Chapter 14

81 8 17
                                    

Attempt

"So that's the modelling company huh?" I asked. Honestly, naaappreciate ko ang ginagawa niyang pagprotect sa akin ngunit di ko maaafford kung may mangyayari kay Azure nang dahil sa akin. Kaya gusto kong makabalik na ito sa Mansion.

Tumango ito habang nagddrive. Hays. Why don't his parents just let him home? "Ano bang balita sa Mansion? Bakit ayaw ka pa ring pabalikin?"

"You really want me to be home huh? Because I still haven't settled everything yet about Shiela..."

"Tutulungan kita mag-explain," I suggested.

"Honestly, I can be home, but I can't expect my dad to treat me the way he does before. And also, knowing you're alone here, I won't," madiing tugon nito.

I glared at him, squinting my eyes saying, "Azure are you out of your mind? My life is dangerous, at ayaw kitang madamay doon."

"But my choice, stills." I leaned back at the seat, bewildering.

As we are getting near home Azure just told me things na pwedeng gawin ni Shiela sa akin. I must say na, baliw na baliw ang babaeng 'yon dito sa lalaking 'to. Ika niya nga, obssessed ang babae sa kanya.

"Eu, please always be careful okay? Since I know that sasabihin ni Julia sa ate niyang may nakita syang babae na kasama ko. They might be hunting you down..." nagaalalang paalala ni Azure.

Natahimik na lamang ako.

Hindi na talaga ako ligtas. Hindi ko talaga maintindihan why do I have to experience this? Ang manahimik ang ginawa ko sa tanang buhay ko. Pero simula nang may makasalamuha ako, parang grabe ang tadhana. Ayaw akong mamuhay ng normal. Lagi nalang akong magisa dati, pero ngayon may nakakasama nga pero di naman ako ligtas.

Bumaba kami mula sa kotse at naglakad papasok sa bahay. Bago pa ko tuluyang makapasok ay nagring ang phone ko.

I answered it quickly, "Hello po?"

"Euphoria! Your mom was attempted to be shot! I'll message you the address of the hospital!" mabilis na utas ng ina ni Azure.

I froze for awhile. Tila gumuho ang mundo ko. Pati ba naman ang nanay ko?

Hindi ako nakareact kaagad at kusang tumulo ang luha ko. Pagkakita sa akin ni Azure ay agad ako nitong niyakap.

"Euphoria why? What happened?" he asked.

"M-my mom.. she is in the h-hospital.." I sobbed as I said those words.

Nang kumalma na ako ay agad kaming sumakay muli sa kotse nito. Azure's mom already texted me the address of the hospital.

Tahimik lang ako buong byahe at iniisip ang mama ko. Tama ang iniisip ko, the person behind this must be the person who did the incident in the locker room. He's been silent, at ngayon nag-ingay siya at sa ganoon pang paraan?

Ano bang ginawa namin rito? Ni hindi nga namin kilala kung sino siya, yung caller. Wala akong natatandaang ibang nakagalitan namin. We're not perfect, but I believe wala kaming ginawang malaking kasalanan para maranasan ang ganito.

Patuloy na tumutulo ang luha ko habang nakatingin diretso sa dinadaanan ng kotse. Madilim na ngayon at tila uulan pa. Sumasabay sa luha ko.

Narating namin ang hospital at nakita agad namin sa bungad si Mrs. De Vera. Azure hugged her and so am I. We all went to my mom's room. Sa labas lamang muna kami dahil the medical team are still pumping her up.

My mom hyperventiliates situationally, lalo na sa ganung bagay. Ang pagtutok sa kanya ng baril.

"Euphoria, I already ordered my men to roam around the area at baka hindi pa nakalalayo ang taong 'yon.."

This Little Strange Thing (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant