CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'

Start from the beginning
                                    

Matagal din bago kami nagbitaw ni Nanay Susan sa pagkakayakap sa isa't isa. Sobra ang saya niya na makita ako at ganoon din naman ang nararamdaman ko.

Pagkabitaw niya sa akin ay nakita kong napatingin siya kay Erik na nasa likod ko.

"U-uhm Nay, si Erik po." pangunguna ko.

Grabe parang bigla akong kinabahan nang kaunti sa mga oras na 'to. Para akong teenager na nagpapakilala ng boyfriend sa nanay niya.

Though hindi ko naman boyfriend si Erik.

Hindi talaga.

Bahagya namang ngumiti si Nanay Susan habang nakatitig pa rin kay Erik.

"Erik Santos." tanging sabi lang ni Nanay Susan.

"Uhm opo, magandang umaga po. Ako po si Erik. Uhm kasama po ako ni Angge sa ASAP." sabi naman ni Erik at bahagyang yumuko pa.

"Oo iho alam ko, may TV kami."

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa kanilang dalawa. Halatang kabadong kabado si Erik.

May pagyuko pang nalalaman kaloka.

Sabagay, ni hindi ko naman siya noon kinailangang ipakilala kay Mama Bob at sa Papa ko kaya hindi niya pa nararanasan ang ganito.

"Magandang umaga din naman, iho. Halika, tuloy na kayo." sabi na lang ni Nanay Susan at iginiya na kami papasok ng bahay nila.

I looked around the house. Halos wala namang pinagbago. Hindi ito ang unang beses na nakarating ako dito.

Simple lang ang bahay kagaya ng bahay namin noon.

Pansin ko naman na iniikot din ni Erik ang paningin niya sa kabuuan ng bahay pati na sa mga nakasabit na pictures sa dingding.

"Pasensya na kayo ah, hindi man lang ako nakapaghanda. Hindi ko naman inaasahan na darating pala kayo." sabi pa ni Nanay Susan habang natatarantang pumunta sa kusina na halos kalapit lang din ng sala.

"Ayos lang ho Nay, biglaan lang din naman po talaga kaya hindi ko na rin kayo nasabihan." sabi ko pa.

"Ano bang gusto niyong kainin? Ipagluluto ko kayo. Maaga silang nagsialis kaya ako lang mag-isa dito." sabi pa niya, napansin ko nga na walang ibang tao dito kundi siya lang, siguro ay nasa eskwela o trabaho ang mga kapatid ko.

"Ah huwag na ho Nay, may dala naman po kami ni Erik. Ito na lang po ang kainin natin." sabi ko pa pero parang hindi naman siya nagpaawat.

"Gusto niyo ba ng sinigang? Hindi pa kasi ako nakakapamalengke e, ayos lang ba sa inyo?" sabi pa niya sa amin habang nagtitimpla ng juice.

Napangiti naman ako. Talagang inasikaso niya kami.

Nang palabas na siya ng kusina bitbit ang isang pitsel ng juice at mga baso ay akmang tatayo na si Pogs para tulungan at alalayan siya pero sinenyasan siya ni Nanay.

"Huwag na, bisita ka dito." maiksing sabi nito at ipinagsalin na kami ni Erik ng inumin sa mga baso.

Parang nagulat naman si Pogs sa sinabi ni Nanay Susan dahil bigla siyang pinagpawisan kaya naman agad kong hinawakan ang kamay niya para ipahiwatig na 'Chill lang' sabay ngiti.

Ngumiti din naman siya sa ginawa ko.

Napansin ko naman na napansin din ni Nanay Susan ang ginawa kong paghawak sa kamay ni Pogs.

Medyo nataranta din ako kasi naisip ko na baka magtaka si Nanay sa ginawa kong paghawak nito kaya agad akong nagsalita.

"Ah Nay diba po magluluto kayo ng sinigang? Tara po tutulungan ko na kayo." nakangiting sabi ko naman para mailipat ang atensyon niya mula sa magkahawak naming kamay papunta sa akin.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now