CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang gwapo niya kahit na nakablack shirt at maong shorts lang siya tapos nakasumbrero at shades.

Marami rin kasing tao dito, bagamat palagi naman akong pumupunta dito at kilala na nila ako, kailangan pa rin naming mag-ingat ni Erik.

I heard him sigh at lalong humigpit ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin.

"Hindi ko naman kasi alam na may ganito kang plano ngayon, ni hindi pa nga ako nakapag-ahit ng balbas ngayon oh." sabi niya pa at kinapa ang mukha niya.

Natawa naman ako.

"Oh bakit akala ko ba confident ka na pogi ka diyan? Diba nga sabi mo boy band?" nakataas ang kilay na sabi ko.

"Oo nga pero kasi, siya, baka... ayaw niya?"

"Disente ka pa rin namang tingnan Love, okay na yan."

Alam kong kabado siya kahit hindi niya sabihin. And I actually find it cute. Kabado siyang makilala ang isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

"Tingin mo ba Love..." sabi niya bago tumigil at nagsalita muli "Tingin mo magugustuhan niya ako?"

Hindi ko naman napigilan na medyo matawa sa sinabi niya.

Hay nako Pogs, bakit ba ang cute mo?

Maya-maya ay tumigil na rin ako sa paglalakad at hinarap siya. I held his face.

"Matagal ka na niyang gusto kaya wala kang dapat na ipag alala. Relax lang, Love. Magugustuhan ka pa lalo ni Nanay."

Oo, Nanay. Nanay ko ang pupuntahan namin ngayon.

And with that, bilang nasa tapat na kami ng bahay ay agad akong kumatok.

Lalo kong naramdaman na nanlamig si Pogs nang mga oras na iyon.

Grabe, talaga bang kabado siya?

"Teka lang, sino ya--- Angie?! Jusko, Angie ikaw nga! Anak!" pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto ay bumungad na agad sa akin ang taong pakay naming dalawa.

Si Nanay Susan, ang tunay kong ina.

Agad akong bumitaw sa pagkakahawak ni Erik para yakapin siya.

"Nanay! Namiss po kita!" sabi ko naman habang nakayakap sa kanya.

"Miss na miss din kita anak!" sabi naman ni Nanay Susan at doon ay hinawakan niya ako sa mukha "Naku, ang ganda ganda talaga nitong anak ko! Namiss ka ni Nanay!" sabi niya at muling niyakap ako.

Niyakap ko lang din siya pabalik.

Parang maiiyak ako, ang tagal na rin mula nang huling makasama ko siya.

Simula kasi naging busy ako sa trabaho ay bihira ko na siyang makita.

Magmula noong ipinanganak ako, si Mama Bob na ang nagsilbing ina at ama ko. Noong una naman ay hindi ako naghanap at nagtanong pero habang tumatagal ay unti unti ko ring nalaman ang totoo.

Magmula noong malaman ko na ampon lang ako, madalas ko nang iniisip kung nasaan nga ba ang tunay kong ina.

Pakiramdam ko noon may parte sa buhay ko na kailangang masagot. Matagal bago nasagot ang mga tanong na iyon pero kahit na ganoon, hindi ako nagtanim ng sama ng loob kay Nanay Susan.

Siguro nga ay nakabuti pa ang ginawa niyang pang-iiwan sa akin noon kasi kung hindi, wala siguro ako sa buhay ko ngayon.

Mas napabuti ako dahil sa ginawa niya at masaya na ako doon. Gayunpaman, hindi ko pa rin nakakalimutan na parte siya ng buhay ko at mahal ko siya.

Secrets Beyond the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon