakay na kami sa kotse papunta sa kung saang lupalop man nagsstay si Azure De Vera. Naalala ko bigla si mama at ang mom ni Azure that's why I pick up my phone from my bag pack at nagcompose ng message sa mom niya. I told her that I am going to Azure's place at babalik din ako sa hospital mamaya.

Saglit lang din nang nagreply ang mama ni Azure:

Oh dear, I trust you with him. Just update me, I'll take care od your mom.

Napangiti naman ako sa sinabi nito. She's really giving me her trust for their son. Sa pagpapadala palang nila kay Azure sa bahay, hindi sila nagalangan. Napabuntong hininga nalang ako. Azure Azure Azure... Why do you have to make my life so complicated?

This Little Strange Thing (COMPLETED)Where stories live. Discover now